James' Point of ViewSABADO NGAYON at alam n'yo ba kung ano ang ibig sabihin no'n? Walang pasok! I didn't need to wake early. I could sleep until I wanted.
Kailangan na kailangan ko talagang magpahinga dahil napagod ako sa mga sunod-sunod na araw na paggising nang maaga, pagpasok sa school, pag-upo sa loob ng klase umaga mula hanggang hapon, at pakikinig sa mga boring na paliwanag ng teacher namin. It was so exhausting! Parang naubos ang lahat ng lakas ko kaya't wala pa akong balak bumangon ngayon. Gusto ko lang matulog hanggang sa muling bumalik ang nawala kong enerhiya.
"James, gumising ka na. Magdya-jogging tayo ngayon."
Narinig ko 'yon, ngunit parang parte lamang 'yon ng panaginip ko. At kahit malakas pa ang kanyang boses, hindi pa rin ako nagising. Bukod sa pagod ako dahil sa nakapapagod na routine, sobrang late na akong natulog kagabi kaya't naubos talaga ang lahat ng lakas ko.
"Hey, wake up! Mukhang nagpuyat ka na naman kagabi, namamaga 'yang mga mata mo, oh." Ramdam kong may nakatingin sa aking mukha. "Ano ba'ng ginagawa mo sa sarili mo? Magmumukha kang zombie kung hindi mo ititigil 'yan."
Nagpatuloy ako sa pagtulog.
"James! Gising na!" Mas tumaas ang kanyang boses. "Ayaw mong gumising, ha?"
Nagulat ako at naibukas ko ang aking mga mata nang may biglang kumiliti sa akin. My best friend's smirk was the first thing I saw. At nasa ibabaw ko siya ngayon! at kinikiliti ako. I moved my body and tried to stop her. Pero sobra akong nakikiliti kaya't hindi ko siya magawang patigilin.
"Please... stop..." Nagpatuloy siya sa giangawa niya. Napapikit naman ako at hindi mapigilang matawa. "Ste... phanie... Stop! Please!"
Huminto na siya at umalis mula sa ibabaw ko. Lumayo naman ako sa kanya dahil baka bigla na naman niya akong kilitiin. Pagod na nga ang katawan ko, mas napagod pa ito. Kung hindi ko lang siya best friend at mahal, baka nasaktan ko na siya't nasuntok sa mukha pagkatapos na pagkatapos niyang itigil ang pangingiliti niya sa akin. Kapag ba bigla kang kiniliti habang natutulog ka, magagawa mong magpasensya at matuwa?
"Ano'ng pumasok sa isip mo't kiniliti mo ako?!"
"Punishment mo 'yon para sa pagpupuyat mo at hindi paggising kahit maraming beses na kitang sinusubukang gisingin," sagot niya.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'yon? Pwede mo naman akong hawakan, tapikin, o yugyugin! Kung hindi lang kita best friend, baka... "
"Baka ano?" Nakataas ang kanyang mga kilay. "Okay, sorry. What I did was wrong. Maling inistorbo ko ang pagtulog mo at kiniliti kita. Pero hindi ko pinagsisisihan - "
"You don't? Then why did you say sorry?"
"I said it dahil tanggap at inaamin kong nagkamali ako. But I don't regret it kasi dahil sa ginawa ko, nagising ka at handa na ang katawan mo para mag-exercise."
My eyebrows furrowed. "What? That's why you got here early? Hindi! I won't exercise. Magpapahinga ako buong araw."
"Why? 'Cause you're tired? Eh, sino ang may kasalanan? It's you! Kung hindi ka sana nagpuyat, e di hindi ka mapapagod. At saka kung magpapahinga ka sa pamamagitan ng paghiga sa kama mo o pagtulog, mas mapapagod ka lang. Ang pagtulog nang hindi sapat at sobra ay parehong magpapahina sa katawan mo. You really need to exercise. Tigilan mo na rin ang pagpupuyat dahil kung hindi, you'll eventually look like a zombie. Gusto mo bang pumangit ka?"
Nagsalubong ang aking kilay. "I don't need to make an effort to stay handsome. Likas na katangian ko na ito. At kung pumangit man ako, mawawala na ba 'yong feelings mo para sa akin? Itong mukha ko lang ba ang dahilan kaya mo ako nagustuhan?"

BINABASA MO ANG
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomantikForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...