Present...
Nandito na naman ako sa airport ngayon. Pero hindi ako babalik ng Singapore ah? I'm going to welcome my best bud. Ngayon ang uwi niya from New York. Sosyal right? Nagstay kasi siya doon ng one week bago umuwi dito sa Philippines. Pero kapitbahay talaga namin sila sa Singapore. I know, I know. Gala lang talaga siya. Hahaha!
"Tyree!" tawag ko sa lalaking kakalabas lang.
"Jade!" lumapit siya sa akin at lumapit din ako sa kanya. Niyakap ko siya. Hay, nakakamiss din ang lalaking ito!
Si Tyree, I met him two years ago. He's the one who saved me. Iniligtas niya ako mula sa napakasakit na pangayayaring noon. I originally wanted to die. But he did prevent it after all. And now we're best buddies. Kaya nga doon din siya tutuloy sa katabing unit nung kay Tita Xanthe eh. Obvious bang ayaw naming maghiwalay?
"I missed you, brad," sabi ko habang magkayakap kami.
"I missed you more, brad," then he kissed the top of my head. Siya na matangkad.
"Tara na nga! Ang sweet natin masyado! Hahaha," yaya ko.
Kumain muna kami sa isang Japanese Resto—kasi favorite niya ang sushi, sus!—saka dumiretso sa condo niya. Wala si Tita ngayon dahil pumasok sa work niya kaya bored ako doon sa unit niya. Buti nalang nandito na si Tyree!
"Brad, ang lungkot naman nitong unit mo," sabi ko habang pinapanuod siyang ayusin ang mga luggage niya. Ang bait ko diba? Maasahang best buddy.
"Kasi naman kakalipat ko palang dito diba? Excited ka eh!"
Tinawanan ko nalang siya. Dumiretso ako sa kusina niya para kuhanin 'yung binili naming Chips Delight kanina pauwi. Saka ko binuksan ang TV niya. Sakto pinapalabas si Damon Salvatore mylovesosweet ko. Kaya ayun, sitting pretty na ako dito habang nakapatong ang paa sa table samantalang siya mukhang haggard kakaayos ng mga gamit. I feel you brad, ganyan din ako kahapon.
"Alam mo brad, minsan talaga nakakatouch ang pagiging thoughtful mo eh," sabi ni Tyree doon sa gilid habang inaayos 'yung mga damit niya. I shrugged.
Busy ako dito kay Damon, brad. Can't you see? Echipwera ka muna dyan.
"Tapos may dala akong perfume, wait! Lacoste ba 'to?"
This time, napatingin na ako kay Tyree. So he's bribing me now? Tumayo ako at kinuha sa kanya 'yung mga damit niyang tinutupi at ako na ang nagpatuloy.
"Hahaha! I love you, brad! Oh iyo na 'yang Lacoste mo. Mas mahal mo pa ata 'yan kaysa sakin," kunwari nagtatampo niyang sabi.
"Drama mo, brad. Di bagay!" kinuha ko na 'yung perfume. Hahaha! I lurv it!
Pagkatapos kong tupiin 'yung mga polo at pants niya, inilagay ko na ito sa cabinet. 'Yung iba naman na pang formal talaga, inihanger ko. Habang si Tyree naman, inaayos 'yung iba niyang dala.
Nang matapos na kaming magayos, naupo kami sa couch.
Bubuksan ko na ulit sana 'yung TV ng magsalita siya.
"Kailangan ata nating mag-grocery bukas brad."
"Ay tama ka dyan Tyree! Buti naisip mo 'yun no?"
"Buti ka pa kasama mo dyan Tita mo, ako all alone dito."
"Edi dito mo patirahin si Bryan dami pang arte," si Bryan na tinutukoy ko ay 'yung pinsan niya.
"Hmm, pwede..."
Nagrerent lang kasi ng apartment 'yun para malapit sa school niya na malapit lang din dito. Speaking of school...
"Ay brad, naipasa mo na 'yung mga credentials mo sa lilipatan nating school?"
BINABASA MO ANG
When Two Ends Meet
Teen Fiction[𝕙𝕚𝕒𝕥𝕦𝕤] How can you hate someone you love? Easy. Let him leave you when you need him the most. I'm Jade and once upon a time, I fell in love. But he just left me there, falling. Published in 2015 © hestiates