Mission 8: Family

52 0 0
                                    

CLAUDIA'S POV


*KROOOOO*

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa likod ko.

I.JUST.LAUGHED.

"H-hoy! Bakit ka tumatawa? Baliw ka na ba?" naka-kunot noong sabi ni Diego habang hawak-hawak ang tiyan nya.

I folded my arms.

"Excuse me... Narinig ko kaya yang tiyan mo! Gutom ka na? Yan kasi ang napapala sa mga stalker KO." pagbibiro ko sa kanya at tumawa na naman.

"H-hindi ako gutom! Tsaka anong stalker-stalker ka dyan!? Huwag ka ngang feeling! Iuwi mo na nga ako!" sagot lang nya sa akin at nagsimula ng maglakad. Tignan nyo nga ito! Umuna pang maglakad!

Sinundan ko nalang sya at tumatawa pa din. HAHAHAHAHA.

Nang makarating na kami sa kotse ko, agad kong inilagay sa back seat ang bagong bili kong phone at pumunta na sa driver's seat. Si Diego naman, naka-upo na sa front seat.

Tinignan ko muna sya, bago ako nagmaneho.

"Sigurado kang ayaw mong kumain?" naka-taas kilay kong tanong sa kanya.

"Hindi nga sabi. Iuwi mo na ako." sagot lang nya na hindi tumitingin sa akin.

Ano ba itong lalakeng ito! Ang bilis mag change ng mood!

Hindi nalang ako kumibo pa at nagmaneho nalang.

*KROOOOO*

Napatigil ako sa pagmamaneho ng marinig ko na namang nagreklamo ang tiyan ni Diego.

Tinignan ko sya. This time, hindi na ako tumawa.

"Alam mo, gutom na din ako." sabi ko sa kanya.

"Iuwi---"

"No buts! May alam akong masarap na nagtitinda ng barbecue." pinutol ko na ang sasabihin nya at nagsimula na naman akong magmaneho.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho. Si Diego naman, tahimik lang. Ano bang nangyari sa hinayupak na toh?

Pumarada ako sa harap ng barbecuehan ni Aling Pasing. Lumabas nadin kami ni Diego sa kotse at lumapit na sa barbecuehan.

"Dominique? Nako! Dominique! Napabisita ka!" isang babae ang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nasa mid-30's na sya.

"Na miss din kita, Aling Pasing!" sabi ko kay Aling Pasing at niyakap ko din sya ng mahigpit.

Oo nga pala.

Kumawala ako sa pagkakayakap kay Aling Pasing at tumingin ako kay Diego.

"Ah, Aling Pasing. Si Diego nga po pala. Diego, si Aling Pasing." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hello po. Magandang gabi." sabi ni Diego na nakangiti. Aba! Ang bilis naman mag-iba ng mood!

"Magandang gabi din, Hijo. Nililigawan mo ba tong Dominique ko?" nakangiti ding sagot ni Aling Pasing. Namula ako sa sinabi nya. -_-

"Ah, Aling Pasing! Nako! Kayo po talaga! Di ko sya mangliligaw! Kaibigan ko lang po sya." ako na ang sumagot.

"Ah, ganun ba? Akala ko kasi... Nako, sayang! Gwapo pa naman!" sagot naman nya. Itong namang si Diego, ngiti lang ng ngiti. Sinamaan ko sya ng tingin.

Mas gwapo si Seven.

"Oh, sya nga pala, anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Aling Pasing.

Mission AbortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon