Someone's POV
Hahaha nakakatawa yung mukha ni Vien. Haha hindi na mahalaga ang pangalan ko. Tawagin nyo nalang akong G. Alam kong nagagalit kayo sakin but may rason naman kung bakit ko to ginagawa eh. Gusto nyo ikwento ko? Sige.
FLASHBACK
Matalik na kaibigan ko si Vien. Madalas ay best ang tawagan namin. Transfer ako nuon at wala akong kaibigan noon kaya tahimik ako hanggang isang beses ay may lumapit sa aking babae.
"Hi, ikaw si Andrea diba?" Tanong nya. First time may kumausap sa akin. Lagi kase akong binubully eh.
"O-oo. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako si Coleen Vien Montero pero tawagin mo nalang akong Vien." Sabi nya at ngumiti.
"Sige. Salamat at kinausap mo ko ah." Sabi ko.
"Wala yun. Friends?" Tanong nya.
"Friends!" Sagot ko at tumawa kaming dalawa.
Simula noon ay naging masaya na ako. Kase may kaibigan ako.
Akala ko puro kasiyahan ang dumadating sa buhay ko. Hindi pala.
"Hoy panget! Gawin mo tong project ko!" Sigaw ng isa kong kaklase.
"H-hinde ako panget! At tsaka ayaw kong gawin ang project mo." Sagot ko at akmang aalis pero hinila nya ang buhok ko.
"Tapang mo gurl ah." Sabi nya at sinampal ako. Ang sakit sakit.
Asan na ba si Vien? Sabi nya lagi nya kong poprotektahan pero asan sya ngayon??
Maya-maya nakita ko si Vien papunta dito.
"Ano bang kasalanan sa inyo ni Andrea at kelangan nyo syang saktan?!" Sigaw ni Vien sa kanila.
Walang sumagot. Bigla nya kong hinatak.
"V-vien salamat at niligtas mo ko sa mga yun. Kung wala ka bak--" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng magsalita sya.
"Stay away from me." Malamig nyang sabi.
"A-ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko.
"Ang sabi ko layuan mo na ko! Naiintindihan mo ba?! Kase kung patuloy tayong magsasama mas lalo kang mapapahamak." Sabi nya.
Napaiyak ako. Hindi ko sya maintindihan.
"B-bakit ka ba nagkakaganyan? Akala ko ba bestfriend tayo?" Tanong ko.
"From now on, back to strangers na tayo. Kalimutan mo na ko. Kase kalilimutan na ren kita." Sabi nya at umalis na. At ako nakatulala at naiiyak.
Simula nun hindi na ko binully pero malungkot pa rin ako. Kse yung kaibigan ko nawala ng parang bula.
END OF FLASHBACK
Kaya hanggang ngayon tuturuan ko sya ng leksyon. Ang sakit kase hindi nya man lang ako maalala. Yung letter na yun ako ang nagpabigay nun.
Kung dati ako si Andrea noon pwes hindi na ngayon. Inilibing ko na ang mabait na Andrea. Ako na ngayon si Gayle. Isang matapang na babae.