EPILOGUE (part 1) CLOSE YOUR EYES,BABY

38 3 0
                                    

Lumipas ng ilang buwan ng sagutin ko si Ash.

Walang araw na hindi nya ipinaramdam sa akin na ako lang yung babaeng pinakamamahal nya.

Bulaklak, tsokolate, at kung ano anu pang mga regalo ang araw araw ay natatanggap ko mula sa kanya.

Nagkamali ako ng isiping pareho lamang kame ng estado ng buhay noon, dahil malaman kong anak pala sya ng isang napakayamang negosyante at sya rin ng nag iisang tagapag mana ng mga monroe.

Nung una ay hindi ako tanggap ng father nya dahil sa hindi naman ako ganon kayaman tulad nila, pero nung makilala nila ako ng lubusan ay kusa na rin nilang tinanggap kung ano at sino ako para sa anak nila.

Nakakatuwang isipin na yung taong ayaw sayo noon ay heto at nakakwentohan mo na at nakakasalo na rin sa hapag kainan.

"Hon.." Narinig ko na lamang ng tawagin ako ni Ash.

"Hon, Upo ka dito."

"Kanina pa kita hinahanap, Malamig na dito sa labas."

Napangiti na lamang ako ng mahipit nya akong yakapin mula sa likuran ko. Ito ang pinaka nagugustohan ko talaga sa kanya.

"Napaka ganda ng buwan, Ash. Bilog na bilog at napaka liwanag. Ganon rin ng mga bituin, Kung sana ay kaya ko silang abutin ay gagawin ko."

"Yeah.." Sa tantsa ko ay napipilitan lamang syang tugunan lahat ng sinabi ko.

"Ash.."

"Hon-It's Hon, Baby." Pagtatama nya sa pagbanggit ko ng pangalan nya.

Natawa na naman ako sa inasal nya.

Para talaga syang bata na nasa katauhan ng beynte syete at gwapong lalaki.

"Tss.. Kahit ano pang itawag ko sayo, Ganon pa rin yung pagmamahal ko at di yun nababawasan sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo, okey?"

"Yeah.. Whatever!"

Natapos ang gabi ng kami lang dalawa ang magkasama.

Kinaumagahan ay muli nya akong ipinasyal,

Nag date,

Naglakad while holding hands,

Nag tawanan,

At sa huli ay heto naka upo kaming dalawa sa loob ng simbahan.

Katatapos lang ng misa ni father.

"Hon, gusto kong makita ka balang araw na lumalakad sa simbahang ito hindi dahil nagdarasal ka kundi dahil ikakasal ka at lumalakad ka palapit sa akin. Gusto kong makita ka na nakasoot ng wedding gown habang ako naman ang gwapong groom mo."

Kung kanina ay nakangiti lamang ako, ngayon naman ay kinikilig na ako at hindi iyon maitago ng katawan ko.

"And that's a f*cking-" Pareho kaming natawa ng maalala nyang nasa loob pa rin kami ng simbahan. "Sorry.. As I said I'll merry you, I promise, Babe."

"Tinanong mo na ba ako kung magpapakasal ako sayo??" Natatawang tanong ko, hindi nakatakas sa akin ang pagkabugnot nya.

"Why? I know you'll merry me, babe."

"Paano kung hindi??"

"I Don't take No for an answer, baby. You know me." Yeah! Yeah!

"I'm just kidding, Hon." Isang mabilis na halik ang iginawad ko sa labi nya. "Hon, Rest room lang ako, Naiihi na ko eh."

"Go ahead, Baby. Aantayin kita."

Mabilis akong naglakad papunta sa Banyo, Malapit na sana ako makarating doon ngunit bigla na lamang may humila sa kamay ko at may tumakip ng bibig at ilong ko, Naramdaman ko na lang na unti unti akong pinanghihina ng amoy niyon hanggang sa kumalat na ang dilim sa mga mata ko.

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Where stories live. Discover now