SIMULA

28 5 0
                                    


BITE

Tahimik, Napaka tahimik na kahit ang ihip ng hangin ay tila hindi ko marinig. Nakatitig lang ako sa mga nagsasayawang mga dahon  at mga kumikinang na mga bulaklak dulot ng sinag ng araw sa labas ng bintana. Mga bulaklak na parang nagdidiriwang ngayong araw para sa akin.

Sabi ng nanay ko noon, isa sa pinaka masaya at hindi malilimutang araw ng isang dalaga ay ang pagsapit ng kanyang ikalabing-walong kaarawan. Ang araw kung saan maaari mong gawin ang mga nais at gusto mong magawa o mangyari sa buhay.

Gusto kong tumawa hindi dahil sa saya kundi sa lungkot. Oo at ngayong araw ay ang umpisa ng ligalidad ko pero parang karaniwan lang ito sa akin dahil sa matagal ko ng pamumuhay na na gagawa na ang mga bagay na walang pumi-pilit at pumipigil sa akin. Kung masaya man ang iba sa ganitong buhay... para sa akin ay hindi. 

Walong taon... Walong taon na akong namumuhay ng mag-isa. Walong taon na ang nakalipas na marunong na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil walong taon na nang iwan akong mag-isa dito sa mundo ng ama ko 't Ina.

It has already been eight years but the memories I have with my parents still lingered in me.

Isang mainit na haplos sa paa ang napangiti sa akin. Myett's white thick fur that touches my left legs bring me back to reality that I still have her. My only family...  My only companion.

Bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan kita ko ang pag-aagawan ng asul at kahel na kulay sa langit. Ito na ang bagong simula ng araw ko. My eighteenth years of living... A legality for my new beginning.

Myett purrs on my feet like she have understood what I feel. Ngumiti ako at yumuko para buhatin siya.

"Ang bigat mo na." Hinaplos ko ang makapal at maputi niyang balahibo.

Dalawang taon na ang nakalipas nang makita ko ang pusang ito sa gilid ng ilog na hindi kalayuan dito sa bahay. Puno ng putik, payat at nanginginig sa lamig.

"Pupunta akong bayan ngayon para mag hanap ng bago nating matutuluyan. Pero maliligo muna ako sa lawa bago ako aalis. Hindi kita maisasama sa bayan kaya mag pakabait ka muna dito habang wala ako."

I talked to Myett like she's a person. Kahit hindi siya magsalita ay alam kong na iintindihan niya ako. Myett is unique and a smart cat and whenever I felt so emotional, she would rub her body into my skin like she's trying to comfort me.

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa labas ng bintana. Ilang taon narin ang lumipas noong huling tapak ko sa bayan. Buhay pa ang ama at Ina ko noon. Noong wala na sila ay hindi ko na nagawang pumunta ulit sa bayan. Tanging mga tanim na prutas at gulay dito sa bahay ang bumubuhay sa amin ni Myett.

This is the day that I would start a new life by finding a new house and a job for my living. Kaya kong mamuhay habang buhay dito sa gubat pero dahil sa mga nabasa kong libro na pagmamay-ari ng aking Ina ay nag bago ang isip ko. Gusto kong maranasan kung paano ang Buhay sa labas at kung paano mamuhay kagay ng ibang normal na tao. I wanted to explore and find someone to start a family.

I blushed from the word family. Minsan ng sumasagi sa isip ko kung magkakaroon kaya ako ng pamilya? Ano kaya ang magiging itsura ng magiging asawa ko? Mabait kaya siya o suplado? Would he still want a family with me even after knowing that I am only living alone in the forest? Na para akong isang taong gubat?

Pumikit ako ng mariin at kinalimutan ang mga na-isip. I can't find a husband if I think poorly about myself. May mga parte sa librong nabasa ko na higit na nagpalaki sa pagiging kuryuso ko tungkol sa mundong hindi ko pa alam na alam kong hindi mag dudulot ng maganda sa akin. Kung posible man na hindi ako makahanap ng mapapangasawa ay pipiliin kong mabuhay ng mag-isa. Ito na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa.

The Ruthless King Venmore [Marked Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon