Chapter 19

33 3 1
                                    

Nandito ako ngayon sa aming classroom, katabi si Allys. Walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi ko alam anong sasabihin ko matapos ng mangyari nung Sabado.

It's been three days ever since that happened. Absent si Allys kahapon, hinihintay ko lang siya na lumapit sa akin kasi hindi ko alam kung tama ba na ako ang unang lalapit pagkatapos ng mangyari.

She's just sitting on her chair, silently listening to the reporters in front while writing down notes.

'When will you talk to me?' tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaniya.

Pansin ko rin na ever since pumasok siya kaninang umaga ay hindi niya ako pinapansin, or let's just say iniiwasan niya ako.

She communicates with our other classmates except me. How the hell can I focus when my minds full of what ifs.

Did she regret what happened? We're not supposed to do that, because she's not even my girlfriend but I didn't regret everything that happened. Ewan ko lang talaga sa kaniya.

"Thank you for your presentation group one and group two. For the rest of the group, you will present it by tomorrow." sabi ng aming science teacher.

"Oh, also don't forget to study for your upcoming periodical test. Goodbye and good luck class." sabi niya at lumabas na ng aming classroom kasama si Luke na inutusan niyang magdala ng kaniyang mga gamit.

Muntik ko ng makalimutan, periodical test na naman pala. Katamad mag study pero ayos lang dahil after periodical test ay intrams na namin.

For sure it will be a busy week for everyone. Everyone is preparing for the upcoming intrams. Some of my classmates are busy practicing and preparing themselves pero ito ako, I'm not sure kung anong sasalihan ko. Required pa naman yun tsk.

"Min, may naisipan ka na bang sasalihan na sports or activities for intrams?" tanong ni Xandra pagkalapit niya sa akin. Siya yung in-assign na maglista kung ano ang sasalihan ng bawat kaklase namin sa darating na intramurals namin.

"Mag-audition ako sa Dance Palabas." sabi ko kay Xandra at tumango naman siya saka may sinulat sa papel.

"Yung audition para sa dance palabas, next next week na. Ikaw mag prepare sa kanta at syempre na rin sa sayaw mo." sabi ni Xandra na ikinatango ko lang.

"Ikaw Allys? Sa Battle of The Bands ka pa rin ba?" tanong ni Xandra kay Allys, tiningnan ko na rin siya at kita ko ang mahina niyang pagtango.

"Kanino bang mga kanta ngayon?" tanong ni Allys kay Xandra. Bumaling ulit ang aking tingin kay Xandra na para bang may binabasa sa kaniyang libro.

"Mga kanta ng Paramore." nakangiting sabi ni Xandra, tumingin ako kay Allys at nakita kong medyo kumislap ang kaniyang mga mata at halata ang saya dito.

"Sige, lista mo 'ko sa vocalist. Kailan daw audition?" tanong ni Allys at kinuha ang kaniyang notebook at kinuha pa ang aking ballpen na nasa desk.

"Seryoso? Kakanta ka?" gulat na tanong ni Xandra. Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwalang tumingin kay Allys.

Ngumisi lang si Allys at tumango saka bumaling ng tingin sa akin na ikinagulat ko.

"Manood ka ah..." bigla niyang sabi sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ako nagsalita at tinanguan ko lang siya.

"Yung audition, next next week din.Sa classroom ng grade ten na kasama natin gaganapin pagkatapos ng dance palabas..."

"...Oh by the way Min, dun din gaganapin ang audition for dance palabas. Remind your parents na you will come home very late na daw niyan, depende kung kailan matatapos ang audition." Sabi ni Xandra at umalis na sa aming harap ng walang paalam.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now