Chapter 2

1 1 0
                                    

*Cristel's POV*

Nagising ako sa isang madilim at mabahong kwarto. Tila'y kay tahimik ng paligid, pero ang ingay sa loob ng utak ko. Madami akong mga katanungan, para akong naguguluhan.

Asan ako?
Pano ako napunta dito?
Wala ba silang kuryents here?
Ang lansa naman ng amoy dito,

Bagamat parang wala pa sa sariling ulirat, nang tuluyan kong mamulat ang mga mata ay nakita ko ang mga pamilyar na pagmumukha.

Anong ginagawa namin dito?

Halata namang may panganib na tinipon kami dito, so pano kami makakatakas?

Ang ingay.
Sobrang ingay.

•••••••••••••••••••••••••••••~••••••••••••••••••••••••

"CRISTEL!"
"ATE!"
"CRISTEL, GISING!"
"ATE CRISTELLL"

Ang sakitttt ng ulo ko! Para akong na-hungover sa kalasingan kahit malay ko naman kung pano feeling non, never pako uminom e

"Oh, gising ka na!" pagbati ni Tina mula sa kabilang sulok ng kwarto. Nakatali sa likod nya ang kaniyang mga kamay, gamit ang lubid.

Naroon din ang kapatid ko na as usual mukha nanamang galit kahit wala naman akong ginagawa sakanyang whatevs

Kakagising ko lang kaya!

Liban sakanila, madami pang iba na nakagapos din at inilapag sa sahig na kinakalawang.
Marami kami.
Iba-iba ng kasarian at edad,
ang iba nga'y wala pang malay.

Malamang ay nakalanghap din sila noong gas na naamoy namin bago kami mawalan ng malay at magising na lamang dito.

Sa grupong kasama ko, madami sa kanila ay dati ko ng kakilala. Mayroon lamang mabibilang sa daliri na hindi ko mamukaan.

Bakas sa mga kasama ko na nakikilala nila ako, at tingin ko'y hindi nila kilala ang isa't isa. Kumbaga, ako ang mutual friend nilang lahat! Emz famous era!

"Kris! I'm so glad to see you, although we're in this really pangit na situation. Are you okay? Ano ng gagawin natin ngayon," pagtawag ng isang chinitang babae sa akin na agad ko din namang nakilala ang boses.
"Jo! Anong ginagawa mo dito?!" akma ko sanang tatakbo papunta sakanya para yumakap.

Hindi ako makatayo o makagalaw man lang. Kumpara sa iba na sa lubid iginapos, may pa special chair chuchu sila para sakin! It looks like those electric chairs na nakikita ko sa documentaries, except for the electric part... hopefully.

"I'm not sure either, Jo." tanging nasambit ko na lamang.

I'm so doomed kina mommy at daddy na pinahamak ko kami ng kapatid ko! I have to get Ruiz out of here!

"Sooo, ikaw pala si Joanna?" pagtanong ni Tina sa kanina kong kinausap.

"Yes, but Joanna is too long so just 'Jo' will be fine din. But sino ka?"

"oh uhm... Tina! Hi!" nakangiting sagot ni Tina kay Jo, total hindi sila makapagkamay dahil nga nakatali sila diva

Actually madalas kong kinukwento si Jo kay Tina but never vice versa, because I think na Jo would feel uncomfy if kinuwento ko sakanya yung about sa mga new friends ko in my new school, with a new life.

Jo has been my best friend from nursery diapers until now, although syempre because I moved houses and all, di na din kami ganon ka nag-uusap compared to before.
But if you asked me now if kung ano siya sakin, Jo will ALWAYS be my best friend.

"anddd kaano-ano mo si Kris?" tanong ni Jo.

"ay ano! Bestfr- " naputol sa sasabihin si Tina at saglit na natahimik bago nagsalita muli, "close friends kami ni Cristel," sabay ngiti.

Napangiti din ako dahil di ko aakalahin na ang mga pinakamatatalik kong kaibigan ay magkakakilala at mukha namang maayos ang naging umpisahan nila sa isa't isa. Youth is so beautiful!

"ohhh well my Kris is a really friendly girl, so it's no doubt! She doesn't cause you any trouble naman or anything diba?" pagtutuloy ni bff sa usapan nila.

"Nako! Hindi, hindi! Ako pa nga kadalasang pasimuno samin eh HAHAHAHAHA," napangisi ako sa sinabi ni Tina. Totoong saming dalawa, mas makulit talaga siya at lapitin ng problema.

Pero siguro sa pagkakataong to, ako naman ang nagdala ng problema sakanya....

Ay hala omg! Maibalik nga ang usapan! Bakit iba ang pagkakaligpit nila sakin! Grabe na this, oh mga kidnappers! Pano na ang aking beauty skin?? Baka malata or magasgasan sa bakal ng upuan na toh! I cannot!

Nagpupumiglas ako at nagtatatalon sa upuan, baka sakaling lumuwag ang metal na gumagapos sa kamay at binti ko. I want to leave!!

Sa sobrang lakas ng kalabog ng bakal ay naalarma ko yata ang mga kumuha sa amin, dahil mayroon akong narinig na mga yapak na palapit ng palapit sa kwarto kung asan kami.

Cancel the kwarto thing, bodega yata toh e! The audacity!

May hampas sa dingding na malakas nang buksan ng isang babae ang pintuan. Halos nag-echo ang tunog ng pagbagsak ng pinto sa mga tenga namin.

"Mahal, andito na sya." sambit ng babae sa lalaki na pumasok kasunod niya. Para bang ako ang tinutukoy niyang nariyan na raw. Inabangan ba nila ang pagdating ko? So touched!

"Tabi!" itinulak nung lalaki ang babae at nagtigil sa paglakad upang pagmasdan ako.

Naawa ako sa babae. Napakaganda niya at mukha namang mabait at mahinhin, halos matanda lang yata siya sa akin ng apat na taon. Yung lalaking walang modo naman ay napaghahalataang nasa mga 30s na niya, mainitin siguro ang ulo neto hmm

Nag fast walk papunta sa akin si 30s broski pare, medyo nabigla ako. Para siyang yung mga nasa horror movies na pabaluktot gagapang palapit sayo! So scary!

Inilapit ng lalaki ang kaniyang mukha at humalik sa aking pisngi! What the hatdog! ANOYUN!

Hinawakan niya sa dalawang kamay ang mukha ko at tumitig sa akin ng may malaking ngiti sa labi. Yung nakakatakot na ngiti kamo! I'm so scared talagaa omggg

Sinilip ko ang babae na naiwang nakatayo sa tabi ng pinto; katunayan akala ko'y aawatin nya yung lalaki dahil I assume na they're together in a relationship way, but this ate girl was smiling? I mean, she was smiling habang nakatingin don sa lalaki and I just find this whole situation weird.

Basta gusto ko na umalissss

Tumigil na din sa pagtitig sa akin ang lalaki at tumakbo papunta sa babae at niyakap siya. Omg! Ang cute HAHAHAHA

"Buti nalang at napakasunurin mong babae, wag na wag mokong bibiguin ha? Alam mo namang mahal na mahal kita," pag-ngiti ng lalaki sakanya with empty eyes. That was the most un-genuine 'mahal kita' na narinig ko my whole entire life!
Mas may lovelife na mauungkat pa yata kesa sa lalaking to ang kapatid ko! Tse!

"Alam mo naman na kapag madisappoint moko, malalagot ka sakin, lintik na babae ka:)" nakangiti pa din niyang sambit sa babae.

Nag-huling lingon sa akin si 30s broski pare na may nakakarinding ekspresiyon sa mukha niya. Ewan ko lang kung ganyan ba talaga poker face nya or nananadya siyang manira ng araw. But good news is umalis din naman agad siya pagkatapos non.

Pinanood ng babae ang paglisan ng kinakasama at tsaka masayang lumapit sa akin at tinanggal ang nakatakip na tape sa aking bibig. Napangiwi ako sa pakiramdam na nahila ang iilan sa mga di naman ata halata na moustache sa taas ng aking bibig, pero okay lang! I like the pain>:)

"Thank you thank you thank youuu aha! Dahil sayo, sobrang natuwa ang nobyo ko!" tuwang tuwa na nagpaikot-ikot ang babae. Nakuu masama yan beh, ang mga pretty girls na tulad natin dapat di nag-eeffort para sa isang redflag na tulad nung mokong na yun. You deserve better! — is what I would've said pero pinili ko na lamang na huwag sirain ang kasiyahan niya.

Nakakaaliw pala minsan makakita ng isang tao na labis kung magmahal. Imagine! Andaming kinidnap ni ate gorlie para sa nobyo nya! You are the standard beh!

Unti ding napagod na siya sa pag-ikot ngunit bakas pa din ang malalawak niyang ngiti. Lumapit siya sa akin at niyakap ang ulo ko, total the rest of my body is being chained sa bakal na to.

It's strange but I feel as if I just did something good by being here, and I like that.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RUN AWAY (PART 1) ||| Chizukisan'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon