Jaira's POV
7:15 am. at Benaline School
"Hi Jai." bati sa akin ng magbarkada na may malaking ngiti. "Hi mga tol." sabi ko naman.
"May nag-aaya ng pustahan mamaya. Sali ka sa amin ha. Magaling ka naman eh." sabi ni Eman. "Oo nga Jai. Sali ka ah. Iintayin ka namin sa Basketball court ha. 5:30 pm." sabi naman ni Tyrone. Sabay takbo kasama si Eman.
"Una na kami Jai ahh. Iintayin ka namin!!!" pahabol na sabi ni Tyrone.
"PAANO PA AKO MAKAKATANGGI, EH TUMATAKBO NA KAYO??!! mga kumag na'to, masyadong mautak." pahabol kong sabi sa kanila.
"Hi Jaira Stella Larnea."Sabi ng baliw na babaeng pinipilit akong mag-skirt ng 4 inches above the knee. "Diba sinabi ko nang iadjust mo ang skirt mo. Itaas mo naman ng konti."sabi niya sabay roll ng eyes.
"Bakit ba? eh parehas lang naman yang skirt." rason ko naman. Ayaw ko talaga eh. Napakaiksi na nun para sa akin. Kaya nga Below the knee ang pinapatahi ko kay nanay eh.
"Tss. What a reason poor Jaira Stella Larnea."sabi niya sabay irap ulet. Di ko nalang pinansin.
Siya ang bestfriend kong pilit akong pinagmumukha at pinakikilos babae. She's Alexandra Mae Era, isang dakilang Fashionista, Sexy, yung tipong kahit sinong lalake eh lilingonin ang kagandahan niya. Unlike me, Isa lang akong simpleng babae na may simpleng pangarap at yun ay ang... may lalakeng handang tanggapin kung sino at ano ako. nakss ang drama mo Jai. Pag magkasama nga kami ni Xandra, mukha lang akong katulong.
"Hoy Jaira Stella.!!"sabi ni Xandra. "Ikaw, kanina ko pa napapansin na inuulit ulit mo yung Stella sa name ko. Pwede namang Jaira nalang." ako.
"Huh! Buti napansin mo. Ano 'tong narinig ko na makikipagpustahan ka mamaya. Tumigil tigil ka ha. 4th year na tayo at sa tagal nating magbestfriend di pa rin kita napipilit na maging babae. As in literal na BABAE yung kilos, pananalita at kung ano pa mang related sa pagiging babae na wala sayo." sabi niya.
"Sus! bestfriend naman kita diba.?" sabi ko sabay yakap sa braso niya.
"Ano naman?!"nagtatakang tanong niya.
"Susuportahan mo naman ako sa simpleng PANGARAP ko diba?!"
^___^- ako
-___- - siya
"Hayy! Okay. Let's have a deal." sabi niya ng may nakakalokong ngiti.
"Okay. Mamaya mo nalang sabihin sa akin. Male-late na tayo eh."
Magkaklase kami ah, at take note, Laging nakareserve sa pinakahulihan ang upuan namin.
*-*-*-*-*-*-*-
Tapos na ang lesson ng umaga. Nasa daan na ako, naglalakad papunta sa Basketball court kasama si Xandra. 4:35 pm na. Gusto niya daw makita ang pagkatalo ko sa pustahan namin.
At syempre di naman ako papayag noh. Gusto niyo malaman ang pustahan namin? Mamaya nalang kasi sigurado naman ako na mananalo ako eh. Ako pa ba?
"Hi tol." Tyrone yan. Binatukan naman siya ni Xandra.
"Aray naman Mae. Binati ko lang naman siya eh." Binatukan naman ulit siya ni Xandra.
Kawawang Tyrone tsktsk
"Eh hindi lang naman yun eh. Bakit di kayo pumasok ni Eman kanina. First day of school kaya. Mga wala talagang pinagbago. Pare-parehas kayo nila Eman at Jai. MGA WALANG PINAGBAGO.!!" Xandra na nag-eemote. If I know magpapasalamat lang yan kay Tyrone at Eman dahil nagkameron kami ng pustahan.
"Kyaaahhh! thank you sa inyong dalawa." Xandra, sabay yakap sa dalawa. "WALA KA DIN NAMANG PINAGBAGO EH!!!" kaming tatlo yan.
"What?! What do you mean na wala talaga akong pinagbago? Dahil maganda pa rin ako o dahil sexy pa rin?"sabi niya sabay ngiti na sobrang laki.
"HINDI KA PA RIN NAGBABAGO SA PAGIGING BALIW MO!!" kami ulit tatlo. Sabay tawa at ito namang si Xandra ay nahihiya na ewan.
"Oh andito na pala ang kapustahan natin eh."Eman
"Ano game na. Magkano ang pusta?"Tyrone
"250 per head." lalaking hindi ko alam kung saan nag-aaral. Tiningnan ko silang tatlo. Lahat sila gwapo, matangkad at malaki ang katawan.
"Hmm? Miss? ano payag ka ba? 250 per head?" Boy1
"hmm? ahh o-oo. Ayos ako dun." Bakit ba ako nauutal?
Nagsimula na ang laban. Masyadong dikit ang laban 4th quarter na 3 min. and 45 sec. nalang ang natitira. Score 70-71 kami ang 71, syempre di ako pwedeng matalo. Promise pagsisisihan ko talaga pag natalo kami. Dalawa kasi ang kapustahan ko. Okay lang sana matalo ako sa pustahan namin ng mga taga-ibang school. Kaso yung pustahan namin ni Xandra, hindi ko tanggap.
Score 90-89 :( bakit natalo ako. Hindi pwede. Bakit ba kasi ang ga-gwapo ng mga kalaban namin lalo na yung John Joseph. Syempre kahit may pagka-boyish ako marunong din naman akong tumingin kung gwapo o hindi.
"Hey Jaira Stella. Don't forget our deal. yeeeyy!! I won. Be Ready for the new Jaira Stella Larnea. See yah tomorrow girl." she winked at me before she walk fast in the other direction.
WHAATTT??! DI KO MATATANGGAP ANG PUSTAHAN NAMIN NI XANDRA. BAKIT BA KASI AKO PUMAYAG NA AAYUSAN AKO SIMULA ULO HANGGANG PAA? DI KO KAYA YUN...sana pala di nalang ako pumayag. Di ko naman alam na magagaling pala yung kalaban namin :<
[a/n: Umaga lang po ang pasok nila. Half day.]
Hey guyss !! sorry for my Lame chapter. Sorry talaga.
BINABASA MO ANG
When Boyish Learn To Love?
RandomAng sarap pala sa pakiramdam na Mahalin ka din ng taong mahal mo noh! Yung tipong kahit ano ka pa, tatanggapin ka niya. Kahit pa ilang beses sabihin ng ibang tao na 'BOYISH' ka. Tatanggapin at mamahalin ka pa rin niya. Ang saya sa pakiramdam .. Hop...