Chapter 3- CRUSH??

33 4 0
                                    

Jaira's POV

Hayss!! Panibagong umaga nanaman. Nakakatamad pumasok. Pero dahil masipag ako, gumayak nalang ako at pumasok.

*-*-*-

"Hi Jaira." Ngiting-ngiti na bati ni Xandra.

Hindi ko siya pinansin dahil 'kunwari ay nagtatampo ako'. Hahaha xD

"HOY!!! STELLA!!!" Siya. Hahaha ang cute talaga niya pag naiirita.

"Jaira Stella Larnea!! Wag ka magtampo di bagay tsaka kahit anong gawin mo di pa rin ako magi-guilty sa pagme-make over ko sayo dahil kasali yun sa deal natin.!!" Dire-diretso niyang sabi.

"Tingnan mo naman kasi itong skirt ko."sabi ko sabay turo sa skirt ko.

"Oh?! Anong problema ??" Siya. "Ganyan naman talaga ang proper uniform ng BABAE dito."dugtong niya.

"Kahit na!! Tapos tingnan mo pa'tong buhok ko. Kulot na. Ayos na yung dati eh. Mas madaling talian. Etong buhok ko hindi na nga maipitan ang hirap pang suklayin." Reklamo ko. At oo pinakulot ako ng babaeng nasa harapan ko. Akala ko uuwi na kami, di pa pala. Dumiretso pa kami sa ibang salon at dun pinag-expirimentohan ang buhok ko.

"Ang ganda mo kaya, kahit di halata."siya. -.- puri ba yon o lait??

"Hi Mae!!" Base sa tawag kay Xandra alam kong si Tyrone iyon. "Whooaaa!!! Sino naman tong kasama mo??"loko talaga to.

Binatukan naman siya ni Xandra.

"ARAYY!! Bakit ba?"Tyrone.

"Hindi mo siya kilala??! Grabee!! Stella nililimutan ka ni Tyrone ohh.." Xandra said with hand gesture pa.

"Si Jai yan? Whooa! Mas maganda ka pala tol pag naayusan" react naman ni Eman na katabi ni Tyrone. Si Tyrone ayun, nakanganga. As in literal na nganga. Parang mangha na mangha sa nakikita niya. Parang Adik lang diba.

"Hoy tol!! Tulala ka? Si Xandra lang naman ang may gusto nito eh at Hindi na pala ako makakasali sa paglalaro ng basketball."

Parehas naman si Tyrone at Eman na nabigla sa sinabi ko.

"BAKIT??" Sabay nilang tanong.

"Sisihin niyo yan si Xandra." Sabi ko sabay alis. Bahala na sila dun.

-*-*-*-

4:39 pm

Nasa park ako at nakaupo sa isang swing. Walang magawa sa bahay eh kaya naglakad-lakad na muna ako. Andami kong nakikita na magsyota. Haysss!! Kelan kaya darating yung para sa akin, yung tanggap kung sino ako.

Pag lingon ko sa may bandang kaliwa, nakita ko si Joseph, kasama niya ulit yung babae kahapon. Napalingon siya sa pwesto ko, ako naman ay napaiwas ng tingin. Nakakakaba naman, makaalis na nga lang. Tatayo na sana ako kaso lang ay may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Ahh. Diba ikaw yung nakalaro namin. Ako nga pala si John Joseph Aguilar." Ani nya habang nakangiti.

"A-a-hh Jai. Jaira Larnea." Ako sabay bigay ng pilit na ngiti. Ang Awkward kaya. Dagdag mo pa yung abnormal kong pakiramdm.

"Ah sige una na ako."

"Wait-!! May itatanong lang ako."

"Ano yun?"

"Hmmm. Diba kilala ko si Alexandra Mae?"
Paano naman nasali si Xandra dito?

"Oo bakit? Bestfriend ko siya."ako. Kinakabahan ako ah.

"Ahhh. Pwede ko bang mahingi ang number niya?" Siya.

Bakit parang nadismaya ako sa narinig ko? May gusto ba siya kay Xandra? Crush niya ba? Bakit ganito ang pakiramdam ko?

"Ahh. Okay lang kung ayaw mo--?"siya

"Hindi, okay lang." Putol ko sa sinasabi niya. Binigay ko ang number ni Xandra at umuwi na ako.

Nakakainis naman. Paano ba kasi maging kilos babae?? Bakit ko binigay number ni xandra? Bakit ganto ako? Bakit kelangan kong magbago para sa iba? Hays. Ako ba talaga ang nagtatanong ng mga bagay na yun??

Sorry ang Lame =) kasi naman eh. Nakakastress ang mga lesson namin. 2 linggo pa lang namamayat na ako. Haha just kidding. Pero totoo namamayat daw ako. :*

When Boyish Learn To Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon