MSWMGL2

2 0 0
                                    

Napaaga ba ako o late lang talaga sila. Hindi ba sila na excite na makita ako at pinaghihintay nila ako ngayon T_T

Maglalakad lakad nga muna ako.

Andito kasi ako ngayon sa mall, may usapan kasi kaming magba-bonding ngayon dahil matagal nga nila akong hindi nakita, kaylangan bumawi.

Arcade nga muna ako.

Basketball. Eto favorite ko sa arcade ee, shooting.

Habang naglalaro ako, may napansin akong batang lumapit at nanood saken.

Siguro 8 or 9 years old na sya. Mukhang nag-eenjoy sya na panoorin ako. Nakakatuwa naman, ang cute nya. Actually mukha syang familiar.

Natapus ko ang round. Naka-3 rounds ako, halos 500 plus na shoot din yun. Medyo sanay na ako maglaro nito kasi lagi ako sa mall kada-vacant ng class.

Narinig ko syang pumalakpak.

"Ang galing! Ang galing mo naman po ate! Sana ganyan din ako kagaling. Kaya lang po hanggang 60 lang po ang points ko jan ee.. pwede po ba ako magpaturo sayo magandang ate??" sabi nya habang nagpa-puppy eyes sya. Hahaha ang cute cute nya at ang daldal.

Medyo yumuko ako para mapantayan sya. Parang nakita ko na talaga sya. May kaparehas sya ng mata at ng ngiti, hindi ko lang maisip kung sino.

"Oo naman baby, pero hindi muna ngayon ha? May imi-meet kasi akong friends ngayon ee. Maybe next time, ok?"

"Sige po magandang ate, asahan ko po yan ha. Babay magandang ate!" nag-wave sya at tumakbo na paalis.

Haha hindi man lang nya hiningi number ko, pano kaya kami magkikita ulit. Ni hindi nya man lang tinanong pangalan ko. Hehe nakalimutan ko din naman tanungin pangalan nya.

Mahilig talaga ako sa bata. Nasabi ko na ba na 2 years akong nurse sa Australia?

Nagtrabaho ako sa ospital ng mga bata doon.

Pangarap ko kasi talagang maging nurse. Kaya nang lumipat ako sa Australia nag aral ulit ako, hindi ko na tinuloy ang course na naiwan ko dito.

Umuwi ako dito para dito na magtrabaho. Alam kong mas mababa ang sweldo, pero mas masaya kasi pag kapwa pilipino mo ang paglilingkuran mo.

Maya maya pa dumating na sila Tracy, kasama si Cherry, Jona at April.

"Oh my G!! Julia? Ikaw na ba yan? Ang sexy mo na aa. Lalo kang gumanda!"

Sobrang payat ko kasi dati. Sila ang sesexy pa rin at ang gaganda.

"Haha ganun talaga. Kayo ang gaganda nyo pa rin aa, ang gaganda pa rin natin. Hahaha" sabay sabay kaming nagtawanan.

"Hanggang ngayon sobrang hamble mo pa rin talaga t.s. Sa sobrang hamble mo, parang gusto na kitang ibalik kung saang lupalop ka nagtago dati!" hahahah wala pa ring nagbabago.

"Siguro mas madami kang pinapaasa ngayon no?" -jona.

"Uy wala aa, ikaw!" sya pa rin ang taga-bara saken.

"Ay pa-bebe? hahaha virgin pa rin?" -Che(cherry) ganyan yan, hahaha biruan na namin yang mga ganyang words dati pa.

Natapus ang buong araw namin sa mall, kumain, naglaro sa arcade, nag-boy hunting and at the same time nag-shopping.

Sobrang saya ko at nakabalik na ulit ako dito.

Isa na lang ang kokumpleto sa pagbabalik ko, ang makita sya. Ang makita ulit si Harold...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweetest Whatever, My Great loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon