Simula ng malaman ko na nagsisinungaling sa akin si Theo ay ipinagsawalang bahala ko nalang ito . Nag focus ako sa pagpapractice sa graduation ko , hindi ko muna sya inisip dahil alam ko sa sarili ko na kapag sya ang inintindi ko ay hindi ako makakapag focus ngayon .
Kahapon simula ng maihatid nya ako sa bahay namin ay pakiramdam ko na gusto ko ng wag ituloy ang kasalan pero may bahagi sa akin na pagkatiwalaan lang sya at dadating ang oras na sya mismo ang magsasabi sa akin sa mga nagawa nya
Ayoko manghusga lalo na kung hindi pa buo ang ebidensya . Siguro sa lahat ng tao ako na ang pinaka tanga , may ebidensya na tulad ng video , text message , call nila at oras pa ng pag uwi pero hindi ko alam kung bakit mas pinili ko syang pagkatiwalaan ng paulit ulit kahit pa sablay na sya ng maraming beses na sana'y wag nya ng dagdagan pa
Kanina pa ako tulala dito sa open field sa eskwelahan hindi ko alam kung bakit dito gaganapin ang event para sa graduation pero sabi nila ay para daw marami ang makarating na bisita pero dahil principal ang nag desisyon ay hindi na kami nag tanong pang mga estudyante
" Hoy , Tulala ka na naman . Alam naming ikaw ang summa cum laude pero kinakabahan ka parin ? " Pukaw ni Camilla sa atensyon ko
" Palibhasa ikaw puro 2 nakukuha mo " pang aasar ko sa kanya
Napahawak naman sya sa dibdib nya na tila ba'y nasasaktan sya " Ang bad mo naman , sana matapilok ka mamaya pag akyat mo sa stage "
" Edi okay lang . Its just a practice cams , hindi pa naman actual " inirapan nya lang ako pagkatapos
Nagpatuloy pa kami sa pakikinig sa nagsasalita sa harap na sinasabi ang bawat hakbang na gagawin namin . For now pwede kami maupo sa kahit saan naming gusto pero kapag actual event na mismo ay uupo na kami by section and by alphabetical .
Nakikinig pa kami ng biglaang pagdating naman ni Brixton . umupo sya sa tabi ko kaya bali napapagitnaan nila akong dalawa
Rinig ko pa ang malalalim nyang paghinga , late na kasi sya kaya alam kong tinakbo nya na lang para makahabol pa
" Ana ko for you " sabay abot nya sa akin ng kape galing starbucks
" Thank you Brix ! hindi ito libre tama ? abot ko nalang yung bayad mamaya , alam ko naman kasi na mandurugas ka "
" Ayown , Thank you boss " ngiti pa ng loko , akala ko ay ako lang ang binilhan nya pero pati narin pala si Camilla .
" Here . " Sabay abot nya ng kape din kay Camilla pero hindi lang sya pinansin nito
" Tangi , kape mo oh " Nagulat ako sa pag tawag nya kay Camilla kaya ganun ko nalang sya tingnan si Brixton pero kininditan nya lang ako
" Mamatay kana Salazar ! dito mo pa talaga dinadala kalandian mo-- " naputol ang sinasabi ni Camilla ng sumabat yung teacher sa harapan
papansin naman ito sa away mag asawa tsk.
" You two ! Mr. Salazar and Ms. Samonte . Kung gusto nyong maka graduate tumahimik kayong dalawa " Galit na tugon ng teacher sa harapan
Rinig pa ang mga panunuksong Yyiie ng mga estudyante sa paligid kaya naman napa yuko sa kahihiyan na ginawa ni Brixton pero itong si tanga dinagdagan pa
Tumayo pa si Brixton bago mag salita muli " Ma'am pasensya na po , ito kasing si tangi ay nag tatampo sa akin ng hindi ko malaman ang dahilan . binilhan ko sya ng kape kasi susuyuin ko sya pero panlalandi na pala iyon " napatanga ako , ang aming guro pati narin ang ibang tao sa paligid dahil sa sinabi nya
Humarap si Brixton sa pwesto ni Camilla bago nya ipinagpatuloy muli ang kanyang dinidikta
" Aking sinta
Ano ba ang ating problema ?
Pwede mo bang sabihin sa akin nang atin ay maayos na ?
Miss na kita , hindi mo ba dama ?
BINABASA MO ANG
CEO 1 : The CEO ( COMPLETED )
RomanceIkakasal ako sa taong mahal ko ngunit paano kung may taong bumalik sa kanya ? Sa mismong kasal umalis sya at pumunta una nyang pamilya . " Ang sakit . sa mismong kasal natin wala ka ! " ~ This is Anastasha Haven Salem and i dont believe in love not...