Chapter 1: Plug
"Omnom, mahal na mahal kita pero nagsasawa na 'ko. Sorry.." sabi ko sabay post ng picture sa Facebook nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Unknown Number:
Hello :))
Sino naman 'to? Hindi naman ako basta basta nagbibigay ng number ko kasi hindi naman ako mahilig magtext.
Ako:
Who's this po?
Maya-maya ay tumunog nanaman ang cellphone ko.
Unknown Number:
Jm Jd Hrnz xD
"Ha? Initials lang 'to eh. Ang epal naman." Kasunod nun ang isa pang text.
Unknown Number:
Got your number from the plug of Stacey Bonayon.
Forwarded Message: GIFT EZREAL. 16, cosplayer, gamer, skater, pretty, sexy, cute, hot, maputi, chinita, red lips, matalino, mabait, lahat na!!! (pero weird) 0906******* Text n'yo siya please! ~
What the fuck?! Mabilis kong nidial ang number ni Sta at agad naman siyang sumagot.
"Hello Gift! Ano, may nagtext na ba sayo?" dinig ko sa kabilang linya ang ngisi niya.
"Hindi ko kailangan ng katext na kukulitin ako araw-araw!"
"Ang kailangan mo, boyfriend. Boy. Friend. Dude, get a life!"
"15 na kami sa Team SG at 'di ko kailangan ng boy friend."
"I mean jowa, ano ba! Kasi nam-" ni-end call ko na agad dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusap namin.
Tumunog ulit ang cellphone ko.
Unknown Number:
Still there?
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persona, living or dead, or actual events is purely coincid...