Mission 3: Date

27 0 0
                                    

SEVEN'S POV



I'm Seven Xenon Ruther, ikalawa sa mga anak ng mga Ruther. Actually, Daddy ko nalang ang kasama namin dahil namatay si Mommy pagkatapos niya akong ipinanganak. Pa minsan-minsan nga, na gui-guilty ako.. Feeling ko kasi, ako ang may kasalanan...


Anyway, nangdito ako ngayon sa Mall. Kasama si Claudia. Model ng Bench tong kasama ko ngayon ha, tsaka napaka-sikat kaya ng pamilya niya dito sa Pilipinas.


Kaya lang... Kanina... When our eyes met, ewan ko! I think I saw those eyes before...


"Claudia, bakit nga pala hindi tumakbo yung isang lalake kanina? Yung dalawa kasi, parang nakakita ng Dragon nung dumating ka." sabi ko sa kanya. Nagulat kasi ako kanina, ano ba tong si Claudia? Amazona?


"Ahhh... Yun ba? Takot kasi sa akin yung dalawa... Si Kit, hindi..." sagot naman niya. 


"Kit ba ang pangalan ng lalakeng hindi tumakbo?"


"Oo."


"Bakit hindi siya tumakbo? Bakit hindi siya takot sayo?"


"Sa maniwala ka at sa hindi, galit sa akin yung lalakeng yun.. Ewan ko kung bakit! Wala naman akong ginawang masama sa kanya." sagot naman nya at naglayo ng tingin sa akin. Parang may iniisip...


"Seven, mag timezone tayo!" ang bilis namang mag change topic na babaeng toh!


"Sige ba!" sagot ko namans sa kanya.


Marami kaming nilaro. Mukhang nag e-enjoy talaga si Claudia. Ako din naman eh, kasi never pa akong pumunta ng Mall na babae ang kasama. Never nga akong nag-yaya ng babae eh! As in, NEVER! Ewan ko nga kung bakit niyaya ko siya kanina eh! Para tuloy kaming nag de-date.


"Oy, tignan mo nga silang dalawa oh. Cute nila noh? Ang gwapo nung guy, ang ganda din ng girl!"


"Kilala ko yang babae ah! Diba... Siya yung model ng Bench?


"Huwag nalang natin silang istorbuhin."


"Pa-picture tayo, dali!"


"Huwag na! Nakakahiya!"


"Ang KJ mo naman, Ate!"


Napalingon ako dun sa mga babaeng nag chi-chisman, buti nalang at umalis na sila.


"Pasalamat ka at maganda ang kasama mo." narinig kong sabi ni Claudia. I chuckled.


"Kapal." sagot ko naman sa kanya at nagtawanan kaming dalawa.


"Tara, kumain tayo ng ice cream dun sa Mochiko!" pag-aya niya sa akin.

Mission AbortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon