Chapter 1: The Past

7 0 0
                                    

Guin's Pov,

Araw ng alis ni Ace at andito kami sa airport naghihintay sa pag-alis nya.

"There's still 3 hrs left before his flight, you guys wanna eat muna?" tanong ng nakakatandang kapatid ni Ace na si Kuya Justin.

Nagkatinginan kami ni Ace at inintay ko na sya ang sumagot dahil kung ako ang tatanungin ayoko dahil wala akong gana.

Aalis ngayong araw ang taong mahal ko, ang taong buong buhay ay kasama ko na through ups and downs. We were childhood friends that turned into lovers. He's everything to me. And I don't know how will I adjust instantly in this kind of situation that his parents put us through.

Sa ibang bansa na sya mag-aaral at dun nya tatapusin ang kursong pinili nya. My soon to be Architect will be leaving me today and I have no choice but to accept that. It's for his dream and it's for his better future that's on the line.

"Tara, kain na muna tayo." agree nya sa suggestion ng kuya nya.

"Ok, good." at pumunta na kami sa malapit na breakfast resto.

Pagkadating namin don umorder na agad si Kuya Justin dun sa counter. Naiwan kami ni Ace sa table.

"Last day, I can't believe how will I manage to not see you every day." he said with that sadness in his eyes. I can see it.

"It's gonna be okay. We'll communicate parin naman diba kahit papano?" I cupped his face, "I won't bother you too much because I know you're purpose there is to finish your studies and to graduate with a high honor. I don't want to be a distraction to you baby so I'll always understand everything okay?" alam kong mahirap ang lahat ng to para saming dalawa pero handa akong magmahal parin ng buong-buo at buong tapat hanggang dulo. Sana ganon din sya.

He smiled at me, "Thankyou baby." he then kissed me gently on my lips and It felt like it was the last kiss I'll ever get from him. "I love you." and then again parang yun na yung last I love you nya na maririnig ko galing sakanya.

"I love you too." I smiled.

Saktong biglang balik ni Kuya Justin dala-dala na yung mga pagkain.
"Come on, let's eat." he said.

"My last meal in the Philippines." pabirong sabi ni Ace. Tumawa naman ang kuya nya at binatukan sya nito.

"You'll be back din naman bro. 2 years kalang don and then boom you're gonna be back again here." sabi ng kuya nya. "You better not date girls there. I like Guin for you. She's an amazing woman bro." he's kuya looked at me with a smile. A genuine smile.

"Kaya nga, baka mamaya ipagpalit mo na ko sa mga babae don ha." sinakyan ko ang pang-aasar ni Kuya Justin sa kapatid nya.

But deep inside, alam kong baka magkatotoo ang mga sinasabi ni Kuya Justin ngayon kay Ace.

After that breakfast, we head back to the airport. It's almost coming to an end. An end that doesn't have a clear vision if there's still a happy continuation to it.

I'm afraid he'll find another woman there but I'm putting all my trust into our relationship. I just hope he won't disappoint me.

Kuya Justin hugged him for the last time. He looks like he's about to cry though.

He turned to me and gave me a tight hug. A hug that could also be our last. "Take care baby, I'm gonna miss you so much." he kissed me.

"2 years.." for a moment I wanted the time to stop. I want to turn all back the time I have spent with him. If only I had known sooner that he's destined to go to another country then I should've cherished every moment of it. "We can do this Ace." I assured him.

"Let's make a promise." he looked into my eyes with his tears running down from his face. "After 2 years, I'll propose to you and we will live happily ever after."

That felt impossible. Para bang suntok sa buwan ang mga binitawan nyang salita. Pero dahil isa yong pangako, panghahawakan ko yon.

"Promise?" he asked.

I nodded and smiled, "Promise. Pangako yan ah?" pati ako naiiyak na rin. "Sge na baka mahuli kapa sa flight mo."

He kissed me again, "Pangako yan." he then looked at Kuya Justin. "Kuya, I'll leave na." he hugged his brother once more.

And I hugged him one last time. "I love you."

"I love you too."

As I watch him walk away out of my sight, I can't help myself not to cry. Ang sakit sobra. Para bang pinupunit ng paulit-ulit ang puso ko.

Hindi ko alam kung papaano ako mabubuhay ng maayos ngayong mapapalayo ang isa sa mga pinakamamahal kong tao sa buhay ko.

"Let's go home." aya ni Kuya Justin.

~~~~~

Si Mama ang sumalubong sakin pagkauwi ko. Niyakap nya agad ako at ewan ko ba, bigla nalang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

"Magiging ok din ang lahat anak." para bang alam na alam ni Mama kung ano ang sasabihin sa mga gantong sitwasyon.

Pero wala yong epekto at hindi naman non maaalis ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Siguro sa una lang to, masasanay din ako.

"Kaya to Ma. Ako pa ba." I smiled at her and she smiled back. Kinuha nya na ang bag ko at inilapag yon sa sofa.

Hinila nya na ko papuntang lamesa, "Kumain kana muna bago ka magpahinga. May pasok ka pa bukas."

Oo nga pala. Parang nakalimutan ko na meron din pala kong sariling buhay na kailangang ipagpatuloy. Ewan ko ba, mali yatang ginawa kong mundo ko si Ace. But he's really my everything.

We can do this. I can do this. 2 years lang naman e. Maikling panahon lang yon kung ikukumpara mo sa kung gano ko katagal nakasama si Ace. Kaya namin to, tsaka isa pa may pangako pa kaming tutuparin.

"Sge na Ma, magpapahinga na ko." sabi ko matapos kong kumain.

Tumango sya, "Sge na pahinga kana. Maaga kapa bukas." niyakap nya kong muli. Alam kong ramdam ni Mama ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon kaya sya ganyan sakin.

"Thankyou, Ma."

I layed down in my bed and closed my eyes. Bukas ay isang panibagong araw, panibagong araw na ako nalang muna ang haharap ng mga nakasanayan ko kasama si Ace.

Kaya mo to Guin Mila Fuente. 2 years lang at makikita mo syang muli. I'll be waiting Ace Montenegro..

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon