Chapter 5

38 1 0
                                    

Carlos'POV

"Ade ngayon wala na ako kakampi dito? Okay Fine. Papasok na ako. Kakaen lang naman ako ng salad susungit nyo. -Kunot noo sabay talikod. - Sam

Nagulat ako sa naging reaction nya, Siguro naawa din ako. Ang cute pala nya magtampo. Hahahahahaha. Shiiit. Bakit ganun? Parang nagugustuhan ko na talaga siya? Hindi. Malabo. Hindi to totoo. Wala lang to. Hmmm.

Bago ako umalis ng Canteen binilan ko na muna siya ng salad na gusto nya. Baka kase umiyak pa eh. Hahahahahaha.

"Wag kana magtampo. Ito na oh? - Carlo

"Ano naman kapalit nito? Aber? -Sam

"Wala. Nakita ko kase sa muka mo na gustong gusto mong kumaen nyan. Kaya binilan na kita. -Carlo

"Ganun? Tatanggapin ko to, pero wag ka mag alala. Babawi ako sayo. Salamat. - Sam

Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Kitang kita ko sa mukha nya na tuwang tuwa siya. Mas lalo siya gumaganda kapag naka smile siya. Lage kase naka kunot ang noo niya, Kung hindi man lage nakataas ng kilay. Pero ngayon. Kitang kita na masaya siya. Akala ko siya yung tipo ng babae na mahirap patawanin. Hindi pala. Mababaw lang din pala ang kaligayahan nya.

"May kapalit yan ha? Libre mo ako ng Ice cream sa 7/11 ha? - Carlo

" Sabi na nga ba eh, Oo na. Mamaya After Class. Lilibre kita. Happy na? - Sam

" Sabi mo yan ha? - Carlo

"Oo. Para kang niloloko. Basta yung tig 15pessos lang ha? Nagtitipid ako eh. - Sam

"Hahahahaha. Oo naman. - Carlo

After ng Class namen. Ito na naglalakad na kame papunta sa 7/11 . Grabe talaga tong Babae na to. Kakaiba siya sa lahat. Parang mas matapang pa nga siya sakin eh. Hahahahaha. Kapag may tumitingin sknya na lalake sinabi nya "Problema mo?" Grabee. Babae ba talaga siya?

"Ikaw na bumili ng Ice cream. Ito pambayad. Hintayin nalang kita sa labas. -Sam

"Hindi na. Ako na may sagot. Wait mo nalang ako dun. - Carlo

"Wow. Pabibo ka? Osge. Nagtitipid din ako eh. Geh ikaw na bahala. - Sam

Nakabili na ako ng Ice cream. Pupunta na ako sa table na nakita ni Sam. Nagulat ako at naka ipit siya. Kitang kita lalo ang kagandahan nya. Kita mo ang tangos ng ilong nya, Ganda ng mata nya, Yung haba ng pilik mata nya.

"Oh? Problema? May dumi ba ako sa muka? - Sam

"Ahh. Wala. Oh ito na yung Ice cream. Bumili narin ako ng ilang chichirya. Para may makaen tayo. - Carlo

"Wow. Rich kid talaga ang peg mo? Hoy. Kung may balak kang ligawan ako. Wag mo ng ituloy ha? Ngayon palang binabasted na kita. Sabay taas kilay . - Sam

"Grabe ka naman. Hindi kita gusto noh? Para kang lalake kung kumilos. Tomboy ka paano kita magugustuhan? - Carlo

"Hindi nga ako tomboy. Ganito lang ako kumilos. Syaka ayoko sa mga lalake. - Sam

"So ibig sabihin? Man Hater ka? - Carlo

"Parang ganun na nga, Simula nung iniwan kame ng papa ko dahil sa ibang babae, Hindi na ako nagtiwala sa mga lalake. - Sam

"Hindi lahat ng lalake manloloko. Meron parin marunong magseryoso. Wag mong lahatin ang lalake. - Carlo

"Talaga lang ha? Well' Kung meron man ganun. Bilang nalang. at siguradong wala ako matatagpuan na ganun. Sabay subo ng Chippy - Sam

"Wag ka muna magsalita ng tapos. Malay mo nasa harap mo na siya. Hindi mo lang nakikita. - Carlo

"Hahahahahaha. Wala ako pakielam kung nasa harap ko man siya. Basta. Hindi ako magboboyfriend at sigurado kong hindi ako magmamahal ng Lalake. Tapos ang usapan. - Sam

Talagang buo ang loob nya. Talagang ayaw nya magboyfriend. Talagang Man Hater na ang babae na to.

"Tara uwi na tayo? Hatid na kita. - Carlo

"Hindi. Wag na. Ayokong isipin mo na inaabuso kita. Kaya kong umuwi mag isa. May paa ako. - Pagtataray ni Sam

"Delikado na kase na umuwi ka mag isa. Baka mapano kapa. Ako ang huling nakita na kasama mo. Baka marape ka. ako pa masisi- Carlo

"K! Pero hanggang sa Gate kalang ha? Wag kang papasok sa bahay. - Sam

"Para naman ginagawa mo akong magnanakaw eh. Kunot noo- Carlo

"Kung hindi ka payag sa gusto ko. Wag mo na ako ihatid. - Sam

"Okay. Okay. Tara na? - Carlo

Dito na kame sa labas ng Bahay nila. Talaga g hindi nya ako pinapasok sa loob. Grabe talaga tong babae na to eh. Aalis na sana ako biglang nagbukas ang gate nila.

"Oh andito kana pala anak? Sino ba yang kasama mo? Boyfriend mo? -

" Hindi ah. Wag ka nga magsalita ng ganyan Ma. Sabi ko naman sayo hindi ako magboboyfriend kase sakin lang ng ulo yun. - Sam

"Classmate nya lang po ako, Hinatid ko lang po siya. Sige pi mauna napo ako. Sige Sam uwi na ako. Byeee. - Carlo

"Kanina pa dapat eh, Pero salamat sa paghatid. - Sam

Tuluyan na ako umalis . Grabe. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. May saya ako na nararamdaman. Nangingit ako mag isa. Baliw naba ako? hindi. Wala to. Wala. .....

Thankyouuuu sa pagsubaybay sa kwento ko. Hahahahaha. Bitin ba? 2 kase book ginagawa ko. Basahin nyo rin yung isa kong kwento "The More You Hate The More You Love" Kung nagustuhan nyo tong kwento na to, Siguradong magugustuhan nyo din yun. Salamat. Spreaaad The Love. Xoxo. 💕
"ChuchuGirl!💕💋✌️😊☺️😘

THE MAN HATER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon