Someone's Pov
Gusto ko sanang sabihin na mahal kita kaso ayoko na pala.
Ayokong umasa at masaktan.
Alam kong may mahal ka ng iba.
At sobrang mahal mo sya.
Kahit gusto kong sabihin sayo
Pero may sumasagi sa isip ko.
Kapag ba sinabing kung mahal kita may mababago ba?
Ako ba yung mamahalin mo? Hindi sya?
Ako ba yung pipiliin mo sa aming dalawa?
Alam ko namang sya parin yung pipiliin mo.
Kasi nga mahal mo sya.
Ako eto. Kaibigan mo lang.
Na palaging nandito sa tabi mo kapag nag aaway kayo.
Sumasalo sayo kapag hindi ka nya kayang sapuhin.
Nagsisilbing panyo tuwing iiyak ka.
Nagiging isang tatay kung magbigay ng payo.
Minsan nagiging nanay mo kapag iniipitan kita ng buhok.
Minsan nagiging kuya mo.
Alam mo mahal na kita una palang.
Ayoko lang sabihin kasi nga takot akong masaktan.
Pero mas masakit pala kapag hindi mo sinabi.
Di ka naman siguro manhid diba?
Siguro naramdaman mo din yung mga ginagawa kong effort.
Yung minsan akala mo biro lang.
Pero madalas totoo na.
Minsan kapag sinasabi kong gusto kita dinadaan ko lang sa biro.
Kapag kasama mo yung taong mahal mo at masaya ka. Masaya na din ako.
Masaya ako kapag masaya ka.
Gusto ko lang naman na maging masaya kahit alam kong hindi ako yung dahilan ng pag ngiti mo.
KAhit hindi ako yung dahilan ng pagtawa mo.
May mga bagay sa mundo na kahit hindi mo makuha basta makita mo lang masaya ka na.
Yung mga taong nagpapaiyak sayo.
Anong gusto mong gawin ko sa kanila?
Sabihin mo lang.
Hahaha. Parang masasabi mo pa yun ah.
Ano ka ba naman nasusuot mo lang ng dress nag suot ka na naman.
Ikaw din lalaki ka. Kakasuot lang natin ng barong nakabaring kana agad.
Nakakamiss din kayo ha?
Iniwan nyo na ako.
Akala ko naman walamg iwanan.
Iniwan nyo na ako dito.
Pero wag kayong mag alala di ako susunod sa inyo.
Ayoko nga.
Mahal ko pa ang buhay ko no.
Sa susunod nalang.
Kapag hindi ka mahal, tanggapin mo. Hindi yung lolokohin mo pa sarili mo na balang araw, mamahalin ka din niya.
Hindi lahat ng tawa ibig sabihin masaya ka na. Minsan tumatawa ka lang para makalimutan ang sakit na pinadama niya.
Ang problema tinatawanan lang hindi dinidibdib. Kase habang iniisip mo yun lalo kang nasasaktan.
Okay lang magmahal pero wag naman sa point na ikaw lang yung nagmamahal.
Alam mo ba nung mga panahong nagmumukmok ako.
May isang taong tumulong sakin para mapagaan ang pakiramdam ko.
Maganda sya. Mabait pa. Katulad mo sya. Kamukhang kamukha mo sya.
Simula ng araw na tinulungan nya ako.
Nahulog na agad ako sa kanya.
Araw araw mas nahuhulog ako.
Ewan ko ba.
Mahal ko na ata tong babaeng to.
Di ko alam kung saan o kailan ba nag umpisa ang lahat ng to.
Basta ang alam ko lang mahal ko na tong babaeng nasa tabi ko.
"Ang sweet nila Ate at kuya jeff no? Kahit sa hukay magkatabi parin sila." Sabi ng katabi ko. Ang babaeng buo sa puso ko.
"Oo nga e. Kayo talagang dalawa. Di kayo maghihiwalay kahit anobg mangyari no? Walang forever." Sabi ko sa kanilang dalawa.
Wag kayong sasagot.
Joke lang.
Kayo na ang magpapatunay na may forever ❤
Angel Dela Cruz
September. 1 1992 - August 21 2014Jeff Enriquez
November 11 1992 - August 28 2014
-
BINABASA MO ANG
Di ko alam
Short StoryDi ko alam kung saan kailan pavo bang nag umpisa ang lahat. Minahal na kita una palang Mahal na mahal kita Higit pa sa iniisip mo. Ikaw lang.