Kabanata 3

71 27 19
                                    

NAGISING ako sa isang silid nang marinig ang boses ng aking Ina. Sinag ng araw ang unang bumati sa akin at naisin ko mang batiin ito pabalik ng 'magandang umaga' ay hindi ko magawa dahil sa pangyayari kahapon.

"Labas ako sa usaping ito, Donya Victorina, dahil wala akong anak na makasalanan, kaya kung maaari ay huwag na ninyong akong idamay o dumihan ang aking pangalan."

Pagak akong natawa sa narinig. Wala na talagang pakialam sa akin si Ina.

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang kahihiyan na idinulot nina Maria at Cielo sa aking pamilya. Huwag kang maging makasarili, Alejandra, simula pa lang ay kasama na sa gulo ang pamilya mo kahit hindi ko kayo idamay," matapang na tugon ni Donya Victorina.

Narinig ko ang papalayong mga hakbang ni Donya Victorina.

"Bumangon ka, Cielo, nasa ibaba si Maria at dadalhin na ngayon sa kulungan sa Intramuros." Napaigtad ako nang marinig muli ang boses ni Padre Nicolas sa isip ko.

Agad akong nag-ayos para bumaba at puntahan si Maria. Nang makalabas ng pinto ay siniguro ko na walang makakaalam na ako'y gising na. Dahan-dahan akong nagtungo sa hagdan ngunit napatigil ako nang marinig na naman si Donya Victorina na nakikipagtalo, hindi sa aking Ina kundi sa aking kasintahan na si Maria.

"Oo na, Ina. Makasalanan na kami at walang kapatawaran ang ginawa namin. Kung iyan ang makapagpapaligaya sa inyo ay hindi ko kayo pipigilan. Pero nais ko lang ipaalala sa iyo na ipinagbabawal din ng Diyos ang maki-apid, ngunit ano ang ginawa mo? Hindi ba't nakisiping ka sa isang lalaki rito sa Maynila--"

"Tumahimik ka, Maria! Hindi tungkol sa akin ang usaping ito!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Maria kaya napasinghap ako. "Napatawad na ako ng Diyos at wala kayong karapatan para hindi ibigay sa akin ang kapatawaran na hinihingi ko," nanginginig at naluluha sa galiy na ani Donya Victorina.

"Sapilitang pagpapatawad ba ang iyong hinihiling?" sarkastikong tugon ni Maria. "Kung ganoon ay umasa ka na magagawa kong ibigay sa iyo ang iyong hinihingi, ngunit asahan mo rin na ang pagpapatawad na iyon ay ibibigay ko sa pinaka-hindi sinserong paraan. Kung kasinungalingan ang nais mo ay iyon ang aking ibibigay, Ina. Nasisiguro ko na hindi pa rin matatahimik ang iyong konsensya dahil sa iyong ginawa."

Hindi sumagot si Donya Victorina kaya natawa si Maria nang sarkastiko pa rin. "La gente es estúpido," (People are stupid.) umiiling na aniya.

"Huwag mo akong pagsasalitaan nang ganyan dahil anak lang kita, Maria! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nagawa mong ito para sa akin!"

Napatingala si Maria at tumawa ngunit hindi tumugon.

"Sinira ninyo ang tiwala na ibinigay namin sa inyo. Ang buong akala naming lahat ay matalik lamang kayong magkaibigan. Pero ano? Kung hindi pa namin mababasa ang liham na ginawa ni Cielo ay hindi pa namin malalaman?! Nilihim ninyo sa amin na kayo ay magkasintahan! Mga makasalanan!"

"Handa akong maging makasalanan kung siya ang dahilan."

"Baka nais mong ipaalala ko rin sa iyo na kapwa mo babae ang kinakaladkad mo, Maria?" tumawa siyasa kabila ng galit.

"Wala kang karapatan na sabihan ng ganyan ang isang Binibini na walang ginawang kasalanan, Ina."

"Paanong wala, Maria?! Ang magmahal ng kapwa mo babae ay isang kasalanan sa Diyos! Kung lumayo ka na lang sana sa kanya at umamin sa akin ay hindi na mauuwi sa ganito ang lahat."

"Bakit, Ina? Hindi ba't sa parehong sitwasyon lang din naman mauuwi ang lahat kahit umamin kami? Ipakukulong ninyo kami at ipapapatay. Heto na ngayon at nangyayari sa iyong harapan. Masaya ka na ba?" Ipinakita niya sa kanyang ina ang magkabilang siko niya na hawak ng mga guwardiya sibil. "Hindi na bago sa akin ang pagiging walang puso ninyo, Ina, kaya hindi na ako sumubok na ipagtapat sa inyo ang lahat."

A Sense of Hiraeth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon