CHAPTER 18

1.9K 89 17
                                    

Kabanata 18.

Sophia's Point of View

We're all stunned sa nagawa ni Sam. Hindi ko lubos na akalain na may tinatago pala siya na ganoong kakayahan. Now I fully understand why Ate Aurora chose Sam to stay in this Academy.

Napasinghap ako ng walang hirap kaming pinatilapon ni Sam. Medyo nakakahiya sa part namin na isang Royals. Tumaob kami ng dahil lang sa isang balibag. Pero hindi ko na iyon inabala pa. Mabilis akong napatayo, kasunod non ay ang pagdating ni Grey at ng iba pang miyembro ng councils.

Pinuntahan ko naman si Scarlet para tulungan siyang tumayo na ngayo'y walang tigil na sa pagmumura.

"Sh*t! How could she do that thing to me?" Galit pa niyang sabi ng mahawakan ko ang kanyang braso upang tulungan siyang tumayo.

Kilala ko si Scarlet. Pikunin ito pero inilalagay naman niya sa tamang lugar ang emosyon niya kaya naman ay hindi ko na siya sinuway pa, bagkus tinanong ko siya tungkol sa kalagayan niya.

"Okay ka lang ba? 'Di ka ba nasugatan?"

Lumingon naman siya sa'kin na nakataas ang kilay.

"Importante pa ba 'yan sayo?" Iritado nitong wika sa'kin. Inirapan ko nalang siya dahil naiinis ako sa kaartehan niya.

Muli kong nilingon ang direksyon ni Sam. Nakita ko na nakalapit na sa kanya si Grey at hinahawakan siya nito. Hindi pala hawak,kundi yakap.

Weird man kung titigan pero para sakin ay hindi, dahil nakita kong ginamit ni Grey ang kapangyarihan niyang magpatulog. Ako naman ay mabilis na tumakbo sa direksyon nila para sana tulungan si Sam ngunit naunahan ako ni Marco at ni Ate Aurora.

May dala silang tela at mabilis nila itong hinagis kay Sam para matakpan siya nito. Pinapakalma ata nila si Sam sa pamamagitan ng pagtatakip ng kumot o tela sa kanyang ulo.

Bago pa mag-landing ang tela na inihagis nila Marco ay may napansin akong kakaiba kay Sam. Sandali akong napahinto sa paglalakad at inisip kong guni-guni ko lang ba ang nakita ko. Pero nawala iyon sa isip ko ng bigla akong hilain ni Scarlet.

"Ano pa bang tinatayo mo diyan? Let's go! We need to help those idiots!" Asik nito sa'kin habang hila-hila niya pa rin ako.

She's pertaining to those contestants na tumulong sa laban kanina at nagkasugat dahil sa ginawa ni Sam sa kanila.

"Maka idiot ka a. Akala mo naman di ka kasali!" Panunukso ko sa kanya.

Ngunit ang paningin ko ay nasa direksyon nila Grey. Sinisipat ko sila at nakita kong kinarga ni Liam si Yasmen. Nakita ko rin na kinarga ni Marco si Sam and immediately run. Probably sa pagamutan sila or maybe in some private area.

Naramdaman ko na binitawan ni Scarlet ang kamay ko ng padabog. Kaya naman kaagad akong napalingon sa kaniya.

"Shut up Pia! I'm not in a mood today!" Ma-awtoridad niyang wika sa'kin.

"Inunahan mo ako e!" Sagot ko naman habang tinutulungan ang isang estudyante sa pagtayo.

"Are you okay?" Tanong ko sa aking tinulungan.

"Yes, Miss! It's a pleasure to have your attention on me." Magalang nitong wika sa'kin.

Medyo na cringe naman ako kaya pa simple na lang akong tumango. Tss! Halata naman ang pagka plastik sa tono nito. May pa pleasure pleasure pang nalalaman. Tinulungan ko pa ang iba hanggang sa matapos kami ni Scarlet.

Natawa ako ng padabog niyang tinanggal ang suot niyang uniporme ng Upper class. 'Yan kasi, sabing 'di kakasya 'yan, e, kasi di naman siya Upper Class.

Enchanted Academy: The Crown Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon