Chapter 5

3 0 0
                                        

Chapter 5: Sa katulad mo

Ang alam ko lang ay sa CCP siya nag-aaral at July 19 ang birthday niya nung ni-stalk ko yung Facebook profile niya kanina.

"Para po, manong. Dito lang sa tabi." Tapos bumaba na kami sa tapat ng St. Peter's chapel.

"Sa'n ba banda yung bahay niyo?"

"Dun tayo." Tinuro niya yung putting building na katabi ng St. Peter's na may nakasulat na PEGaSUS.

"Weh?! Uhm.."

"Haha! Joke lang." ngumisi siya at tumawa. Juiceko baka rape-in ako neto. Huuu!!

Naglakad kami pababa sa may kalsada sa pagitan ng dalawang malaking building hanggang sa makarating kami sa gate na may hagdanan pataas kung nasa'n yung bahay nila.

"Ang cool naman ng bahay niyo! Parang isang malaking bahay na kayo lang yung may-ari."

"Ahh. Yung iba kasing bahay sa gilid kamag-anak namin pero yung iba hindi. Kaya ayun." Nagkibit balikat siya.

"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko habang binubuksan niya yung lock ng pintuan.

Tumingin siya sa'kin. Yan nanaman yung tingin na parang rarape —in ako. "Nope.." ngumiti siya at binuksan na ang pinto.

Biglang may dumamba sa dibdib niya at dinilaan yung mukha niya. Buti nalang 'di ako yung unang pumasok. Whew.

"Gift, this is Piolo. Piolo, this is Gift." Aniya at tumahol si Piolo na aso nila.

"Ang cute! Mahillig ka sa aso?" sabi ko at hinawakan ang ulo ni Piolo na hula ko ay cross breed.

"Yep. And I also love fishes." Sabay turo niya sa malaking aquarium malapit sa sala.

"Waaah! Ako din eh!"

"Pero mas mahilig ako sa katulad mo." Aniya at naglakad paalis sa sala.

What the what?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon