I Fell Inlove To My Bestfriend
By Purple Butterfly (JoshbieRica) ^_^
----------------------------
Naramdaman mo na ba ito? Ang ma-fell inlove sa bestfriend mo? Ano ang naramdaman mo? Masaya ka ba tuwing kasama mo sya kahit alam mo na kaibigan lang ang tingin nya sayo?. Maging happy pa kaya sya kahit na alam di alam ni Johnny na mahal nya ito? Magkaroon kaya sila ng happy ending o mananatiling sikreto na lang ang lahat?
-------
[ JENNY's POV]
Hello!! Let me introduce my self. Ako nga pala si Jenniffer Loreinne Samaniego. Jenny ang tawag sa akin ng mga close friends ko. Jen naman ang tawag sa akin ng family ko. Ang Samaniego family ang may ari ng Samaniego group of companies. Kaya huwag na kayong magtaka kung wala ang dad lagi ang dad ko. Lagi kasi syang nasa US para mabantayang mabuti ang tatlong malalaking business namin. Pero kahit lagi syang busy di nya kami nakakalimutang tawagan ng mom ko. Masaya rin ako kasi kahit wala ang dad ko kasi nandito naman sa tabi ko ang bestfriend ko.
"anak nandito na si Johnny. Bilisan mo na ang pagkilos"
"opo mommy! Pababana po ako."
Tama na muna ang kakakwento ko dahil hinihintay na ako ng bestfriend ko.
"Tara na. Tita aalis na po kami"
"Sige. Mag-iingat kayo ha.!"
"Opo tita."
Pakilala ko sa inyo ang napakabait kong bestfriend. Siya si Johnny Sandoval. Anak ng isa sa may-ari ng malaking mall sa bansa.
"Tahimik ka yata ngayon Jenny. May problema ka ba?"
"Ah..eh.. Wala. Hehe"
"Sure ka.?"
"Ah oo."
"Mamaya sabay tayong kumain ah."
"Ah huwag na. Sabay ka na lang sa iba mo pang kabarkada."
"Ah basta sabay tayo kumain mamaya. Bestfriend naman kita eh"
"Eh ano naman ang connect noon.?"
"Basta. Saka kapag ikaw ang kasama ko libre na lunch ko."
"Kahit kailan ka talaga. Ang takaw mo talaga. Saka kahit si Tita ang may-ari nang school eh nagbabayad pa rin ako noh!!. Eto kayaman yaman eh parang namumulubi."
"Eto namang si Jenny. Minsan na nga lang akong magpalibre sayo eh."
"Ok fine. Sus takaw talaga"
"May sinasabi ka?"
"Wala. Sabi ko ang bait mo at ang gwapo mo."
"Sus matagal ko ng alam iyon."
Tama ang nabasa nyo kanina. Tita ko ang may-ari ng school na pinapasukan namin. Actually, si Tita and Mommy ang nagpapatakbo ng school. Roseville Academy ang pangalan nito dahil sa lola ko na ang pangalan ay Rose. Ang lolo pa ng mom and tita ko ang nagpagawa nung school. Ang tagal na ring nakatayo nung school ni Lolo.
*Booogggssshhh*
(a/n:basta may nabunggo sya. Di ko alam ang sounds eh..)
"Aray naman" --girl
Kwento kasi ako ng kwento. Ayan hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako ><.
"Eh."
"Ano ba yan! Di kasi tumitingin sa daan."
Ang dami ng tao. Tsk.. Tsk.. Tsk..
"Ah, miss sorry ah. Hindi sinasadya ng kasama ko. "
"Hay naku. Pasalamat ka pinakiusapan ako ng kasama mo. Hmp!"
*pagkaalis ni ms. Masungit* (hehe)
"Ms. Jenniffer ok ka lang."--student
"Ah oo."
Huwag na kayong magtaka kung "Ms. Jenniffer" tawag nila sa akin. Alam kasi ng halos lahat sa kanila na anak ako ng isa sa may-ari ng school. Siya nga lang ata di nakakakilala sa akin eh..
"Ano ba naman kasi ang iniisip mo. May problema ka yata eh"
"Hindi. Wala akong problema"
"Sabihin mo na kasi sa akin."
"Hindi ka naman maniniwala eh."
"Bilis na kasi bestfriend."
"Maniniwala ka ba?"
"Oo nga."
"Sige ha. Sinabi mo yan."
'Bilisan mo na kasi."
"Ganito kasi yun. Si Author Rica eh nagawa ng story. Tapos sabi nya sa akin i-introduce ko daw yung sarili ko. Sa pag-iintroduce sa sarili ko eh sinama na kita."
"Wew."
"Sabi ko na nga ba hindi ka maniniwala eh."
"Eto naman joke lang.So anu-ano ung sinabi mo tungkol sa akin??"
"Sinabi ko sa readers na panget ang ugali mo."
"Eto namang si Jenny. Bakit mo naman sinabi na panget ang ugali ko?"
"Haha. Joke lang yun noh."
"Ano nga kasi ang sinbi mo tungkol sa akin?"
"Wala."
"Hala.Paano ako magugustuhan ng readers kung wala kang sinabi??"
"Joke lang ulit."
"Ano nga kasi ang sinabi mo sa kanila??"
"Ang sabi ko eh bestfriend kita at ikaw ang anak ng may-ari ng isa sa malalaking mall sa Pinas. Ano masaya ka na??
"Ganoon lang?? Bakit di mo sinabi sa kanila na gwapo ako.??"
"Sabihin mo yan pag may sarili ka ng POV."
"Sige ba. Oh ayan miss author bigyan mo daw ako ng POV ko para may masabi akong maganda sa sarili ko."
"Hay naku pasok na nga tayo sa room."
-Lunch Break-
"Jenny, Salamat sa pagkain."
"Wala yun."
"Ang bait talaga ng bestfriend ko."
Aba kinurot pa ako. Ang sakit kaya
"Aray naman ang sakit."
"Sorry. Ang cute mo kasi"
'IKaw talaga napakaBolero mo."
"Hehe. Pero totoo yung sinabi ko na cute ka"
"Kumain ka na nga lang. Gutom lang yan."
"Ou nga pala, malapit na ang pasko regalo ko ah.."
"May sasabihin sana ako sayo eh."
"Mukhang serious yan ah. Ano yun?"
"Kasi sa US kami magpa-pasko."