MSWMGL1

0 0 0
                                    

"Sabi mo diba walang iwanan? diba nangako tayo sa isa't-isa?"

naaalala ko pang sabi nya habang hawak hawak nya ang dalawa kong kamay, kita sa mata nya ang pag-aalala na iiwan ko na sya.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya, ayoko talagang gawin to dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kakayanin na mahiwalay sa kanya.

Pero kaylangan na..

"May iba na ba? Hindi mo na ba ako mahal? Sinabi ko naman sayo diba, kaya kong maging pangalawa wag ka lang mawawala saken. Kahit may girlfriend ako, alam mong mahal na mahal kita at ayoko talagang mawala ka sakin"

Nahihirapan pa rin akong magsalita, nasasaktan din kasi akong isipin na kahit ganu nya ako kamahal hindi nya pa rin ako kayang piliin.

Kelan ba mangyayari na ako lang at wala nang iba?

Kelan ba yung panahon na saya lang yung mararamdaman ko tuwing makikita ko sya, tuwing makakasama ko sya.

Kelan ba dadating yung panahon na ako lang yung priority nya.

"Wala akong iba... at mahal na mahal pa rin kita"

habang sinasabi ko yan, nag uunahan na sa paglabas ang mga luha ko.

Sinasabi ng puso ko na wag kong gawin to, pero sabi ng isip ko kaylangan ko nang magpahinga. 

"Yung pagmamahal ko sayo ganun pa din sa dati, hindi yun nabawasan sumobra pa nga ee"

ngumiti ako ng bahagya, ayokong nakikita nya ako sa ganitong sitwasyon.

"kaya lang... tingin ko kaylangan muna nating magpahinga. Habang hindi mo pa sya kayang iwan, lalayo muna ako..."

yumuko ako, ayokong makita nya sa mga mata ko yung sakit na nararamdaman ng puso ko, sobrang sakit isipin na yung taong mahal mo at alam mong mahal ka din ay hindi ka kayang piliin.

Akala ko ba mas mahal nya ako? akala ko lang pala.

Bago ako yumuko nakita ko din na pabagsak na yung mga luha nya sa mata nya, ayokong makita syang nasasaktan ng dahil saken, hindi ko kaya..

"mahal ko, lalayo lang naman ako, pero hindi kita iiwan, hindi ako mawawala sayo" tiningnan ko sya nung hindi na sya nagsasalita, nakita kong umiiyak na rin sya habang nakatitig lang saken.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Yung isang kamay ko nakalagay sa dibdib nya kung saan nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso nya, eto ang pinakapaboritong musika na lagi kong pinapakinggan. ang tibok ng puso nya.

"Andito lang ako palagi, andito sa puso mo.. hindi ako mawawala dito, kung hahayaan mo ako mag-stay"

Ito na yun, kaylangan kong gawin to.

"a-Alam ko balang araw magkikita din tayo, alam ko at naniniwala akong balang araw magkikita tayo... s-sa tamang panahon, sa tamang oras, at sa tamang tayo.

Yun yung panahon na pwede na m-maging tayo, yung panahon na kaya mo na akong mahalin ng a-ako lang, y-yung kaya mo na ako piliin at tawaging girlfriend mo...

yung pwede na kitang yakapin sa harap ng maraming tao, yung pwede kong sabihin sa kanila na sayo lng ako"

this time hagulgol na yung iyak ko. Ramdam ko ding basa na ang balikat ko sa luha nya.

Sobrang higpit ng pagkakayakap nya saken, ayaw nya pa akong pakawalan.

Yung totoo naghihintay akong may sabihin sya, hinihintay kong sabihin nya na pinipili nya na ako. Pero wala..

"Mahal na mahal kita, alam kong balang araw maiintindihan mo kung bakit ko ginawa to sayo"

tinanggal ko yung pagkakayakap nya saken at pinunasan ko ang luha ko.

Hinawakan ko ang mukha nya at

"till next time Mr. Bautista, thanks for being part of my life and my heart" nginitian ko sya, nakayuko lang sya.

aalis na ako pero nahawakan nya ang braso ko. Nagsalita ulit ako

"Siguro naman sa susunod na magkita tayo, hindi ka na matatakot na ligawan ako. Alam mo na na hindi ako snobber at mataray"

humarap ulit ako sa kanya, I give him a smooth and fast kiss on his lips.

Isa yan sa mamimiss ko sa kanya, his sweet lips, the way his hugging me, at yung pagmamalaki nya saken na mas matangkad talaga sya saken habang yakap yakap nya ako.

Naramdaman kong lumuwag yung pagkakahawak nya sa braso ko, at habang nakapikit sya tumakbo na ako paalis.

Hindi ko na kayang makitang nahihirapan at nasasaktan ang mahal ko ng dahil saken.

I admit it, hinintay ko na tawagin nya ako, hinintay ko na habulin nya ako at sabihing wag ko syang iwan. Pero tanggap ko na rin, tanggap ko na hindi pa para saken yung pag mamahal nya ngayon.

*****

Yan ang huli naming conversation dito sa lugar na to.. same time, same date, March 27 4:11 afternoon. Hinding hindi ko makakalimutan yan.

Kamusta na kaya sya? sila pa kaya? o may bago na sya, o baka naman nagpakasal na sila.. Sobrang tagal na nun, pero sa totoo  lang umaasa pa rin ako na kami ang para sa isa't-isa, umaasa pa rin ako na mahal nya pa rin ako at hinihintay nya ako hanggang ngayon. Pero mukhang malabo na din yun.

"Julia? Juliaaaaaaaaa! Imissyou t.s....."

naputol ang pagre-reminisce ko nung may tumawag ng pangalan ko at yumakap saken. Oo nga pala iba pala pinunta ko dito.

"Yaaaaa! T.s. Imissyou more... kamusta ka?" medyo pinaghintay nya ako ha, nakapag senti tuloy ako ng bahagya dito.

"Anong kamusta ako? ikaw ang kamusta? bigla ka na lang nawala!  Sang lupalop ka ba nagpupunta ha? wala ka man lang paalam samin!" sabi ko na mangyayari to ee.

Wala kasi talaga akong pinagsabihan na aalis ako nun, kay Harold lang ako nagpaalam. Bigla na lang din kasi ako kinuha ng tita ko, dinala nya ako sa Australia.

"Ay naku hayaan mo na nga, tutal andito ka na din naman ee. Ang dami ko nang chika na ikukwento sayo! pano ba naman hindi ka macontact, pati fb, ig at twitter mo deactivated nung nawala ka"

Buong araw kaming magkasama, ayun kinuwento nya lang yung lovelife nya.

Minsan nababanggit nya si Harold, pero hindi pa ako ready marinig ang kwento nya.

Natatakot ako na baka wala nang pag asa yung saming dalawa. 6 years din akong nawala. Marami nang nangyari, at sobrang dami nang nagbago..

Alam ko one of this days magkikita din kami. Sabi kasi ni Tracy dito lang din sya nagtatrabaho. Bahala na, sana kaya ko..

Sana may kami pa...

My Sweetest Whatever, My Great loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon