𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 49

1.5K 62 3
                                    

𝙵𝚘𝚛𝚝𝚢-𝙽𝚒𝚗𝚎...

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Kaagad kong sinalo si Scarlet ng mapansin kong may umaagos na dugo sa kaniyang ulo. Mabilis ko siyang niyakap ng makita ko ang napakalaking mahika na ginawa ni Mica.

Until now I can't believe that 'that woman' was Mica. Pero hindi ko na alintana iyon dahil baka magkaparehas lang sila ng mukha ni Mica. May gano'n naman talaga sa mundo. Hindi naiiwasan ang mga taong magkaroon ng katulad na mukha mo kahit hindi naman kayo magkaano-ano.

Isang napakalakas na hangin ang aking naramdaman at ang isang tao rin na yumakap sa 'kin sa likuran na animo'y prinoprotektahan din kami.

"Scarlet! Scarlet wake up!" yogyog ko kay Scarlet nang mawalan siya ng malay.

I don't know kung ano ang tumama sa kaniya at nagkaganito siya bigla. All of this ay hindi ko pa din ma proseso dahil bigla na lamang sumulpot sina James at Mica na magkaiba pa ang pinanggalingan at kakampi. Hindi ko na alam pa kung maniniwala pa ba ako sa mga nangyayari o kukurutin ko na lang ang aking sarili para magising ako sa katotohanan kung totoo ba talaga ang mga pangyayaring ito.

"Samantha!"

"Red!"

Mabilis akong hinablot ni Grey at si Scarlet naman na nasa hita ko ay marahas din na inagaw ni James sa 'kin na hindi ko na nagawang magreklamo pa kasi dumako ang mata ko kay Kristoff na may nakatarak na bakal ata sa kaniyang balikat na nasa likod nito.

"Are you okay Sam?" dumako kaagad ang paningin ko kay Grey. Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Hindi ko siya nasagot at binalingan si James ng magsalita si Sophia sa kaniya.

"Sa'n mo siya dadalhin?" nakita ko na kinarga niya kaagad si Scarlet. Saglit na nagtama ang mga mata namin ngunit mabilis din niya itong inilihis sa direksyon ni Sophia na sinundan ko naman.

"I'm gonna get her out of here. And you need to come with me, Phia! No buts!" ma awtoridad ang boses niya ng sinabi niya iyon at nagtama ang paningin namin ni Sophia.

Nakita ko ang pagdadalawang isip sa kaniyang mga tingin. I nodded to assure her that it's okay for her to leave. May sinabi pa si Kristoff sa kaniya na hindi namin narinig.

"I'm okay Phia. I'm okay," ani ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa.

"You're not, Samantha." mariin naman na wika sa 'kin ni Grey.

"Let's go Phia!" tawag ni James kay Sophia. Takte 'di makapag-antay James?

"Go now Phia! Please protect my sister." ang wika pa ni Grey matapos na tuluyang umalis si Sophia na nagdadalawang isip pa din. Pero kalauna'y sumunod naman siya.

Mabilis niya akong tinulungan na tumayo ng mawala na sa paningin namin sina Phia. Nang makita ko si Kristoff ay dinumog na naman ako ng galit. Ilang tao pa ba sa paligid ko ang masasaktan ng dahil na naman sa 'kin? Kasi sawang-sawa na ako e!

"Samantha! I said, are you okay?" tanong pa sa 'kin ni Grey.

"Supremo, I'm okay. So stop asking kasi may bayan pa tayong ililigtas." sinabi ko iyon sa kaniya ng seryoso.

Binitawan ko si supremo at tumungo kay Kristoff. Nakita ko naman ang bahagyang pagyuko ni Kristoff ng makalapit ako sa kaniya. Sa kanilang lahat ay si Kristoff lang ang hindi ko napapasalamatan kasi hindi naman kami gaanong ka close. Tsaka ilag din siya sa mga tao noon kaya nahihirapan akong hanapin siya.

Enchanted Academy: The Crown Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon