"Jairah! Lumabas ka nga sa kwarto mo! Late ka na!"
Talagang nakakabingi ang boses ni Mama ah. -_- Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at tumingin sa wall clock sa sala. 7:35 am. Naku po. 8 am ang klase namin! =.=
"Jairah! Ano ka ba! Di ka pa nag aalmusal ah! Kumain ka na nga!" hiyaw ni Mama.
"Hindi na ako kakain. Late na po ako!" sabi ko kay mama. I just kissed her sa left cheek at tumakbo palabas ng bahay.
Ako nga pala si Janice Irah Hernandez. My friends call me Jairah. Di ako gaanong popular sa school namin, ang Bordos High School. Siyempre, ang mga sumisikat lang doon ay ang mga magaganda, mga gwapo at mayayaman. Tokwa, di naman ako maganda ah! May glasses akong sinusuot. Boyish na boyish ang look ko. Ang paldang nasusuot ko lamang sa buong buhay ko ay ang school uniform namin. Yun lang. Hindi pa ako nakapag mini skirt. Jeans lang, kumportable na ako. :)
7:52 am.
YEEEEEEESSSS! muntik akong ma late ah. :) Dali dali akong pumunta sa locker ko upang kunin ang mga libro ko para sa araw na ito.
"Jairaaaaaaaah!"
Lumingon ako at napangiti. Sino pa ba? Edi ang best friend kong si Emma. Emerald Dianne Balot ang buong pangalan niya. Emerald like the color and balot like the pambalot sa gift mo tuwing Pasko. HAHA. hate na hate nga niya ang name niya. Kaya ako ang gumawa ng nickname niyang Emma.
Sikat si Emma dito sa school namin. Cheerleader siya. Matalino. Mabait. Maganda. COMBO HIT! maraming stalker din ang babaeng ito noh!? Yun nga lang, NBSB siya, like me. mga No Boyfriend Since Birth yata kami noh? HAHAHAHAHA. ^_^
"Jairah, marami akong sasabihin sa iyo." sabi niya at kinaladkad ako mula sa locker ko hanggang sa girls' CR.
"Ano ba? Emma! Nasasaktan ako!"
"HAHAHAHA. Sorry! Excited lang kasi ako." ^.^
Walang ibang tao sa CR. Dito yata kami palaging nag tsi-tsismis ng best friend ko.
"Jairah! May bofriend na ako! :D" sabi ni Emma na parang mamatay na sa saya.
"Ha!? Sino?"
"Jake Martin Gorres ang pangalan niya. Team captain nga basketball team natin!" halos sigaw na ni Emma sa kilig.
JAKE!? siya lang naman yung pinakagwapo at pinagkakaguluhan na nilalang sa balat ng earth! HOOOOMAWGAWD. Give me oxygen!
"Ohmygod best! I'm so happy for you!" Sabi ko.
Pero talaga ba? I mean, perpekto si Jake at talagang bagay na bagay sila ng best ko.
Pero bakit ba ganito nararamdaman ko? Dahil ba ako nalang ang hindi pa nakikilala ang prince charming ko?
Parang napansin ni Emma ang lungkot sa mukha ko.
"O, best? Bakit?"
"Haaa? Ah, eh, wala. Yun nga lang. Naiinggit ako sa iyo best! Wala pa man lang akong boylet ngayon."
Ngumiti lang si Emma. "HAHAHA SUS! kaw naman. wag kang mag-alala. Tutulungan kita mamaya.
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG*
Bell na at kanya-kanya na kaming pumunta ni Emma sa aming mga sari-sariling klase.
Tutulungan daw ako ni Emma. Ay, paano naman niya ako tutulungan?
Baka ipapakasal niya ako kay Daniel Padilla?
Posible. HAHAAHA. Nakilala na nga niya yan si Daniel sa isang party eh.
HAHA. SANA NGA! ^^
BINABASA MO ANG
Crazy Stupid Love <3
Teen FictionHe's a casanova. I'm a valedictorian.Different worlds right? But what happens when the ends of both of our worlds meet?