Jaira's POV
Nasa Cafeteria kami ni Xandra ngayon, kumakain ng Carbonara. Tahimik lang ako habang tinititigan si Xandra na ngayon ay walang tigil sa pagtetext.
'Hayst! Siguro katext na niya yun-..' Jaira ano bang pinagsasabi mo? Nagulat ako ng biglang nagsalita si Xandra.
"Ano.. ahm. Jaira, alis muna ako ha. May pupuntahan lang ako." Sabi niya habang papaalis na.
Grabe di man lang ako hinintay pumayag. 'Saan kaya siya pupunta?'
"KITA NALANG TAYO SA MALL !!! 5:30 PM. HIHINTAYIN KITA DUN !! OKAY?!!" Pahabol na sabi ni Xandra. Ano pa bang magagawa ko?
Tinext ko nalang siya
'Okay'
-*-*-*-*-*-*-*-
Nasa room ako ngayon at iniintay matapos ang klase. Ang tagal nga matapos eh. Kakainis ><
Nag-ring na ang bell. Meaning dismiss na kami. Yehey!!
"Okay, class dismiss"
Umuwi muna ako para makapagpaligo at makapagpahinga.
Pagkarating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Maaga pa naman eh, matutulog muna ako.
Nai-stress ako. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga ngiti kanina ni Xandra. Dagdag pa na hiningi ni Jajo(tawag ko sa kanya para di ako mapagod pagtatawagin ko pangalan nya) yung number niya kagabi. Hayst ! -.-
"Bakit ba di mawala sa isip ko si John Joseph?"
Nagising ako ng 4:45 PM.
Nakatulog pala ako kakaisip dun sa tanong ko na hindi ko malaman ang sagot.
[A/N: Sensya na kung magulo, Magulo ang utak ni Author eh. Letse kasing dimple yan. Di mawala sa isip ko.]
[Anong connect ?? Titig pa kasi. Yan tuloy. Tapos inamin pa kay Pareng D na Cute yung dimple.]
[Tumigil ka nga Jai. Hindi ko ituloy story mo eh. Tsaka secret lang natin yun.]
[Joke lang naman, miss author. Ituloy mo na. Eksena ka eh.]
[Tse -.-]
Okay POV ko na ulet. Kasi si miss Author eh. Inaabot nanaman ng kabaliwan.
5:10 PM.
Nandito na ako sa Mall, Nakaupo sa food court habang kumakain ng Spaghetti, burger at fries with sprite.
Ang tagal dumating ni Xandra eh.
Maitext nga muna.
To: Xandra
'Andito na ako. Asan ka na?'
From: Xandra
'Andito na, hinahanap ka'
To: Xandra
'Andito ako sa Jollibee. Nagutom kasi ako kakahintay eh'
From: Xandra
'Okay. Malapit na ako'
Pagkabasa ko palang ng message niya ay nakita ko na siya.
"Hi :)" masiglang bati niya.
"Hello"
"Bakit ganyan nanaman ang porma mo? Kaya nga kita pinaayusan at binilihan ng dress, doll shoes at iba pang sexy outfit para hindi ka mag-mukhang Tibo eh."
"Ayos naman ah. Hindi ko kasi kaya na magsuot ng ganun." Nakasuot kasi ako ngayon ng Simpleng v-neck shirt na color light blue, pants na white at converse na black. Ang ganda kaya ng porma ko. Si Xandra kasi naka-dress na color yellow kaya lalong lumitaw ang kaputian nya tapos naka-hills na kung tatantyahin ay 4 inches.
"Haay!! Ano pa bang magagawa ko? Okay na din pala yan, sexy pa rin naman tingnan eh."
Namasyal kami sa mall, may hihintayin daw siya eh.
"Ayan na pala si Tyrone eh." Sabi ni Xandra, sabay hila sa akin.
"Oh? Bakit nandito ka?" Tanong ko
"May usapan kami kanina ni Mae eh. Di ba Mae?" Sabi ni Tyrone sabay akbay kay Xandra. Namula naman ang mukha ni Xandra dahil sa hindi ko malaman na dahilan.
Naguguluhan ako, ano bang meron sa kanila?
Hayaan na nga :/
"Tara na. Kain tayo sa ***** restaurant. Yung bagong bukas last week." Tyrone
"Okay" sabay naming sabi ni Xandra.
-*-*-*-*-*-*-
"Ahhmm. Jai, punta lang ako sa rest room ah" paalam ni Xandra
"Samahan na kita."Tyrone
"Hephep. Anong samahan?"Sabi ko. parang mali kasi yung term eh.
"Sasamahan ko lang. Sa labas lang naman ako eh."
"Mabuti nang nagkakalinawan tayo. Sige na. Dalian niyo lang ha. Tyrone, umayos ka, hanggang labas ka lang." Sabi ko, sabay subo ulet ng steak. Ang sarap nga ng pagkain.
Nakita ko yung cellphone ni Xandra sa lamesa. Naisip ko kung ano ang pinag-usapan nila ni Jajo. Kaya kinuha ko yung phone niya at inopen yung inbox. Wala akong nakitang ibang pangalan, kundi Tryone ♡ 'ano kaya ang meron sa dalawang yun? Nacu-curious na ako.'
Sunod kong in-open ay yung phonebook. Hinanap ko yung number ni Jajo. At di ako nagkamali, may number nga siya ni Jajo. Kinuha ko yung number niya tsaka ko ibinalik yung phone ni Xandra sa lamesa. Kaso sakto naman na dumating sila Xandra.
'Hala, baka nakita ako ni Xandra na pinakialaman ko yung phone niya.'
"Let's Go?" Aya sa akin ni Xandra.
'Hays ! Sana hindi niya ako nakita.'
Pagkatapos mamili ni Xandra ng damit 'NAMIN' ay umuwi na kami.
-*-*-*-*-*-*-*-
Mag-e-eleven na pero di parin ako makatulog, kaya kinuha ko nalang yung phone ko at inopen yung message.
'Write a message' tinype ko yung kanina pa gumugulo sa isip ko.
'Ano kaya ang meron sa kanila? Tsaka bakit kaya di maalis sa isip ko si Jajo? Di ko na alam ang nararamdaman ko!'
Send to John Joseph 10:59 PM.
Sh*t wrong send. Bakit sa kanya? Ang tanga ko. Dalawa na nga lang ang letter J sa phonebook ko tapos sa kanya pa nasend. Dapat sa number ko yun ise-send eh. Bakit di ko napansin na John pala yun at hindi Jaira?? Ahhh, ang Tanga. Dapat sa memo ko nalang tinype.
Sana hindi ko nalang kinuha yung number niya. Ang pasaway ko kasi.
'From John Joseph' 11:03 PM.
Pabitin effect !!
Secret muna kung ano yung sinabi ni Jajo. Btw, sorry if matagal akong di nakapag-update. Super busy sa pag-aaral eh. Sabay-sabay ba naman kung magbigay ng gawain. Tapos nakikisabay pa si Pareng Dimple :)
Hahahaha XD-ARMY_STARLIGHT13
BINABASA MO ANG
When Boyish Learn To Love?
RandomAng sarap pala sa pakiramdam na Mahalin ka din ng taong mahal mo noh! Yung tipong kahit ano ka pa, tatanggapin ka niya. Kahit pa ilang beses sabihin ng ibang tao na 'BOYISH' ka. Tatanggapin at mamahalin ka pa rin niya. Ang saya sa pakiramdam .. Hop...