Chapter 2: The Present Day

7 0 0
                                    

Guin's Pov,

Isang linggo na mahigit ang nakakalipas simula ng magsimula uli ang klase. Matapos lahat ng mga nangyari sa buhay ko di ko aakalain na magagawa kong mamuhay pa din sa araw-araw kahit na alam ko sa sarili ko na parang may kulang palagi.

Aware ako sa kung ano man yon, di ko lang lubos akalain na magagawa kong makapagmove on, although alam kong di pa totally nakakamove-on pero atleast alam kong nagheheal na talaga ko.

"Bes, baka naman pwede mo kong samahan mamaya." ayan nanaman sya sa mga pasa-pasama nya.

Tinignan ko sya ng masama na parang sinasabi ko sakanya na tigil-tigilan nya ko, "Sophie, next time nalang yan ha."

"Hindi tayo pupunta sa sea side para samahan ako magpakalasing.." she paused and looked at me, "We're going to the hospital."

"Ano?" I confusingly asked.

"It's my brother, Mom told me that he got sick. Kakatawag lang nya kasi kaninang umaga non and di ako mapakali talaga." she gave me puppy eyes look, "gustong-gusto ko na silang puntahan don."

I should not be in this situation eh. It's their family matter but since she's my friend for how many years, I don't have any reason to not be here for her. She needs comfort and peace in her mind.

I nodded, "Fine, basta libre mo ko ng food paguwi."

She smiled, "Yay, thank you Guin whooo!" it's one of her asset talaga, yung smile nya. Hays maraming mapapaibig tong babaeng to sa ngiti nya.

~~~~~~~

Pagkadating namin sa ospital, sumalubong samin ang mom nya na si Tita Ferda. Niyakap nya kami at pinapasok kami sa room ng kuya nya.

"Kuya.." she hugged her kuya agad-agad, "thank god you're okay."

Kyle hugged her back, he then looked at me. Siguro napapaisip sya ngayon kung bakit din ako nandito. So I wave at him and gave a slight smile.

He smiled too, "Sinabi mo sana na isasama mo yung bff mo Sophie para naman nagpapogi ako ket papano."

Sophie chuckled and looked at me, then grabbed me close to them. "Pinilit ko lang yang samahan ako."

"Buti napilit mo, nakasilay nanaman ako."

Parang tanga, he's been like that ever since nagkakilala kami. I don't know if trip trip lang talaga nya kong asarin or sadyang may sira lang sya sa utak. Baka nga may krung-krung lang talaga sya, sayang gwapo pa naman.

"Palabiro ka kuya, bat di mo kaya totohanin. Kung si Guin ang magiging gf mo nako payag na payag talaga ko." she smiled at me, "she's one of the kindest person I ever met. And I'm sure she won't break your heart, right bes?"

Di ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa mga pinagsasabi neto. Binigyan pa nya ng iisipin si Kyle. "Tigilan mo mga kalokohan mo bes ha." Kyle chuckled so I looked at him, "anong nakakatawa?"

"Wala, sungit naman neto. Gutom siguro to noh?" tanong nya kay Sophie.

Tumango naman ang bruha, "Muka nga, tara bili tayo ng foods dun sa kabilang street."

"Bilhan nyo na din ako ha." sabi ni Kyle.

I rolled my eyes, "Alis na kami kuya." paalam ni Sophie.

Pagkadating namin sa pagbibilhan, may nakita kaming nagtitinda ng street foods so dun ako dumiretso habang si Sophie ay dumiretso sa tindahan.

"Kuya magkano sa kwek-kwek?" tanong ko.

"Tres po isang piraso." sagot nya.

"Pabili po ako ng 10 pcs." pagkasabi ko non binigyan nya na ko ng 2 small plastic cup, pinaghiwalay ko na kasi yung isa is para kay Kyle.

Sakto namang balik ni Sophie na may dala-dalang tatlong coke na nakalagay sa plastic na mqy straw.

"Uy sarap nyan, ako din po kuya pabili."

Dito na kami kumain bago kami bumalik sa ospital para diretso uwi na din pagkahatid namin ng pagkain don.

Pagbalik namin, si Sophie na nag-abot ng foods na binili nya para sa kuya nya. "Thanks sis." sabi nya.

"Are you guys gonna go home na?" tanong nya samin.

I was about to answer when suddenly my phone rang. It was Mom. I picked up the call, "Hello Ma?"

"Hello anak? Umuwi kana dito ngayon na."

"Bakit Ma?" tanong ko. Medyo nakakaramdam ako ng kaba, di ko alam kung bakit pero ganon nararamdaman ko ngayon.

"Anak.." she paused for a moment, para bang di sya sure kung itutuloy nya yung susunod nyang sasabihin.

"Ano yon Ma?" tanong ko.

"Si Ace.." pagkasabi nya non, my heart sank. Para bang biglang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang pangalan na yon.

"Why? what's wrong?" Kyle asked.

Sophie also looked at me worriedly but I just pretended to be calm but deep inside of me I know there's a lot going on.

"What happened?" Sophie asked.

I looked at her and gave a force smile, "Nothing.." I put my phone back to my pocket, "I gotta go, pinapauwi na ko ni Mama."

I was about to leave but I was surprised when Kyle grabbed my hand. Tinignan nya ko na para bang may alam sya sa nangyayari sakin ngayon, para bang alam nya kung para san yung tawag ni Mama.

"A-ano yon?" I asked him.

He slightly shook his head, "Wala, magiingat ka ha. Sabay na kami ni Sophie uuwi."

I nodded and then left.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon