Iniiwas ko ang aking mga mata nang makita ko kung paano dumikit ang labi ng babaeng haliparot na ito sa asawa ko.
Well, hindi naman na bago para sa akin ang makakita nang ganitong eksena, iba-ibang babae kada araw, minsan, oras lang ang pagitan. Kahit na sabihin kong hindi na bago ang ganitong tagpo ay hindi ko parin maiwasang hindi masaktan. Pero siyempre, unlike before nung unang beses kong makakita nang ganito, sobrang sakit. Pero ngayon? Hindi na siya gaano masakit, pero masakit pa rin.
Nakita kong tinignan ni Lexther ang kanyang kanang kamay kung nasaan ang kanyang relo at umarteng parang inaantok na gawa ng kahayupang ginagawa nila ng babae niya, pero deep inside, alam kong nagsawa na ito sa babaeng kasama niya kaya ganon ang inaarte niya ngayon. Pero mas nag init ang ulo ko nang makita ko kung paano humabol ng halik ang babaeng higad na yon sa labi ng asawa ko bago siya umalis. Grabe na talaga ang mga babae ngayon, handang ipagalaw ang katawan makamit lamang ang inaasam na kasiyahan at init ng katawan.
"Alex, nandiyan ka pala!" Ani ni manang nang makita niya akong nakatayo sa gilid ng aming ref sa may kusina. Halata sa kanya na kakabangon lang mula sa pagkakahiga, marahil ay naramdaman niyang kakarating ko lang dito sa bahay. "Bakit ngayon ka lang, kanina pa kita hinihintay at kanina pa ako nag aalala sa iyong bata ka." Sabi ni manang Teresita habang papalapit sa akin at dumiretso sa water heater upang mag painit ng tubig.
Nginitian ko na lamang si manang at umupo muna sa mataas na upuan dito sa may kusina bago ako sumagot sa kanya. "Manang naman, parang hindi pa kayo nasanay sa nangyayari dito sa bahay. Lagi naman ho ganito ang dinaratnan ko."
"Hindi niyo ba talaga madadaan sa masinsinang pag-uusap iyan, anak? Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak dahil sa ginagawa ng asawa mo." Saad muli ni manang habang binabantayan ang tubig sa water heater namin dahil kabisado na ako ni manang sa ganitong eksena.
Si manang Teresita ay para ko na ring magulang dahil siya ang nagbantay at nagpalaki sa akin habang nasa trabaho sila mama at papa. Sa kanila kasi ipinamahala ng grandparents ko ang businesses nila at mga companies kaya lagi silang wala noon sa bahay.
Bumuntong hininga si manang at saka ako tinapik sa balikat na pinapahiwatig niya na tatagan ko ang loob ko at nariyan lang siya kapag kailangan ko ng yakap ng isang ina o magulang bago siya pumasok sa kanyang silid. May pamilya din si manang sa probinsiya, ewan ko nga bakit hindi niya pa dalhin dito sa siyudad ang kanyang pamilya.
Nagtimpla na muna ako nang gatas gamit ang pinakuluang tubig ni manang bago ako umakyat sa aming silid at magpahinga. Pero naging mabigat ang bawat paghakbang ko papalapit sa aming silid ng aking asawa na si Lexther. Ilang buwan na rin kami magksama sa iisang bahay ni Lexther pero hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng kaba kapag nariyan siya dahil palagi na lamang niya akong sinisigawan, at kung minsan ay sinasaktan ng pisikal.
Pagkapasok ko sa kwarto namin ay hindi ko siya nakita, bagkus ang bumungad sa akin ay ang magulong kama, nasangsang na amoy, at gamit na condom sa sahig. Maya-maya pa ay nakarinig ako nang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo, pahiwatig na naroroon siya at naliligo.
Nilinis ko nalang ang kama at itinapon ang gamit na condom dahil naaasiwa ako roon. Pinalitan ko lahat mula sa punda ng unan at bed sheet namin. Matapos kong palitan lahat ay saktong paglabas niya sa cr. Iniiwas ko ang aking paningin dahil naka tapis lamang siya ng tuwalya at kitang-kita ang ganda ng katawan nito. Pero sadyang ayaw ata sumunod ng sistema ng katawan ko kasi nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Huwag mo nga ako titigan nang ganyan, kadiri kang bakla ka. Kilabutan ka nag sa ginagawa mo. Ay teka, hindi ka nga pala nakakaramdam ng ganon kasi eto naman ang gusto niyo diba? Hayok kayo sa katawan ng lalaki." He rudely said to me while drying his hair using the hair dryer.
Hindi ko na lamang ito pinansin dahil lagi namang ganyan ang trato niya sa akin. Kinuha ko nalang ang aking laptop sa side table ng kama at saka ito binuksan upang tignan ang emails ko if mayroon mang bago.
"Birthday ni Mark bukas, late na ako makakauwi." Sabi ko habang nagche-check ng emails sa aking laptop.
"Then? So what?" Pag react niya sa sinabi ko. Inilapag niya ang tuwalyang ginamit niya sa upuan malapit sa side ng kama kung saan siya naka pwesto kapag matutulog.
"Kung hindi naman importante 'yung sasabihin mo, better not to talk na lang. Sayang lang sa oras ko diyan sa walang kakwenta-kwentang bagay." Dagdag pa niya bago siya humiga sa kama namin.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata. Bakit ko pa nga ba kasi sinabi sa kanya 'yon? As if namang interesado siya sa akin. Baka nga kahit makidnap or mahold up ako ay hindi ito mag-alala, bagkus ay mag celebrate pa ito dahil mawawala na sa landas niya ang isang katulad ko.
Alam kong ito ang magiging kapalit nang kagustuhan kong maikasal sa lalaking pinakamamahal ko. Ayos lang naman sa akin nung simula pa lamang, pero ngayon, hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang itatagal ko. May limitasyon din naman ako at dignidad bilang isang tao. Pero ano magagawa ko, mahal na mahal na mahal ko siya.
Mahal ko si Lexther Vaughn Villaruel, sobra.
At ako naman ang kanyang secret husband, Alexander Zuñiga Pantrillo, or dapat kong sabihin, Alex Zuñiga Pantrillo-Villaruel.
YOU ARE READING
His Secret Husband
RomanceGaano nga ba kahirap para sa isang tao na ipagpilitan ang sarili niya sa taong hindi kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo? Ano nga ba ang maganda sa isang istorya, happy ending, sad ending, or open ending? Kahit na alam na ni Alex na maaari...