— ⚠️ Trigger warning —
2 years ago...
"V-Vaughan?"
Lumingon ang lalaking tinawag ko na kasalukuyang kausap ang mga kaibigan niya. Hay, ang gwapo niya talaga. Ang ganda ng mata, mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, mapula ang labi, at higit sa lahat, mabango siya! Pero bukod pa sa physical features niya na sobrang attractive, super talented pa siya. Magaling sa basketball, magaling sumayaw, at matalino! Kaso sabi nila medyo jerk siya. Hindi naman ako naniniwala.
Nakangiti siyang lumingon sa akin pero nawala din 'yon kaagad ng malamang ako ito.
"Bakit?"
"P-Pwede ka b-bang makausap?"
Pumayag siya kaya lumabas kami ng room para makapag-usap. Grabe, pati paglakad niya ang lakas ng appeal.
"Ibibigay k-ko lang s-sana 'to sa'yo..." nakayuko kong inabot sa kanyo 'yung gift ko. Sa loob ng box ay isang scrapbook na ako mismo ang gumawa. Naglalaman 'yun ng mga pictures niya at lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Meron din doong kwintas na may pendant na G-Clef. Natuwa lang ako doon kaya ko binili. At panghuli, ang favorite niya, rubics cube. Nalaman ko isang araw na gustong-gusto niyang nagbubuo ng rubics cube pero nalaman ko din na hindi niya mabuo-buo 'yun.
Ang dahilan kung bakit ko siya binigyan ng gift ay dahil... birthday ko ngayon.
Dahil special ang araw na ito para sa'kin, gusto ko itong ishare sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo.
Tiningnan muna niya 'yung inaabot ko bago niya kinuha.
"Okay, let me get this straight huh? I don't like you. So stop doing this, understand?"
Nagulat ako. Paano niya nalamang gusto ko siya? Ganun na ba ako ka obvious?
"And I don't want you getting near me okay?"
B-Bakit? Parang ang sakit. Nararamdaman kong malapit ng tumulo ang luha ko, kaya kahit ayaw ko, tumango nalang ako.
"Mabuti na 'yung malinaw. Sige salamat dito!" And with that, he walked away.
Here I am, dumbfounded. Ganun na lang kadali 'yun? Hindi pa nga ako nagcoconfess ng direct, pero nireject niya ako ng diretsing-diretso.
Bumalik nalang ako sa sarili kong classroom kahit na bawat hakbang ko parang unti-unting nawawasak ang puso ko. Ang sakit.
Gusto ko talaga si Vaughan simula pa nung first day ng klase. Pero hindi niya ako napapansin. Magkaiba kasi kami ng section. Atsaka laging may mga nakapaligid sa kanya na mga kaibigan. Samantalang ako, ito, loner. Paano ba naman ako mapapansin diba? Kaya ang ginagawa ko, lagi akong nanunuod tuwing may basketball practice at dance practice siya. Todo cheer din ako kapag may laban sila. Pero tinitingnan ako ng masama ng ibang tao kaya tumatahimik nalang ako. Noong nalaman ko din na nanalo siya sa debate ni ginanap sa school, nagsend ako ng congratulation letter sa locker niya. Hindi ko lang alam kung nabasa niya 'yun. But still, I'm glad. Natutuwa ako sa mga achievements niya. Sana lagi siyang ganun. Tuwing nakikita ko siyang kasama ang mga kaibigan niya na masayang nag-uusap, I can't help but smile too. Sana lagi din siyang masaya...
Noong uwian, as usual doon ako dumaan sa likod ng school namin malapit sa playground dahil mas malapit ang route na 'yon sa bahay. Pero hindi ko inaasahang makikita ko si Vaughan doon sa playground, umiiyak. Doon pa lang nataranta na ako kaya nilapitan ko siya. Bakit siya umiiyak?
"V-Vaughan?"
"Ano na namang ginagawa mo dito Rose?"
Medyo napangiti ako doon dahil kahit papaano alam naman pala niya ang pangalan ko. Kaso 'yung second name lang, ganun kasi talaga ang tawag sa akin: Rose.
BINABASA MO ANG
When Two Ends Meet
Teen Fiction[𝕙𝕚𝕒𝕥𝕦𝕤] How can you hate someone you love? Easy. Let him leave you when you need him the most. I'm Jade and once upon a time, I fell in love. But he just left me there, falling. Published in 2015 © hestiates