Chapter two

0 0 0
                                    


* To Mia: Mia, yung asawa mo nakita daw sa carnival may kasamang babae*

Napatingala ako ng makita ang aking inang biglang humagolgol.

"hindi.. wag naman ngayon" sabay pag iling at pag pikit ng mata sapagdilat nyay agad nyang hinaplos ang tyan nyang walang buwan na. sabay kong hinawakan ang kamay nyang nasa tiyan.

Inosenteng matang nakatitig saking ina, ang nakikita ko sa repleksyon sa kanyang mata. Ang ina koy may lahing chinese at kastila, ang kagandahang taglay nitoy di mapagkakaila. ngunit bakit nakukuhang may kasamang iba si tatay?

"ma, dito lang tayo ah? mama, tabi lang tayo. lalabas na ba si bubuyog ma?" ani ko sa aking ina.

bingyan lamang nya ako ng matamis nangita ngunit naaawang mata.

"malapit na anak, oh ito kainin mo na itong birthday cake mo. tsokolate pa naman to oh, paborito mo" mahinhin nyang ani sabay subo saakin ng cake. Nasa bahay kami ngayon nangaling kami sa ospital para sa monthly checkup ni mama, laging ako ang kasama nya kaagapay nya lage sa gawain. Kahit na halos alam ko na lahat, sa tuwing pagkain lamang ako umaaktong hindi ko kaya para masuboan ako ni mama. 

"anak labas tayo ngayon ah punta tayo dun sa mag ferris wheel, maganda daw dun. gusto mo masubokan?" masiglang sabit nya sakin. napatango lamang ako, gustong gusto kong masubokan iyon marami akong naririnig mula sa kaibigan kong nasa kanto. ngunit sa ibang pagkakataon, alam ko kung anong pakay namin roon. ayaw kong iwan ang nanay kong nagdadalang tao, ayaw kong iwang ang kapatid kong nasa tiyan pa lamang. ayaw kong magiging tatay ko ang rason kung bakit mawala ang dalawang taong inaalagaan ko lage, pag andyan ako, ligtas ang laging nararamdaman ko para sa pamilya ko.

Napatitig lamang ako sa cake na  may nakatayong kandilang may numberong sais sa ibabaw na nakapatong sa lamesa, tinitigan ko muli ang nanay kong balisa at parang di mapakali nang makita nya ang sariling repleksyon sa salamin ay agad nyang pinunasan ang luhang naka takas mula sa mata nya.

"Tara na anak" sabay lingon nito sakin. Agad akong sumunod, hinawakan ko ang kanyang magaspang na kamay.

Nang makarating kami sa Carnival, ay agad akong nakaramdam nang kakaiba.

Luingonlingon ako sa paligid, May batang umiiyak habanh tinuturo sa kanyang nanay ang laroang binebenta nung ale.

May magkakaibigang nagtatawanan papasok, magnobyo at nobyang nag lalampungan.

At may mga lalakeng malalaki ang katawan naka paligid hindi naman sila nag kukumpol pero sadyang nagustohan ko ang bilog na nasa tenga kaya't napansin ko agad at napag kasiyahang bilangin habang nagaabang makapasok kung ilan silang may mga ganon sa tenga,

"seventy-five, seventy-six... hmmm" nang wala nang makita sa labas ay agad akong napatingin sa harapan nang makitang madami roon nakasuot na ganon pero magkahiwahiwalay lamang.

Ipagpapatuloy ko sana ang pagbibilang nang di mailawa sa mata ko ang ahas na naka ukit sa lalaking dumaan sa harapan ko. Kulay rosas ang buhok nito at may kolorete ang mata na kulay pula rin. Ang tattoo nyang nasa braso nyang natatago sa suot nyang pang itaas na ruffled ang braso ay hindi gaanong pansin ngunit sadyang malikot ang mata ko at agad nakakapansin nang mga bagay na bago saking mata.

Habang Pumipila kami sa entrance, Hinigit ko ang kamay ni nanay.

"mama, uwi na tayo." Ani ko dito, nakakaramdam ako nang hindi tama pero ano nga ba ang hindi tama para sa isang anim na taong gulang?

"Shhh, anak alam ko sobrang daming tao ngayon. huling araw na kase ito ng carnival. magsaya muna tayo habang andito pato" sabay haplos ng buhok ko.

"Ma, hayaan na natin si papa. uwi na tayo." gulat ang namitawi sa mata nang aking ina. hindi nya inakalang alam ko ang pakay namin rito.

EvilWhere stories live. Discover now