Walang forever

449 26 23
                                    

"Walang forever!" Dinig kong isinigaw ng boyfriend ko. Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nang makalapit siya piningot ko agad ang tenga niya.

"Hoy! Lalaki, bakit ba palagi mo nalang sinasabi 'yan huh? Dapat nga naniniwala ka sa forever kasi couple tayo." Nguso kong sambit.

"Dapat nga naniniwala ka sa forever kasi, diba sabi mo.. We're the best couple ever!" Sinigaw ko din ito sa tapat ng kanyang tenga.

Nainis naman agad ito, pikon eh. Edi nainis din ako, nakakatampo kaya! Harap harap daw bang sabihin na walang forever.

Sana kung isang beses lang, pero inaraw araw ng lalaking 'to. Ang sarap tirisin huh?

Ayan, ang layo ng distansya namin sa isa't isa. Nakakainis talaga, hindi ba niya ako susuyuin kasi nagtatampo ako?!

"Wala naman kasi talagang forever!" Sigaw pa niya.

"Sige, ulitin mo pa nang masapak kita!"

Yung naiinis niyang mukha kanina, umamo na. Lumapit siya sakin at yinakap ako.

"Wala naman kasi talagang forever, kung lifetime agree ako." Pabulong niyang sabi sa tenga ko, "And i want to spend my life with you." Tugon niya.

Pakiramdam ko, namumula na ako dahil sa sinabi niya. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa pag init na 'to, pwede na atang magluto dito ng itlog. Chos.

Marahan siyang tumawa, "Maaaring walang forever pero gagawin ko ang lahat ng kaya ko maparamdam lang sayo ang happily ever after."


Walang forever by HappinessDelight88
©2015
Leave vote and comments. Thank you po :) Try to read my stories. ♥

Walang foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon