"1. New Day"
Viro's POV:
Ako si Viro, isa lang akong normal na kabataan, mahilig akong magsulat ng mga kwento, yun nalang din kasi ang paraan ko para hindi ako masyadong masaktan sa reyalidad ng mundo.
May ate ako, si Ate Vira, mas matanda siya sakin ng dalawang taon. 17 years old na siya ngayon.
Nakikitira kaming dalawa sa tiyahin namin simula nang mamatay si Mama. Wala na din kasi kaming ibang kamag-anak. Mahal na mahal ko si Ate.
Madami ang nagsasabi na parang baliktad daw kami ng personalidad, dahil medyo mahinhin ako, si Ate naman medyo pasaway, palasagot at minsan walang respeto.
Pero gayonpaman, alam kong may mga rason din si Ate kung bakit siya ganon ngayon.
"Viro, kumain ka na! Tulala ka nanaman eh." Saway sakin ni Sasha; kaibigan ko.
"Eh, wala may iniisip lang ako." Ani ko at sumabay na ng subo sa pagkain ko.
"Uy Viro! Sabi mo ah, sasamahan mo ako mamaya sa tindahan namin ni Mama." Saad pa niya. Napangiti naman ako ng maalala ko ang usapan namin tungkol don na tutulungan ko na muna siyang magtinda habang wala mama niya.
"Oo, naaalala ko, di pa naman ako ganon ka-makalimutin." Sagot ko habang nakangiti, napangiti naman na lang din siya.
Kasalukuyan akong isang Grade 10 student sa Green Valley University. Scholar lang din naman ako dito kaya di masyadong pabigat ang tingin sakin nina Tita.
Tinapos na namin ni Sasha ang pag-kain at naglalakad na kami pabalik sa classroom nang may nakita akong bagong mukha.
Napapalibutan siya ng madaming tao kaya naagaw nito ang pansin namin.
"Sino kaya siya, artista?" Ani ni Sasha.
Umiling naman ako. "Hindi ko din alam eh, mukhang transferee lang ata." Saad ko pa.
Hindi na namin sila masyadong pinansin ni Sasha at nagmadali na kaming bumalik sa classroom dahil may klase pa kami.
Nang makaupo ako, napansin ko na medyo tahimik ang buong classroom.
Parang lahat naguusap tungkol sa isang ispesipikong bagay na hindi normal para sakin. Hindi ko alam pero simula nang mag-high school ako, naging masyadong akong over-thinker ako kahit na sa maliit na mga bagay. Minsan nga pati pagbahing ng kaklase ko pinapansin at iniisip ko din eh.
Minsan talaga medyo weirdo ako, siguro ganon talaga kapag lumaki nang walang tatay.
"Gusto mo?" Nabalik ako sa reyalidad nang alukin ako ni Bassig ng Flat tops. Kumuha naman ako, nakakahiya naman kasi sa kanya eh haha.
"Salamat. Crush mo nanaman ako eh!" Biro ko pa na nginisian nalang din niya.
Inabutan ko din si Sasha. Sakto pagkasubo ko biglang pasok ng Adviser namin. Si Bb. Sarah, nagtaka ako, kasi sa pagkaka-alala ko Math ata kami ngayon. Pumasok siya na may kasamang lalaki. Pamilyar yung lalaki, siya yata yung nakita namin kanina ni Sasha.
Nagkatinginan pa kami ni Sasha bago umiling sa isa't-isa.
Natahimik nanaman ang mga kaklase namin pero ramdam ko ang bulungan nila. May hitsura yung lalaki bakit nga ba naman di nila pagbubulungan.
"Oh class, may bago kayong kaklase, Mr. Fernandez, magpakilala ka na." Saad ni Ma'am.
"Hi. I'm Bryan Fernandez, transferee ako galing Quezon City. " Ani niya.
Kaya naman pala, nakakabihag ang ngiti ng lalaking ito. Maganda ang korte ng mukha at maganda ang postura ng katawan. Kaya naman pala halos lahat ng mga kaklase ko abot tenga ang ngiti.

BINABASA MO ANG
Love, Viro
RomansaSi Viro Leigh Montes ay isang normal na teenager, palakaibigan, mabait, role model at puno din ng kuryosidad sa buhay. Meron siyang isang diary na araw-araw niyang sinusulatan ng mga nangyayari sa buhay niya. At tinatawag niya itong "Love, Viro". ...