*** (Ice Cream Parlor)
"Salamat sa Ice Cream Jenny"
"Wala yun. Sanay na ako sayo Mr. Kuripot.!."
"Huy hindi ako kuripot ah."
"Sus hindi daw. Nagdeny pa."
"Gusto mo patunayan ko sayo?"
"Sige nga."
"Wait ka lang"
[ Johnny's POV]
Sa Wakas. binigyan rin ako ni Ms. Author ng POV. Akalain nyo after 4 chapters ngayon lang ako binigyan ni Ms. Author ng POV.! Grabe ka talaga miss Author. Nakakatampo ka na.
Papakilala nga pala ako sa inyo. Ako nga pala si Johnny Sandoval. 3rd Year Highschool na ako sa Roseville Academy na pagmamay-ari ng mga Forteza. Sa Dec. 28 na nga pala ang birthday ko kaya ihanda nyo na ang mga regalo nyo. ^_^
Kasalukuyan akong nasa counter. Malayo nga pala dito yung upuan namin kaya di nya alam kung saan ako pumunta.
"Good Afternoon Sir! may I Take your order?"
"Ah miss, ano po ba yung pinaka specialty nyo.?."
Nagtanong pa ako eh alam ko naman kung ano. -_-
"sir yung Giant Sundae po."
(Imbento ng author. Haha)
"Bigyan mo nga ako ng isang order ng giant Sundae."
"Anything else sir?"
"Yun lang. ^_^"
"P450 po sir."
"Here."
"Thank you sir."
Bumalik na ako kung saan nakaupo si Jenny.
"*u*"
"Eto na."
"Ang alin?"
"Yung katunayan."
"Na?"
"Hindi ako kuripot."
"Paano mo naman napatunayan?
"Bumili ako nitong Giant Banana Split"
"Ows?"
"Oo nga."
"Inuto mo lang yata yun Cashier eh."
"Ang sama mo naman Jenny."
"Joke lang eto naman di mabiro."
"Grabe naka P450 nga ako dyan tapos gaganyanin mo lang ako.."
"Eto naman. Magtatampo ka na naman eh..."
"..."
"Tara nga kainin na natin yan."
"Bahala ka pag naubos ko to."
"Okay lang makita lang kitang nakain busog na ako."
"Sus drama mo ikain mo na lang yan. Bilis. Di ko kayang ubusin ito."
"Sige na nga."
Kinain na nga namin yung Giant Sundae.
Pagkatapos naming kumain, naglakad lakad muna kami sa Park na malapit..
"Sa tingin ko kailangan na nating umuwi."
"Mamaya na. Samahan mo muna ako."
"Saan naman?"
"Basta. Libre ko naman eh."
Wala na siyang nagawa dahil hinila ko na siya. Hehe.
Pagdating namin doon eh ganito ang reaction nya.
"Dito!!!?? Uy uuwi na lang ako.."
"Eh Jenny samahan mo na ako.."
"Sa mall lang naman pala ang punta mo. Sana di mo na lang ako sinama. Gagawa na lang ako ng assignment natin."
Sa mall ko kasi sya dinala eh..
"Eh mamaya na yun. Madali lang naman yun. Sige na samahan mo ako mag-arcade. Libre ko naman eh.."
"Ayoko. Aalis na ako."
"Jenny Sige na. Pls.. " with matching puppy eyes pa yan.. Sana gumana..
"hay naku. Sige na nga. Pero saglit lang ha."
"YES! salamat Jenny. Don't worry sabay tayong gagawa ng assignment para madali."
"-_-"
Habang naglalakad, hawak - hawak ko ang mga kamay nya para hindi sya .
"Hey girl. Tignan mo yung couple. Ang sweet nila."
"Nasaan?"
"Ayun oh!"
"Ay oo nga."
"Bagay pa sila noh!"
"Tama.!"
porket ba magkahawak ang kamay, couple na. Tsk.. Tsk.. Tsk..
"Huy! Bakit mo hawak yung kamay ko."
"Para hindi ka makatakas."
"Hindi naman ako tatakas eh..! -_-"
"Hehe."
Nandito na kami sa Tom's World para mag-arcade. Mukha namang masaya sya eh. Aayaw- ayaw pa kanina..
Kinuha ko sya ng stuff toy na Hello Kitty sa may Catcher. Favorite nya kasi yun eh..
"Jenny oh! Para sayo.."
"Salamat Johnny!!! Alam mo bang kanina ko pa gustong kunin yan kaso hindi naman ako magaling sa Catcher T^T."
"Kinuha ko nga yan para sayo kasi alam kong hindi ka magaling dyan.."
"Ang sama neto..!!"
"Hahaha. Ang cute mo talaga mainis."
"He! Ewan ko sayo.!"
"Uy wag ka nang magtampo."
"Tara uwi na tayo."
"mabuti pa nga dahil gagawa pa tayo mg assignment."
"Ay! oo nga noh!"
"Thank you nga pala Jenny."
"Para saan?"
"Para sa pagsama sa akin ngayon."
"Naku wala yun. Sa susunod ulit ha. Libre mo ako"
"Sige ba. Basta Trip ko manlibre."