CHAPTER 4

2 0 0
                                    

CHAPTER 4

"Distance gives a clearer view. You can't see the façade of a building while staying inside." -Michael Bassey Johnson

"Bumaba na kung sino ang gustong magbanyo r'yan. May dalawang oras pang biyahe. Iyong mga may bibilhin o nagugutom, bumili na kayo!" sigaw ng kundoktor ng bus na sinasakyan ko ngayon.

Itinaas ko ang shades ko at nag-unat dahil sa tagal ng biyahe. Mahigit tatlong oras na akong naka-upo at napakasakit na nang pang-upo ko. Kinuha ko ang bag ko at saka tumayo para lumabas. Nagugutom na rin ako at kailangan na rin magbanyo dahil sabi nga ng kundoktor ay may dalawang oras pang biyahe.

I looked at my watched and saw that it's almost seven in the morning. Anong oras kaya ako makakarating sa pupuntahan ko? Napahinga na lang ako habang iniisip kung bakit nga ba ako nandito ngayon. Ito ang favor na hiningi ko kay Aya before I went to Villarama's mansion ang ipagpaalam ako sa boss namin that I will take a leave. I just have the need na lumayo muna sa City at lalo na sa issue ng Villarama. And here I am, bumibyahe papuntang Zambales.

Pagkatapos kong magbanyo ay nag-isip muna ako ng bibilhin na pagkain. Binigyan naman kami ng 20 minutes ng kundoktor kaya mukhang hindi naman ako maiiwan. I saw Jollibee kaya doon na lang ako bibili ng pagkain at kakainin ko na lang sa bus.

Before I enter the establishment, someone pushed me na muntik ko nang ikatumba. Mabuti na lamang ay naalalayan ako ni kuya Guard. What the heck just happened? Tiningnan ko agad kung sino ang siraulong bumangga sa akin.

"Sir, ingat naman po kayo. Muntik na pong matumba si ma'am," sabi ni kuya Guard sa lalaking bumunggo sa akin. He just stared at me from head to foot and smiled. May kasama pa siyang iba na malamang ay barkada niya. They're just staring at me na para bang ngayon lang nakakita ng tao sa buong buhay nila.

I raised my eyebrow. Ginagago ba nila ako? Well, I'm not in the mood para makipaglokohan. "What the fuck are you staring at? You don't know how to apologize?"

Nawala bigla ang ngiti nila except with the guy na bumangga sa akin. "Miss, I'm sorry, okay? But you don't have to swear to us like that."

Ngumiti ako sa kanya dahil naiirita na ako. "Why? Dahil hindi ako ang nagpapalamon sa inyo? Dahil hindi maganda sa babae ang nagmumura? Or dahil hindi mo naman sinsadya ang pagbangga sa akin? Kung ayaw mong mamura, ilagay mo sa tamang lugar iyang kaharutan ninyo. Muntik pa kayo makadisgrasya dahil sa mga kalokohan ninyo."

Napailing ako sa kanila at tiningnan si kuya Guard para magpasalamat. Hindi na ako nag-abala pang hintayin o pakinggan pa ang mga sasabihin nila. I'm hungry pero nawalan na rin ako ng gana para bumili pa ng pagkain ko dahil sa mga pacool na mga lalaking 'yun. Pero bago pa ako makaalis ay narinig ko pa ang sigaw ng isa sa kanila. Hindi ko alam kung sino sa kanila at wala na akong pakialam para kilalanin pa kung sino 'yun.

"Nice to meet you, Miss Mais!"

Miss Mais? Napailing na lang ako at napatingin sa buhok kong blonde na ngayon. Gago pala talaga 'yun!

Tumuloy kami sa biyahe na hindi na ako nakakain. Naisipan ko na lang ang matulog dahil sobrang aga ko ring nagising. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa terminal kung hindi lang ako ginising ng kundoktor. Napasarap pa ako ng tulog.

Kinuha ko ang mga bagahe ko na isang malaking maleta, isang backpack at isang body bag. Tinanong pa ako ni manong driver kung kaya ko dalhin ang mga 'yun kaya nginitian ko na lang sila dahil hindi ko rin alam sa sarili ko kung paano ko nakayang dalhin ang mga 'yun.

Pagbaba ko ay naghanap agad ako ng pwedeng makainan dahil kahit natutulog ako kanina ay nararamdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Luckily ay maraming nakapaligid na makakainan sa terminal kaya agad kong hinila ang maleta dahil mukhang punuan ang mga kainan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Southern East University: Akiko Louise VillaramaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon