Di ko alam

686 26 3
                                    

Di Ko Alam.

Di ko alam kung saan kailan pano bang nag umpisa ang lahat.

Alam mo ba na may gusto akong sabihin sayo. Minahal na kita simula pa nung una. Unang makita ang iyong mga mata.

Ng isang araw nakasalubong tayo. Nagkatitigan at nag ngitian. Parang baliw lang no? Oo baliw nako sayo.

Hanggang sa nagkakilala tayo ng lubos. Nagpanggap akong bakla. At naging mag kaibigan tayo.

Natatakot akong umamin sayo. Kasi baka layuan moko.
Kaya ko ginawa to para mas mapalapit sayo.

Alam ko kasing ayaw mo sa mga lalaki. Man hater ka raw. Kaya ako nagpanggap.

Habang pinaglalaruan mo ang mukha ko ng mga pang make up.
At ang sabi mo. "Nako. Kung di ka lang bakla. Mahal na kita. " Hahaha natawa ako. Wrong move pala ang ginawa ko.

Hanggang sa umamin na ako sayo ng tunay kong pagkatao. At ang mga nararamdaman ng puso ko.

Umamin nako sayo at sinabing mahal kita. Ang sagot mo ay.

"Mahal din kita. Kaso di pwede." Tinanong kita kung bakit hindi pwede.

Pero di mo ako sinagot. Imbis na sagutin ako ay bigla kang humagulgol ng iyak.

Nagulat ako sayo. Di ko alam kung bakit. Kaya niyakap nalang kita.

Hanggang sa nanghina ka at mawalan ng malay.
Dinala kita sa pinaka malapit na hospital para mabigyang lunas.

Tinawagan ko ang nanay at tatay mo para puntahan nila tayo.

Dumating na sila. Habang kami'y nag uusap lumabas ang doctor. Kritikal daw ang kundisyon mo.

Napaiyak ako. Bakit anong nangyari sayo?

Akala ko simpleng karamdaman lang. Pero sinabi sakin ng mga magulang mo ang kalagayan mo.

Di ko alam kung anong gagawin ko. Bakit hindi agad sinabi sakin.

At ang kinakatakot namin pangyayari ay nangyari na. Dina maibabalik.

At ngayon nakatayo ako sa isang puting malaking kahon.

Nasa loob ka nito. Nakapikit na tila parang natutulog lang na anghel. Nakangiti ka din.

Alam mo ba? Miss na miss na miss na miss na kita. Gustong gusto kitang yakapin. Kaso di na pwede. Wala kana sa tabi ko. Alam ko nandyan ka sa langit. Sana magpakabait ka pa lalo dyan. Kahit nasan kapa. Mahal na mahal kita. Kahit wala kana mahal padin kita. Ang duga mo naman eh. Diba sabi mo dati walang iwanan. Oo di mo naman ako iniwan eh. Andito kapadin sa puso ko. Mahal na mahal kita Angel. Iloveyou.

Umupo muna ako para mahimasmasan. Ng biglang may tumabi sakin.

Nagulat ako.
"OH. Bakit parang nakakita ka ng multo?.

Natawa ako. Kakambal mo pala to. Kamukhang kamukha mo sya ang ganda nyong pareho. Para kayong mga anghel.

"Kuya Jeff. Tignan at basahin mo daw ito sabi ni Ate Angel. Itago mo rin ito at ingatan. Buksan mo daw yan kapag nailibing na sya. Gusto daw nyang ikaw lang ang maiwan sa puntod nya."

Nailibing kana.
Nakaupo ako ngayon dito. Naiwan ako. Kahit di mo sabihin magpapaiwan ako dito

Binuksan kona ang box na ibinigay ng kapatid mo sa akin.

Nandito ang isang photo album. Nandun ang mga nakaw na kuha mo sakin.

Ikaw ha? Crush moko no? Yieee. Iloveyou.

Diko mapigilang lumuha. Mga larawan natin ang hinagkan ko.

Ang bilis ng panahon. Parang saglit palang tayo magkakilala nawala kana agad.

Binasa ko nadin ang mga sulat mo. Grabe ka iyak nako ng iyak dito.

Dear Jeff,
Sorry ha? Sana mapatawad moko. Sana mahal mo padin ako. Diko na sinabi sayo na may sakit ako. Di ko din alam na malala na pala ako. Ayoko din kasing masaktan ka. Nasan kaba ngayon? Nasa puntod ba kita? Sana nandyan ka. Alam mo Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Gusto ko sana mag hanap ka ng mas deserving na babae. Yung dika iiwan gaya ko. Basta. Wag mong kalimutan. Mahal na mahal kita. Iloveyou always and forever.

- Angel

Mahal na mahal din kita. Iloveyoumore than most. Hintayin moko dyan. Malapit na ulit tayong magkasama. Hintay ka lang dyan. Di nako maghahanap pa ng iba. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang at wala ng iba. Mahal na mahal kita.

Eto na yung araw nayun. Ito na talaga. Magkakasama na tayo.

Matutulog nako Angel. Hintayin moko dyan. Saglit nalang to. Papunta nako dyan.

Goodnight Angel. Paggising mo nandyan nako. Pipikit nako ha? Iloveyou.

-

Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon