Chapter 3: Red
"Oy sa'n ka punta?" sabi ni Ate Mish na kagigising lang.
"Oy, 3pm na. ba't ngayon ka lang nagising?"
"Ba't mo sinasagot ng tanong yung tanong ko?" aniya.
"Ugh. What a nosy sister." sabi ko habang naghahalungkat at naghahanap ng maayos na damit.
"Ano ba yan, ha? Makikipagdate ka no?" silip niya sa salamin na nakaharap sa'kin.
"Hindi. Basta. Matulog ka na nga lang ulit!!" sabi ko at kinuha ang red v-neck 3/4 sleeves, maong shorts, domo bag, itim na Vans.
"Asus. Makikipagdate ka lang eh." Aniya sabay talukbong ng kumot.
"Heh." Sabi ko at pumunta na ng SM Sta. Mesa.
Jaime Jude Hernaez:
Wait for me at the foodcourt downstairs.
Ohhhkay. Ano kayang itsura niya? Hmmm.
*After 10 minutes*
"Nasa'n na ba yun? Gutom na 'kooo." Sabi ko habang nakapalumbaba sa mesa. Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang may 2 messages dun.
Ate Mish:
Ano oras ka uwi?
Jaime Jude Hernaez:
Can we go to my place?
Magrereply palang ako nang may nakita akong red na Vans sa harap ko. Inangat ko ang ulo ko at..
"Sorry pinaghintay kita. Leggo?" ngumisi siya at naunang maglakad sa Exit door ng SM.
Naka-gray sweatshirt, maroon pants at nakabonnet na kita ang nakataas niyang buhok sa harap na may kulay red.
Oooh. We'd never go out of style.
BINABASA MO ANG
The Right Mistake
Novela JuvenilThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persona, living or dead, or actual events is purely coincid...