Di Ko Alam

113 12 0
                                    

Luis pov

Pag pasok ko ng bahay namin.

Nakita kong umiiyak ang asawa ko habang hawak nya ang telepono.

"Oh. Bakit ka umiiyak." Tanong ko sa kanya.

"Sabihin mo sakin ang totoo? May babae ka no?" Alam nya?

Pero hindi ko pa sana sasabihin e.

Naghahanap pako ng pagkakataon.

"Makinig ka sakin."

Sabi ko at umupo muna kami.

Ganto kasi ang nangyari.

Dati nagkaroon ako ng girlfriend.

Nabuntis sya. Pero hindi ako ang ama.

Akala ko ako yung tatay.

Inamin sakin ng babae na hindi ako yung tatay.

Bilang kaibigan tinulungan ko syang magpalaki ng bata.

Kaya hindi ko yun anak.

"Sino naman nagkwento sayo na may babae ako?"
Napaka selosa talaga ng asawa ko.

"Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman sya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Hinihintay kasi kita."

Tara na nga kumain na tayo."

Naging busy na ako sa trabaho kaya minsan wala akong oras sa pamilya ko.

Pero sana naiintindihan nila ang mga ginagawa ko.

Para rin naman sa future namin to.

*kinabukasan

"Taaaay. Gising na po. Malalate na po tayo. Nagluto na po si Naynay." Sabi ng anak ko.

Bumangon naman ako at binuhat ang anak ko.

"Ang bigat mo Miggy."

"Syempre Tay. Bigboy na ako e. Tay gusto ko na po magka girlfriend."

Napatawa naman ako sa sinabi ng anak ko.

Ang bata bata pa.

"Gusto mo na anak? Sige mamaya may papakilala ako sayo."

"Sige. Tay. Dapat maganda yan ha? Dapat chixx."

Natatawa talaga ako sa anak ko.

Sa edad na anim ganyan na agad mag salita.

-

"Nay. Babye po. Papasok na po kami ni Taytay."

"Ay Nay. Mamaya po pag uwi ko may girlfriend na ako."

Natawa na naman ako dun.

"Ikaw talagang bata ka."

"Tay kapag ako nagkagirlfriend. Hindi ko po sya papaiyakin. Hindi ko po sya iiwan."

"Aba dapat lang. Parang kami ng Naynay mo. Dapat mahal nyo ang isat isa."

"Opo. Taytay pakilala nyo po sakin mamay ha?"
"Oo na. Sige na baka malate pa si Taytay sa office."

Sabi ko at pumasok na sya sa room nya.

Ako naman pumasok s principals office

Principal ako.

Naupo na ako at kung ano ano ang pinirmahan.

Bigla namang may kumatok.

"Pasok."

"Tito Luiiiiiis." Sabi ng batang babae at sinalubong ako ng halik sa pisngi.

"Bianca. Nabibigatan si Tito Luis mo. Baba kana dyan." Sabi ng mommy nya.

Bumaba naman.

"Tito Luis. I have a Daddy na." Sabi nya at kinikilig kilig pa.

"Talaga? Pogi ba sya katulad ko?" Tanong ko.

"Mas pogi ang daddy ko. Hahahaha."

"Oh bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko sa mag ina.

"Tito. Papasok na po akong school." Sabi nya at kinuha yung bag nya.

"Tara na. Ano pang hinihintay nyo?"

Balak kong maging magkaklase sila ng anak ko.

May plano na ako para sa kanila.

May plano ako para sa magiging future ng anak ko.

Naging masaya na kami ng asawa ko.

Dapat pati ang anak ko.

Gagawin kong misirable pero masaya ang buhay nya.

-

Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon