Mission 7: Miguel... BROMANCE!?

42 0 0
                                    

CLAUDIA'S POV



"L*ch* ka, lalake ka! Nanadya ka talaga noh?!" I was furious when I entered Clyde's room at hinagis ko sa kanya ang dala-dala kong tsinelas. Naka-iwas naman sya. Napatawa naman sya ng malakas!


Pak na pak talaga! Sarap i-wrestling ng isang ito!


"S-sorry, Claui! Haha! Gusto ko lang kasi makita reaction mo! Aysos! Gusto mo naman yung tao!" he said in between his laughs.


L*ch* talaga!


"Hindi ko sya gusto! Kaya huwag mo ng ulitin!" sabi ko naman sa kanya.


"Depende." aba't!


"Eh sa nagpipigil ka lang naman eh..." dagdag pa nya at unti-unti ng nawawala ang kanyang tawa.


Naging seryoso ako.


"Bakit? Masama bang magpigil?" seryoso ko namang tanong sa kanya.


Nagpipigil naman talaga kasi ako... Ayoko munang main-love. Lalong-lalo na't may mission pa ako. I don't wanna ruin my plans.


"Ewan ko sayo, Claui." nagbuntong-hininga nalang si Clyde at humiga nalang sa bed nya.


"But I still want you in my band." dagdag pa nya at nag-smirk.


"Okay." walang gana kong sagot. What the paking teyp!


"Ano? Talaga?!" napabangon kaagad si Clyde at kitang-kita ko talaga ang galak sa mukha nya.


Matagal na kasi nya akong kinukulit na sumali dyan sa banda nya. Eh sa ayaw ko nga eh kasi busy ako! Tignan tuloy... Napa-oo ako. -_-


"N-no way!"


"Hindi! Nag-OKAY ka na! At diba nagsumpa ka na kapag na-okay ka, na sinadya o hindi sinadya, sasali ka. Nag-promise ka!"


"Ahh! God! Cly! You're so full of kahanginan. Alam mo yun?!" sabi ko sa kanya at nagdadabog palabas ng kwarto nya.


"Practice bukas! Maghanda ka ng kanta!" pahabol pa ni Clyde ng maisara ko na ang pinto.


Nakakaimbyerna naman! May mamalas pa ba sa sitwasyon ko? Eh ——


Bigla namang tumunog ang iPhone ko and when I checked it... Tumatawag pala si Jack. I answered it.


"Hello, Jack? Bakit ka napatawag? Wala ako sa mood." mataray kong sabi sa kanya. Napatawa nalang si Jack.


Mission AbortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon