Chapter 2- MAKE OVER

54 5 0
                                    

Jaira's POV

Madaling araw na pero,

Hindi parin ako makatulog dahil sa pustahan namin ni Xandra. Lintik naman kasi eh. Dapat talaga di na ako pumayag. Haist! Kasalanan nila Eman at Tyrone. Tama, sila ang kukutusan ko bukas.

At Cafeteria

"Hello ... Stella, kanina pa kita kinakausap oh. Uso ang sumagot paminsan minsan."

"Bakit naman ako makikinig sa mga pinagsasabi mo?" tungkol naman kasi sa gagawin sa akin mamaya. Sino ba naman ang matutuwa diba?

"Sinasabi ko sayo 'to para di ka mabigla."siya.

"Xandra, kahit ano gagawin ko. Wag lang yung lalagyan ako ng pintura sa mukha tapos mga damit na kita na ang kaluluwa ko. Please lang Xandra." Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero ang lokong Xandra eh ngumiti lang na parang sinasabi na 'ayoko nga. Bleh :P'

Sana po Lord di na dumating ang hapon. Sana po diretso gabi na po. Promise po, magiging magalang at mabait na po ako tapos susubukan ko po na bawasan ang pagkikilos lalaki. Wag lang pong pagekspirimentuhan ang mukha ko at wag po sana akong pagdamitin ng maiksi.

"Ayoko Xandra. Di ako sasama mamaya. A.YO.KO!!" Di ko talaga matatanggap.

"Ano ka ba. Deal is a deal. Remember?" Sabi nya sabay ngisi.

"Lubayan mo ako! Letse ka, wag mo na akong idamay sa mga gusto mong gawin sa katawan mo"

bakit ba kasi ako pumayag sa pesteng pustahan na yan. Letse talaga!><"

"Hoy, Stella. Ayusin mo nga yang mga pananalita mo. Simula ngayon, bawal ka nang magsalita ng mga salitang kalye. NAIINTINDIHAN MO BA!??"

"O-oo na po."

2:30 pm. Mababakas sa mukha ko ang pagkadismaya. Kasi naman eh. Di talaga ako nilubayan ni Xandra. Nandito kami ngayon sa mall at papunta na kami sa salon. Gusto ko nang magback out.

Kinakausap na ni Xandra ang babae na mag-aayos sa akin. Ayoko na talaga.

"Hi ma'am, good afternoon po."bati ni babaeng mag-aayos sa akin habang nakangiti. Aba masaya pa siya ah.

"Hello hehe." Bati ko naman
"Uwi na tayo Xandra."bulong ko.

"Miss pagandahin mo siya ahh. Gusto ko pagbalik ko hindi ko siya makikilala."Xandra.

Kung gusto niyang di niya ako makilala, handa naman akong iuntog siya sa sahig o pader eh. Kung gusto niya banggaan ko nalang siya.

"Geh, Jai. Babalik ako around 5. Wag ka magwawala ha." Siya sabay kindat.

"Dito po tayo ma'am." Naiimbyerna na ako sa pagtawag niya sa akin na 'MA'AM' ah. Kung di lang ako mabait. Naku!

--

"ARRAAAYY!! Ate, ang sakit naman. Bakit ba kailangan tanggalin ang mga balahibo ko sa binti at braso?" Ang sakit talaga. Humanda ka sa akin Stella.

"ARAYYY!!"sigaw ko ulet.

"Sorry po ma'am" si ate 1. Grabe, madami ba talagang kailangan mag-ayos sa akin?

"Ate, pwede bang wag mo nalang ako lagyan ng make up?"tanong ko. "Hindi po pwede eh. Kasama po yun sa binayaran ni ma'am Alexandra."ate 2.

"Ate, wag mo nalang bawasan yung kilay ko."

"Ma'am-"ate 1 "Jaira nalang po."ako. Kanina pa kasi siya 'Ma'am ng ma'am' nakakaasiwa.

At yun na nga, binawasan pa rin nila ang kilay ko. Grabee torture na torture ako dito. Tinanggalan na nga nila ng balahibo tapos binawasan pa nila ang kilay ko tapos nilagyan pa ng pintura ang mukha ko.. infairness ang ganda ko pala.

Nandito ako ngayon sa mahabang sofa sa loob ng salon. Iniintay ang magaling kong bestfriend.

--

"OH-EMM-GEE" xandra

"Salamat naman at dumating ka-"
di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong niyakap.

"Ang ganda mo friend." Sabi nya na halata ang paghanga sa bagong itsura ko sabay abot niya sa akin ang mga bitbit niyang paperbag. Puro dress, skirt, maiksing short, sando, sandals at MAKE UP KIT. Napangiwi ako sa nakikita ko. Wala man lang ba siyang biniling jersey o kaya pantalon o t-shirt. Di ko naman kayang suotin yan eh.

"etong short na'to at itong sando ang isukat mo. Dali!" Sabi niya sabay tulak sa akin sa loob ng dressing room.

"Xandra, di ko'to kayang isuot."reklamo ko.

"Isuot mo yan. Kundi bra at panty lang ang susuotin mo palabas ng mall." Pananakot naman nya. At sinuot ko na nga ang short at sando na binigay niya. Paglabas ko lahat nakatulala at nakatingin lang sa akin. Pilit ko pang ibinababa ang shortshort na suot ko nagbabakasaling matakpan ang legas ko.
Nagsnap ako ng dalawang beses at parang natauhan naman sila. Okay? Anong meron?

"Oh mag doll shoes ka."

"Di ba pwedeng Rubber shoes nalang?"tanong ko. Diba bagay din naman yun?

"Hindi pwede."Xandra

"AYAANNN!! tara na. Mag si-six palang naman eh."Masayang bati niya.

Naglalakad kami ng mapansin ko ang lalakeng makakasalubong namin, siya yung nakalaban namin ng basketball. May kasama siya na magandang babae, kaparehas siya ni Xandra na pag tiningnan mo ay hahabulin mo ng tingin. Napatingin sa akin si Joseph kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ganito? Bakit ang gwapo niya sa suot niya?

Nang makasalubong namin sila ay napatingin ako ulit sa kanya kaso nagulat ako kasi ang lapit ko sa kanya at nakatingin pa din siya sa akin. Umiwas nalang ako ulit ng tingin at nagmadaling naglakad para mahabol si Xandra. Nahihirapan akong huminga pakiramdan ko tumakbo ako ng 10 kilometro.

"Ang bilis mo naman maglakad." Sabi ko kay Xandra. "Huh?! Akala ko kasabay lang kita? Kanina pa ako salita ng salita tapos wala naman pala akong kausap." Siya. Kasalanan ko ba yun?

"Tara na uwi na tayo. Nahihirapan na akong huminga dahil sa suot ko." Ako sabay hila kay Xandra. "Pero sando naman yan--"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at hinila ko nalang siya.

Sana iba ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kahit ganto ako kumilos at manamit. Alam ko sa sarili ko na babae ako. Di nga lang ako pinapaniwalaan ni Xandra.

Sorry kung ang sabaw ng chapter na ito. Sorry po talagaWala maisip eh.

When Boyish Learn To Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon