James' Point of ViewNAGULAT NA lang ako noong isang araw ay malaman kong pumanaw na ang mom ni Stephanie. Halos isang buwan na ang nakalipas matapos kong malamang may cancer pala ito. Honestly, it never crossed my mind that there was any chance she would die. Every time I went to their house to pick Stephanie up, she always showed me smiles and acted like everything was fine. And those smiles were like hopes, and they made me believe that she could make it. Katulad 'yon ng mga ngiti ni Stephanie, napakaganda at nakagagaan ng loob. Dahil doon, hindi ko nakita ang nasa likod ng mga ito. Hindi ko alam na ganoon na pala kalala ang kanyang kondisyon.
It's really true that life is too short. Hindi mo alam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ng buhay mo o kung kailan ka mawawala. Kahit anong oras, maaaring bawiin ng Diyos ang buhay na ipinahiram niya sa 'yo. So live your life to the fullest. Siguruhin mong buhay mo'y kabuluhan, katulad ng gustong mangyari ni Stephanie sa kanyang buhay. Pero minsan talaga, nalilimutan natin 'yon kaya't nalilimutan din nating mabuhay sa paraang nararapat.
Habang bumibiyahe kami papunta sa bahay ng kanyang lola kung saan na sila nakatira ngayon, nakatitig lang ako sa labas...sa kawalan. Siguradong malungkot na malungkot at nasasaktan siya ngayon. Sino'ng hindi malulungkot kapag nawala ang pinakamamahal niya sa buhay, lalo na kung ang mismong ina niya ito? Kung mayroon man, siguradong baliw 'yon.
Nitong mga nakaraang araw, naging bihira na ang pagpunta ni Stephanie sa bahay. I thought there was nothing wrong. Malayo kasi talaga ang bahay ng kanyang lola sa amin, at mukha rin naman siyang okay. Kapag binibisita niya kami, palagi siyang ngumingiti...katulad ng kanyang ina. Those smiles, they were so sweet and looked so genuine. They looked exactly the way her mom's smiles looked. So I didn't even notice that she was not okay and just pretending to be okay. Hindi ko alam na noong mga araw na 'yon, sobrang lala na ng kalagayan ng kanyang ina at malapit na itong mawala.
Bakit ba nawala sa isip ko 'yong sinabi niya? Na magaling siyang magtago ng tunay niyang nararamdaman? Magkaibigan kami at akala ko'y kilalang-kilala ko na siya. But it turned out that I didn't.
"Kuya..."
Okay lang kaya siya?
Ano ba sa tingin mo, James? Of course, she's not!
"Kuya..." Halos napatalon ako nang hawakan ako Brix sa kanang balikat ko. I gave him a what look. "I just wanna say that you should stop overthinking. Gano'n talaga sa buhay, may namamatay at may naipanganganak. Everyone will surely die, even you and I, or even the strongest, smartest, or richest man in this world. That's how it really works, kuya. So itigil mo na ang pagda-drama diyan. Mangyayari rin sa 'yo 'yon."
Lumingon sa kanya si mom. "Hey, Brix. Hindi ko gusto 'yong sinabi mo."
"Mom, I was stating a fact. Lahat tayo ay mamamatay, even you, mom."
"Brix!"
"Jane, huwag kang magalit dito sa loob ng sasakyan. And Brix is right. Ang lahat ng tao--"
"Shut up, Brian. I didn't give you my permission to talk."
"Oh, sorry..."
Muli akong tumingin sa labas ng bintana. "Everyone knows that, Brix. Pero ang pagkamatay ng mom ni Stephanie ay hindi maliit na bagay. Siguradong sobra siyang nasasaktan...at gano'n din ako."
"Oh, yeah. I forgot that you love her."
I kept silent for a moment and spoke, "I love her, I really do. She's my friend and she's so important to me. Malaki ang lugar niya sa puso at buhay ko."
"Friend? Really? Pero ayon sa nabasa ko, a boy and a girl can't be just friends." Hinintay niya akong sumagot, pero hindi ko ginawa. "Okay, if that's what you think the truth is, then believe it. I won't question you anymore 'cause I still don't have enough knowledge about love. That's your life anyway, at kapag nagkaroon ka ng regrets, hindi naman ako ang magsisisi. So...bahala ka, kuya."
![](https://img.wattpad.com/cover/300760109-288-k614541.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever With You
RomansaForever With You Written By: TiffGRa (Tiffany) In the complex dance of emotions, James Cortez found himself torn between two contrasting worlds. On one side stood Stephanie Reyes, a girl who had traversed the labyrinth of his imperfections, embraci...