II
FESTIVAL
"Ate Arllia! Tapos na ba ang gamot ni Lolo?" Ngumiti ako sa masiglang bata kasabay ng pag abot ko sa kanya ng durog na dahon na nasa maliit na bote."Oo heto. Huwag mo itong kalimutang tunawin sa isang basong tubig bago mo ipainom sa Lolo mo." Tumango ang bata bago siya nagpasalamat at lumabas.
Ipinagpatuloy ko ang pag durog ng dahong 'Ginko' habang hinihintay si Elnure, ang naging malapit kong kaibigan simula ng napadpad ako dito sa nayon ng Ateria.
Dalawang taon. Dalawang taon na ang lumipas nang umalis ako sa sarili kong tahanan. Nang makarating ako dito sa Ateria, walang kahit sinong taong gusto lumapit o kausapin ako. Sa pananaw ng mga tao sa bayan ay Isa lamang akong dayo na walang pagkakakilanlan kung saan ang pinanggagalingan kaya naiintindihan ko kung bakit sila lumalayo sa akin.
I slept on the street for two days, while hiding. Maraming mga kawal ang pinagtataguan ko dahil sa dalawang rason. Una, hinuhuli nila ang mga taong walang pamilya at tirahan dito sa Ateria, at pangalawa, hindi ko gustong mapagkamalan bilang isa sa mga babaeng handang mag benta ng laman, dahil hindi ako ganoong klaseng babae.
Some of the warriors where delinquent vampires. Mayroon din naman na mga taong napili bilang mga kawal na hindi ko inakala na mas malala pa sa hindi ko inaasahan. The trained vampires were called Royal warriors while the human and some novice vampires were called Noble army or soldiers that are headed by the Royal knights.
Bata palang ako ay mulat na ako sa kung anong klaseng mundo ako nabuhay. Mundong hindi lamang mga tao ang naninirahan kundi mga nilalang na nabubuhay na mayroong ibang klaseng lakas at kapangyarihan. Ito ang mundong pinamunuan ng Imperyong Villamorchantia, ang Imperyong namumuno sa limang kaharian.
Ang Alteria ay isang nayon na kabilang sa isa sa mga lalawigan na pinamumunuan ng mga Earl o Count ng sentral na kaharian. This is the kingdom where I try to survive. The kingdom that is ruled by the Khalisto. The royal blooded Vampires who have known to be ruthless.
Ang mga librong naiwan ng magulang ko ang higit na nag linaw ng mga katanungan ko. I have read books about vampires, werewolves, rouges, and magical creatures that are living in this world. At sa mga nilalang na iyon, ang mga bampira ang higit na kinasusuklaman ko dahil sila ang may kasalanan kung bakit mag isa nalang ako.
But then, I didn't expect the day that my hatred towards the vampires would change.
Sa tatlong araw kong patagong naninirahan sa Ateria ay hindi ko maiiwasan ang muntik na mahuli, buti nalang at nakatagpo ako ng isang mabait na ginang. Tinulungan niya ako, binihisan, at pinakain. Ang pamilya niya ay hindi gaanong mayaman ngunit na-iiba ang estado sa ibang tao dahil isang bampira ang kanyang napangasawa.
That was the day, my loathe for the vampires change. Pagkatapos kong makita ang pagmamahalan ng ginang at ng asawa nito, doon ko napagtanto na hindi pala lahat ay masama. Kahit ang mga bampira na Ilang daang taon pa ang bibilangin bago tumanda at kinakailangan umiinom ng dugo para lamang mabuhay, sila ay isa ring taong nakakaramdam din ng saya at lungkot.
The Easedra lend me a shelter. At sa tulong ni Elnure na anak ng mag asawa, nakapag simula ako ng bagong buhay dito sa Ateria. Nang makapag ipon ako ay binili ko sa mag-asawa ang maliit na bahay at ito ay pinaayos ko para sa mga herbal na gamot na aking pinagkakitaan.
Sa paglipas ng mga araw na naging lingo, lingo na naging buwan, at mga buwan na naging taon, naging malapit na sa akin ang mga tao dito sa bayan. At sa paglipas din ng mga araw na iyon parami ng parami din ang mga kawal na dumadayo na nanggaling pa sa kaharian. Kahit ako ay nakakaramdam ng kaunting takot minsan dahil sa nag uunahang mga negatibong pag iisip ay pilit ko nalang itong hindi pinapansin at kinakalimutan.
BINABASA MO ANG
The Ruthless King Venmore [Marked Series 1]
RomanceBOOK 1 OF THE MARKED SERIES Mearllia, a commoner and a damsel who hates conflict, wars, and killings. Peace and serenity is what she always wanted in life not until a man named Venmore Khalisto, a ruthless king who killed lots of its kind, castaway...