Pangalawa

314 8 0
                                    

Pangalawa


Binigyan ako ng susi ni tita Royce; ang ina ni amako.


Binuksan ko ang pintuan at kadiliman ang sumalubong saakin, wala ibang bukas na ilaw maliban sa isang kwarto na may pulang dim lights. Napalawak ang ngiti ko ng maisip na nandoon si amako, dahil sa pag kaka alam ko ay mahilig siya sa dilim at pulang ilaw.


Humakbang ako patungo sa direksyon ng silid na iyon ng walang ginagawang kahit na anong ingay. Iniwan ko ang maletang dala ko sa may salas at tanging sarili at isang palumpon ng pulang rosas na binili ko sa nadaanang bilihan ng mga bulaklak.


Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang mukha at supresadong imahe niya habang naka tingin saakin. Sana nga't ganoon ang nakita ko.


Ngunit nag kakamali pala 'ko.


Si amako, may kasamang lalaking nakahubad. Nag papalitan ng mapupusok na halik.


Nabitawan ko ang bulalak nang mga oras na iyon dahil sa gulat. Nag likha ito ng ingay na nag paagaw sa atensyon ng dalawang taong gumagawa ng kamalian. Oo, ng isang kamalian.


Kaibigan ko ang kasama ni amako.


Ayokong maka panakit ng tao kaya naman ay nilisan ko nalamang ang lugar na iyon habang pinupunasan ang mga luhang nag uunahan sa pag patak. 


Amako mahal ko, paano mo nagawa saakin ito.


Bumalik ako ng pilipinas ng hindi ipina paalam kay amako, ni hindi din kami nakapag usap pag katapos ng araw na iyon. Ako ang umiwas sakanya, ginulgol ko ang sarili ko sa alak at nag paka lasing hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit.


Sobrang sakit, ni isang beses hindi ko naisip na magagawa sa'kin ni amako lahat ng iyon. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko.


Amako mahal ko, paano mo nagawa saakin ito? Kulang pa ba ang mga ibinibigay ko sayo kaya nag hanap ka ng iba? Anong kulang sa pag mamahal na ibinibigay ko sayo na nahanap mo sa lalaking iyon? Kulang pa ba? O sadyang sawa ka na?


Sa lahat ng lalaking makikita ko kasama mo, at nakikipag talik, bakit ang matalik na kaibigan ko pa? Bakit sa taong tinuring ko pa bilang kapatid ko?


Antonio, kaibigan ko mag mula ng tumuntong ako ng elementarya, karamay sa pag bubulakbol, sa pag hanap ng mga babae simula ng kami'y tumuntong ng secondarya. Tinuring ko bilang kaparte ng pamilya ko. Tinuring ko bilang isang kaibigan, karamay, kakampi, tagapag tanggol, at kapatid.


Paano mo nagawang lokohin ako antonio.


Saksi ang aking kaibigan sa lahat ng pag hihirap ko, kung paano ko pinag mamasdan si amako sa malayo o kaya naman ay sa pag lalaro, kung anong paraan ang mga ginamit ko mapapayag lang si amako na siya'y ligawan ko, siya ang pinag sabihan ko ng problema, galit, saya, at rason kung bakit ako laging positibo sa lahat ng bagay. At alam niyang si amako iyon. 


Ang taong pinag katiwalaan ko, ang siya ding nang loko saakin.


Antonio ang ngalan ng aking kaibigan, ang taong sumira ng buhay ko.


Simula ng mag kita, mag ka kilala, mag kasama, at mag karelasyon kami ni amako itinuring ko na siya ang magiging buhay ko. Siya ang magiging rason kung bakit ako humihinga, nag papaka tatag, papaka sikap na makatapos para lang makahanap ng magandang trabaho o kaya naman ay makapag patayo ng bagong negosyo.


Siya ang buhay ko. Ngunit paano na ko ngayong wala na siya.


Paano na ko mabubuhay kung wala na ang rason ng pag hinga ko.


Apat na buwan,


Apat na buwan kami hindi nag kita o nag usap ni amako. Hindi ko siya tinawagan, o minessage man lang. Kung mahal niya si antonio, wala na kong rason para gawin pa 'yun sakanya. Siya na ang nag papa saya kay amako, siya na ang mahal niya. Bakit pa ko hahadlang kung iyon naman ang ikakasaya niya?


Ayos na ko sa ilang taon naming pag sasama, ayos nga ba? Sa totoo, hindi. Hindi ko alam. Wala akong alam.


I lost the reason for me to live.


***

Pahimakas (Short preview Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon