Chapter 2

199 21 0
                                    

Meeting

"Maria Isabella Naomi Zerifica, you can call me Min for short. I'm seventeen years old, I expect to learn lot of things from you. Thank you." Nakangiting pagpapakilala ko sa aking guro at mga kaklase. Rinig ko ang mahinang tawa ng aking mga kaklase na biglang nawala sa isang tingin lang ng babae sa harap.

"That's it?" istriktang saad ng aming guro sabay ayos ng kaniyang salamin gamit ang hintuturo.

Tango lang ang naging sagot ko at tumingin ng diretso sa kaniya. Kinukumbinsi na wala na akong sasabihin pang iba, saka naglakad patungo sa aking upuan.

Nagpakilala pa ang iba kong mga kaklase ngunit wala akong pakialam sa kanila at tinitignan nalang ang tanawin sa labas. Biglang bumukas ang pinto na siyang dahilan sa pagkakunot ng noo ni Ms. Madrigal at iniluwa dun ang isang babae base sa suot niyang uniporme.

Natigil sa pag-iintroduce yung kaklase kong lalaki na sa tingin ko ay siya na ang panghuli at napataas naman ang kilay ng aking guro. Makikita sa kaniyang mukha na hindi niya ito nagustuhan.

"I'm sorry, I'm late." Napatitig lang ako sa kaniya at tila ba hindi na maalis ang paningin ko dito. Maganda ang boses niya at para bang narinig ko na ito sa kung saan.

"Get In! Next time you're late, wag ka nalang pumasok!" sigaw niya sa kaklase naming kakarating.

Pagkapasok ay luminga-linga pa ito sa paligid at naghanap ng bakanteng upuan. Napatingin din ako sa kabuuan ng classroom namin at nalaman kong sa tabi ko nalang pala ang bakante.

"Before you take a seat beside Ms. Zerifica, introduce yourself in front of the class."

"Allys. Eighteen years old. Teach me well." nakangising saad niya habang nakatingin sa akin. Kunot-noo ko lang siyang tinignan at hindi na pinansin pa.

Magsasalita pa sana si Ms. Madrigal ngunit naglalakad na siya patungo sa akin.

'Bastos, walang respeto'

Napakurap-kurap ako at madaling kinuha ang aking bag na nakalagay sa bakanteng upuan at inilagay ito sa harap ko.

Umupo siya sa tabi ko at naamoy ko naman ang kaniyang pabango, panlalaki ito at hindi ko sigurado kung anong pabango ito. Kinuha niya ang kaniyang sketchpad at lapis. Hindi ko na siya pinansin pa at pinilit na mag focus sa klase.

NAGMAMADALI AKONG MAGLAKAD papunta sa classroom dahil patapos na ang lunch break namin nang hindi sinasadya ay nasagi ko ang balikat ni Allys na papasok din ng classroom.

"Sorry, di ko sinasadya" nakayukong pagpapaumanhin ko habang pumasok na ng classroom. Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya ngunit narinig ko ang mahina niyang pag-ismid sa likod ko.

Kagat-labi akong umupo at tahimik na kinuha ang aking maliit na notebook at ballpoint pen. Isinulat ko ang aking dapat bilhin upang hindi ko ito makalimutan.

Ramdam kong may umupo sa aking tabi ngunit hindi ko na sana yun papansinin kaso naamoy ko ang pamilyar na pabango nito. Nilingon ko ito at nakita ko si Allys na nakatingin sa akin.

Nagtatanong na tiningnan ko siya ngunit hindi siya sumagot at binaling sa ibang direksyon ang paningin. 'Ang weird niya' napanguso nalang ako sa aking naisip at ibinulsa ang aking maliit na notebook at ang ballpoint pen.

Habang tinitignan ang aking mga kaklase na nag-uusap ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun ang hinihingal ko na kaklase, Josh ata pangalan niya base sa pagpapakilala niya kanina.

Biglang tumahimik ang lahat at nagtatanong na tiningnan si Josh.

"Garrison what happened? Ilang kilometro ba ang tinakbo mo at hinihingal ka?" tanong ng aming class president. Siya na agad ang naging Class President dahil kilala naman na nila ang isa't isa maliban sa akin na transferee.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now