"Once na pakasalan mo ako, mararanasan mo ang impyerno!"
Ayan ang eksaktong linya na binitawan ni Lexther sa akin bago kami magpakasal. Hindi na nawala sa isip ko ang salitang iyan mula sa kanya. Nakakatakot, pero hindi ako nag back out sa kasal namin. Para sa kaligayahan ko, ipinagpatuloy ko. Selfish na kung selfish, mahal ko eh, ano magagawa ko?
Sinubukan akong pigilan nila mama at papa, pero dahil nga sa mahal nila ako at nag-iisa nila akong anak ay wala rin silang nagawa kundi payagan ako sa kagustuhan kong maikasal kay Lexther. Anak kasi si Lexther nang matalik na kaibigan nila mama at papa kaya hindi rin naging ganon kahirap ang lahat.
Hindi parin ako nawawalan nang pag-asa na mababago ko pa siya, matututuhan niya rin akong mahalin gaya nang pagmamahal ko sa kanya. Akala ko kasi kapag naikasal na ako sa kanya ay magiging mala fairy tale na ang buhay ko, pero hindi pala ganon iyon. At ngayon nga na pinaparanas niya sa akin ang salitang impyerno, wala akong magawa, kasi in the first place, ginusto ko ito.
Hindi ko masabi sa kanya na nasasaktan na ako. Hindi ko rin masabi sa kanya na kung maaari lang ay wag niya ako saktan emotionally kahit sa loob lamang ng isang araw para naman maghilom ang puso kong pudpod na nang mga sugat, at para narin maihanda ko ang aking sarili sa mga susunod pang magaganap.
Narito ako ngayon sa isang bar sa Maynila. Iwinaksi ko ang lahat ng nasa isip ko at tinignan ang waiter na kanina pa naririto sa tabi ko. "Drinks, Sir?"
"No, thanks." Pag sabi ko rito sa magaan na tono at nginitian ito. Tumango lamang siya at nag asikaso na ng iba pang mga customers.
Ang daming nagsasayaw sa gitna habang malakas ang sound system ng bar. May mangilan-ngilan na nag iinuman lang, mayroong mga naghahalikan, at ang malala, may mga nagme-make out in public. Kinagat ko ang aking labi dahil nagbabadya na naman ang aking mga luha dahil sa katotohanang ganon din ang ginagawa ni Lexther pati na rin ang mga babae nito.
Kasama ko rito sa club sila Mark, Jeanine, at iba pa naming colleagues para icelebrate ang birthday ni Mark. Sila Mark at Jeanine ay nakikisayaw sa mga tao sa gitna habang ako ay nakaupo lang dito at umiinom ng alak.
"May iba pa ba kayong beverages na hindi alcoholic?" Tanong ko sa bartender ng bar. "Meron pong restaurant sa itaas nitong bar, Sir. Doon po maraming beverages na hindi alcoholic such as shakes, juice, tea, and coffee." Sagot nito sa aking nang nakangiti. In fairness, ang gwapo niya kapag ngumingiti.
Iniling ko nalang ang ulo ko sa isiping iyon. Mag hunos dili ka, Alexander! Pero hindi ko maitatanggi na nakahinga ako nang maluwag sa aking narinig mula sa bar tender na mayroong kainan sa itaas nitong bar. Kaya naman dali-dali akong umakyat ng fourth floor, dahil nasa third floor ang bar.
May tugtugan rin dito, pero unlike sa bar na sobrang ingay, dito naman ay sobrang peaceful. May mga estudyante rin na nakatambay dito. Nag tungo ako sa counter ng kainan at umorder ng makakain. Habang hinihintay ko ang pagkain na inorder ko ay nakatanggap ako ng text mula kay manang about kay Lexther nang may mag abot sa akin ng papel na may lamang numero.
"09*********, number ko 'yan. Nakuha mo ba?" Mahina siyang tumatawa habang dinuduro ang cellphone ko. Pero dahil sa gutom na nga rin ako ay hindi na ganon kaganda ang mood ko.
"Ayokong maistorbo, umalis ka na lang." sabi ko. Wala na akong pakieam kung ano man ang magiging reaksiyon niya sa tono ng pananalita ko. Pero mas lalo lang siyang tumawa kaya mas lalo akong nainis. Tinignan ko ito nang masama bago ako magsalitang muli. "May nakakatawa ba?" Medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya nagtinginan ang ilang naroroon sa gawi namin.
"Hindi mo gusto sa lugar na ito, tama ba ako?" Tanong niya sa akin na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Ano ibig mong sabihin?"
YOU ARE READING
His Secret Husband
RomanceGaano nga ba kahirap para sa isang tao na ipagpilitan ang sarili niya sa taong hindi kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo? Ano nga ba ang maganda sa isang istorya, happy ending, sad ending, or open ending? Kahit na alam na ni Alex na maaari...