Chapter 2: I'll buy him
Napagdesisyunan kong sakyan ang trip ni Sta pero hindi ko nirereplyan ang iba bukod sa isa.
Ako:
Ano ba buong name mo?
Nacurious ako dahil initials lang at hindi buong pangalan ang binigay niya.
Unknown Number:
Jaime Jude Hernaez, btw :)
Tumunog ang notification alert sa Facebook at nakitang may nag friend request na Jm Jd Hrnz. Tinignan ko muna ang profile niya at walang nahanap na pictures. Ano ba yun! Ang corny naman ng lalaking 'to.
"Baka panget? HAHA!"
"Gift! Kaena!" sigaw ni Ate Mish sa baba. Madali akong bumaba at tinignan ang dala niyang pasalubong.
"Yay katsudon for breakfast! Musta work?"
"Antok na 'ko. May sup call at naka-69 calls ako ngayong araw." ngisi niya habang nagtetext. Tumunog ang cellphone ko.
Unknown Number:
I'll buy him.
Calling: Unknown Number
"Omg omg omg!!!" sigaw ko habang paakyat ng kwarto para sagutin ang tawag.
"Uhm, hello?"
"Hi! Can I have him later?" aniya ng masayahin pero husky-ing boses.
"Uhm yeah? Sa'n ka ba malapit?"
"Taga-Quezon Ave. ako. Sa SM Sta. Mesa nalang tayo magkita."
"Sa Pandacan area ako. Sakto. Sige."
"See you, Gift.." aniya at binababa na ang tawag.
Kinakabahan ako.

BINABASA MO ANG
The Right Mistake
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persona, living or dead, or actual events is purely coincid...