Chapter 23; Whose Who

1K 54 0
                                    

"Amari? Anong tinitignan mo dyan?"

Napalingon ako kay Elissa at umiling. "Wala naman po."

Tinignan nya naman ako na parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. "Hm? Sabihin mo nga Amari ano bang meroon sainyo no Roces?"

Roces?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? Tinawag nyang Roces si Roces?

Hindi ba dapat King Middleton ang tawag nya rito? Mas mataas ang posisyon ni Roces kaysa sakanya at hindi naman sila mag kaano-ano ni Roces tulad ng kung anong meroon kami.

Napahawak nalang ako sa braso ko at tinignan ko sya. Hinihintay nya ang magiging sagot ko. "Sa totoo lang po, hindi ko rin alam. Nag tataka nga po ako kung bakit iniwan nyo po kami?"

Nanlaki ang mata ko at agad na paiwas ng binato nya ako ng tasa.

Shet!! Tinignan ko ang tasa na mabasag sa pagkakabato nya.

Ano bang nangyayari sa babaeng to?!

Buti nalang nakaiwas ako kung hindi ako ang matatamaan nun.

"Anong pinagsasabi mo Amari? Wag mo ngang kalimutan ang lugar mo at kung sino ka!!" Sigaw nya.

"Alalahanin mong ako ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon sa loob ng palasyo!! Dapat nga magpasalamat ka sakin at napalapit ka sa Roces nayon!! Walang utang na loob!!" Nagtagpo ang mga kilay ko sa narinig mula sakanya.

Seryoso ba sya?! Sa tingin nya ba gusto ko dito?! Eh puro lang naman pagmamataas ang mga noble at kung sino ang nandirito?! Tapos sasabihin nyang magpapasalamat ako sakanya?!

Ang sakit nya sa mata!

At ang malala pa parang tinatawag nya lang akong malandi.

"Umalis ka muna sa harapan ko Amari. Napakasakit ko sa mata. Alis!"

Napayuko ako at umalis doon. Gusto ko pa ngang isara ng malakas ang pinto eh.

Kung pinabayaan ko nalang sya sa mga tumutugis sakanya nung nakita ko sya? Ha? Bat hindi ko naisip na gawin yon? Pinatuloy ko pa nga sya sa amin kahit hindi ko sya kilala tapos sya walang hamas na binato lang ako? Nasaan ang konsensya nya?

Umalis ako sa loob ng palasyo at tumambay muna sa quadrangle may puno namang pwedeng silungan at mahangin pa.

Doon ko nalang ilalabas ang masamang hangin.

Umupo ako sa lupa at napabuntong hinga.

"Hayy! Buti nalang talaga." Matalas ang reflexes ko at nakaiwas pa ako sa biglaang pagtapon nya nang tasang yon.

Roces, kailan ka ulit bibisita?

"I will visit again. I promise you that my rose."

Then let's see if hindi ka puro salita lang Roces. Gawin mo.

Pagkatapos naming mag usap nun, nalaman ko na kailangan nya din palang umalis dahilan na may pupuntahan sya.

At gusto lang pala akong makita.

"Hija? Okay ka lang ba?"

Napalingon ako sa boses nayon.

Ah? Sino to? Maid rin ba sya? Pero mukha syang hindi maid sa itsura nya.

"Ah, opo. Wala din po ba kayong pasok?"  O break nyo? Gusto ko sanang itanong peor nakakahiya naman.

Napakaganda nya para sa edad nya at kahit na gutay- gutay ang damit nya ang ganda nya talaga. Lalo na ang mga mata nya.

Upon A Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon