CHAPTER ONE

28 3 1
                                    

I
MEMORIES


"Maligayang kaarawan Arllia!" Magkasabay na bati ng magulang ko.

Hindi ko na nagawang kusutin pa ang mga mata dahil sa gulat. Kagigising ko lang galing sa mahimbing na tulog at itong sorpresa nila ang agad na bumungad sa akin.

Nag simula ng kumanta si Mama na sinabayan naman ni Papa. Dahil sa magkahalong surpresa at saya tumalon ako na naka handang yumakap sa direksyon nila. Hindi ko napansin ang cake na dala ni Papa kaya nang tumalon ako, sa cake ang bagsak ko. Napasinghap kaming tatlo ng nabalot ang aking mukha sa tumpang ng cake, at embes na umiyak ay malakas na tawa ang lumabas sa bibig ko.

Kumuha ng pamunas si Mama at napailing nalang sa nangyari. Kinurot naman ni Papa ang ilong ko kasabay ng malakas niyang tawa. Tawa siya ng tawa na nagpa simangot sa akin. Tuwang tuwa sa itsura ko ngayon.

"Paano na 'yan? Wala kanang mahihipan ngayong kaarawan mo." Binigyan ko si mama ng matamis na ngiti.

"Edi sa kanin nalang ako iihip ng kandila kung ganun." Bungisngis ko.

Nagpaalam si Papa na kukuha ng pamunas ng sahig habang binihisan naman ako ni Mama ng bagong pamalit. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi kaya hindi ko maiwasang hindi mag tanong na kibit balikat niyang sinagot na, "masaya lang".

Masayang umikot ako sa harap ni mama matapos niya akong ayusan. Isang kulay langit na bestida ang aking suot. Kulay na gustong gusto kong pagmasdan araw-araw. Nanatiling malaya ang maalon na kulay tsokolate kong buhok na sumasayaw sa kahit kaunti kong galaw.

"Ang ganda naman ng prinsesa ko." Ngumiti kaming dalawa ni mama sa puri ni Papa. 

"May pinagmanahan eh." Biglang kinurot ni mama ang pisngi ko na nagpa simangot sa akin.

Tumawa silang dalawa. "Oh, wag kanang sumimangot. May rigalo kami ng Papa mo sa iyo."

Rigalo! May rigalo ulit ako! Hindi ko ma itago ang kislap ng aking mga mata sa sinabi ni mama. Ang mga regalo nila ang isa sa mga komukumpleto sa kaarawan ko. Kahit hindi mga mamahaling bagay ang natatanggap ko sa kanila ay ibayong saya ang hatid nito sa akin.

Inutusan ako ni mama na pumikit na hindi ko naman sinuway. Ilang segundo lang ay may naramdaman akong malamig na bagay sa aking leeg. Sabik ko ng malaman kung anong bagay ito pero pinigilan ko ang sarili at hinintay ang senyas ni mama.

"Buksan mo na ang mga mata mo."

Bumagsak agad ang mga mata ko sa bagay na nasa leeg ko pagkatapos ng sinabi ni mama. Hinawakan ko ang kulay asul na bato na nakakabit sa kulay pilak na kwintas. Manghang nakatitig ako dito ng kuminang ito matapos masinagan ng araw.

Nakatitig lang ako sa kuwentas na hindi ko man lang napansin ang dahang dahang pag tulo ng mga luhang galing sa aking mga mata. Masaya ako, sobrang saya. Ito ang una kong pagkakataong makakita at makahawak ng isang napakaganda at isang hindi ordinaryong bagay.

Niyakap ko ng mahigpit si mama at papa na sinuklian din nila, kahit na sila ay natatawa sa reaksyon ng mukha ko ngayon. Isang yakap na walang makakapag hiwalay sa amin. Yakap na nagsasabing walang bibitaw. At yakap na sumisimbolo sa isang nagmamahalang pamilya.

"Happy eight birthday Arllia. Palagi mong tandaan na ang amulet na ito ay sumisimbolo sa aming dalawa ng Papa mo. Ito ang magpapa alala sa iyo na kahit anong mangyari ay nandito lang kami, pumoprotekta at gagabay sa iyo."

Pumikit ako ng magkasabay hagkan ng mga magulang ko ang aking noo. Itong araw na ito ang pinaka masayang kaarawan na hindi ko basta-bastang kakalimutan... ngunit hindi pa pala dito matatapos ang lahat... Akala ko purong masasayang ala-ala lang ang mangyayari sa araw na ito, pero isang akala lang pala iyon.

The Ruthless King Venmore [Marked Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon