Gayle's POV
"Coleen? Sabay tayo uwi mamaya pwede?" Tanong ko kay Coleen. Subukan niya hindi pumayag, agagawin ko syota niya.
"H-ha? Ah eh.. ano kasi kasabay ko kai--"
"Nagpaalam na ako. Pumayag naman siya. So tara na? Medyo madilim na din eh." Tumitig muna siya sakin at tumango.
Sumakay siya sa pink car ko. Ako syempre nag drive duh. Gusto ko kasi ipaalala sa kanya lahat ng nangyari. Huh. Well, sasabihin ko na kung sino ako.
"Coleen. Sino una mong naging kaibigan?" Tanong ko sa kanya habang nag dadrive ako.
"Hmm. Si Nikki, bakit mo natanong?"
So ano? Talagang wala siyang maalala? F*ck her."Ah wala naman. Kelan mo siya naging kaibigan?"
"Since elem pa. Bakit mo natanong? Hehe." Umiling lang ako.
"Wala ka bang kilalang Andrea?" Malay mo. May maalala siya or baka nagpapanggap lang na hindi niya ko kilala?
"Ha? Wala naman. Napapansin ko kanina ka pa tanong ng tanong? Haha." Napa break ako ng malakas. Good thing naka seat belt kami pareho.
"G-gayle.. dahan dahan naman--"
"Hindi mo ba talaga ko maalala?! How dare you!" Nagagalit na ko. Mukha siyang nagulat.
"H-ha? Ano bang.. sinasabi mo? Ngayon palang naman kita nakilala?" Mahina niyang tanong. Ngumisi ako.
"Gusto mo makilala kung sino ako?! Ako lang naman ang naging bestfriend mo noon. Ako si Andrea. Ang taong iniwanan mo. Sa panahon na kailangan kita wala ka. Ano kilala mo na ko?" Ngumiti ako ng mapait. Akala ko tatango siya, but i'm wrong.
"Wala.... akong maalala-- Ouch!"
Hindi ko na control sarili ko. I slapped her very hard. Dala na ng galit ko. Mangiyak ngiyak siyang tumingin sakin. Bitch.
"Manloloko. Mang iiwan. Hindi ka tunay na kaibigan." Galit kong sabi at pinaharurot ko yung sasakyan ko ng mabilis.
"Tigilan mo 'yan Gayle! Dahan dahan lang! Please!" Hindi ko siya pinakinggan. Ano siya sineswerte? Mas lalo ko pang binilisan.
Ihihinto ko na sana yung sasakyan ko dahil may pasalubong na truck but it was too late.
"AAAAAAAAAAAH!" We screamed and everything went black.