Kung hindi pa ako gigisingin ng yaya ko ay hindi pa ako babangon at kikilos para pumasok sa campus namin ngayon , i dont know why but after nung nangyari kagabi bumigat pakiramdam ko . napagod ako kakaiyak kagabi at nagising nalang ako ng naka pantulog na ako , im sure binihisan na naman ako ni mommy at tiyak na aasarin nya ako dahil para daw akong baby at dahil sya pa daw ang nagbihis sakin." 5 minutes pa po nanay lita , inaantok pa po ako " inaantok kong sabi sa mayordoma namin , yung yaya ko? kanina pa pala ako ginigising ngunit ayaw kong magising kaya ayun tinawag si nanay lita namin.
" Hay nako Haven bangon na at papasok ka pa. " saad ni nanay lita bago ako iwan sa kwarto ko . Dahil wala naman akong choice bumangon na ako at nag tungo sa cr para maligo at magbihis. After kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin ay kinuha ko na ang phone kong naka charge pati bag ko . hindi ko pinakialaman cellphone ko kagabi , naiirita ako yung tinidor na finollowback ko sya pala fiancé ko ! ay mali hindi naman ako pumayag e.
{ Simula ngayon , fiancé mo na si
Theodore sa ayaw at sa gusto mo. } naalala ko yung binitawang salita ng daddy ko na naging sanhi sa pag kadulas ko sa hagdan pababa , buti nalang 3 steps nalang gagawin ko nako kung nasa taas pako , hospital kakalabasan ko dito ." Aray , ang sakit non ah! " napaigik ako sa sakit. " kaaga-aga kasi ako agad iniisip mo " rinig ko mula sa malalim na boses na iyon paano ko makakalimutan ang boses na yon e sya yung masamang bangungot sa buhay ko! napangisi sya ng nakatulala ako sa kanya , dahil sa tingin nyang iyon natauhan ako at dali daling tumayo , iniwan ko sya sa kung saan sya naka pwesto at pumunta nako sa dining para mag almusal .
nadatnan ko ang magulang kong nag aalmusal na , dahil sa masama ang loob ko sa kanila ay hindi na ako nag atubili na batiin sila ngayong umaga , umupo na ako at nag simula ng kumain . ramdam ko naman ang pagtitig sakin ng magulang ko na parang kinakabisado bawat galaw ko.
" Good morning Daddy at Mommy " Sabi ni Tinidor pag pasok nya sa dining , lumapit sya sa magulang ko at humalik sa pisnge nila , napangiti naman si mommy dahil doon. Teka nga anong ginagawa nyan dito?! naramdaman ko syang lumapit sakin at ramdam ko rin ang pag lapat ng labi nya saking mukha . kadiri naman! hindi ko lang mapunasan dahil andyan magulang ko at baka pagalitan ako.
" Good morning Ana " magiliw nyang bati na ikinanuot ng noo ko , Ayoko ng Ana! ang boring pakinggan. wala na yung araw ko pumanget na lahat dahil sa tinidor nato. " Its Anastasha not Ana , dont you dare say it again . it sounds gross , you can also call me as Haven much better " saad ko sabay kindat sa kanya , natulala naman sya after that , at umupo na sa tabi ko at nag simula na kaming kumain.
" May i ask bakit po andito si Caius? " tanong ko para sa magulang ko , " why it sounds so sexy whenever you saying my name , huh love ? " ramdam ko ang kilabot sa katawan ko ng bumulong sya sabay kagat ng marahan sa tenga ko. tinulak ko sya ng bahagya dahil naiirita ako sa kanya , sobra pa sa sobra. " So dad go back to what am i saying , bakit po sya andito ? " saad ko na nag pangiti sa magulang ko.
" Andito sya dahil ihahatid ka nya sa campus nyo "
" No Daddy ayo-- "
" No buts , hindi hinihingi side mo "
" anastasha anakn, sumunod kana kay daddy ok? "
" Pero mommy i prefer to drive myself! and ayokong gumawa ng issue sa eskwelahan namin . also may gagawin ka pa sa company nyo diba? " saad ko sabay lingon kay theo.
" I cancel my first meeting para lang makasama ka " para akong masusuka sa salita nya , nakakadiri pre stop it.
" Hindi naman need ihatid , ill be fin-"
" Aren't you happy that im here ? may galit kaba? , wala naman akong ginagawa sayo. " madarama nyang sabi sabay alis , nakita ko naman ang madilim na aura ni Daddy kaya mabilis kong sinundan si Theo sa labas ng bahay , papasok na sana sya sa sasakyan nya ng hablutin ko braso nya para mapalingon sakin.
" Do you need anything Ms. Salem? " nakakatakot boses nya , sobrang lalim at naging cold ito not unlike sa boses nya kagabi at kanina .
" If you wouldn't mind papahatid sana ako " kinakabahang saad ko sa kanya
" oh change your mind Ms. Salem? akala ko ba ayaw mo? , i wake up so early and cancel that fucking meeting just for you tapos ayaw mo lang pala akong makita , what is wrong with you? " saad nya na blanko ang mukha , hindi ko sya mabasa pero alam ko galit sya.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa basta ang nalaman ko nalang is niyakap ko sya , hinayaan nyang nakadantay ang ulo ko sa malapad nyang dibdib. nasisiraan na ba ako ng ulo?! bakit ko ba naisipan na yakapin sya? aalis na sana ako ng naramdaman ko ng mga braso nya sa bewang ko sabay hapit papunta sa katawan nya.
" Just 5 minutes my love , 5 minutes. "
hinayaan ko syang nakayakap sakin pero ang iniisip ko ay baka mag assume sya na gusto ko sya takteng buhay to! makalipas ng limang minuto pinapasok na nya ako sa kotse nya at umandar na papunta sa campus ko. pag dating namin doon , bababa na sana ako ng pigilan nya ako.
" wear this " kinuha nya ang velvet box at inilabas ang singsing doon . sobrang ganda nya! panigurado ako na mahal ito. kinuha nya ang kamay ko at inilagay ang singsing sa daliri ko . " this is the sign that you are already engaged to me Anastasha , i dont want to see you hanging out or even talking to other boys. do you understand? im quite possessive Anastasha and hindi mo magugustuhan punishment mo kapag sinuway mo ko. are we clear ? " napatango nalang ako ng wala sa oras.
nauna na syang bumaba at umikot para pag buksan ako ng pinto , pag labas ko ay isinara na nya iyon. Aalis na sana ako ng hapitin nya ang bewang ko at ilapat ang labi nya sa labi ko , he kissed me fully akala ko yun lang pero naramdaman ko pang gumalaw na ang labi nya . nakakapanghina dahil sa dulot ng halik nya , also ito ang unang beses na may humalik sakin and ang masasabi ko lang ay masarap sa pakiramdam. ang lambot ng labi nya. tutugon na sana ako ng ilayo na nya ang mukha nya sakin sabay ngiti.
" Im your Fiancé anastasha and you are mine alone , i dont do share. " saad nya sabay kindat , after non nakita ko na syang pumasok sa kotse nya at umalis na , ako naman ay napatulala doon sa pwesto .
hinawakan ko ang labi ko , ramdam ko parin ang halik na ginawa nya kanina sakin. Damn you tinidor! masyado pakong inosente para doon. nakakabaliw
BINABASA MO ANG
CEO 1 : The CEO ( COMPLETED )
RomanceIkakasal ako sa taong mahal ko ngunit paano kung may taong bumalik sa kanya ? Sa mismong kasal umalis sya at pumunta una nyang pamilya . " Ang sakit . sa mismong kasal natin wala ka ! " ~ This is Anastasha Haven Salem and i dont believe in love not...