Chapter 18:The Finale

540 12 0
                                    

 

"Everyone deserves a happy ending, but sometimes a happy ending requires a lot of pain."



Jeremae's POV

Nagising ako ng walang katabi. Wala si Vincent. Nasaan kaya siya? Gabi pa rin. Kasi madilim at umuulan pa!

Nagbihis ako at hinanap siya.

Baka kasi nasa tabi lang siya at naghahanap ng makakakain.

Hindi pa kasi kami kumakain mula kagabi.

Why?

Kasi we made love...

Yes!

Ibinigay ko sa kanya ang sarili ko dahil mahal ko siya. Hindi ko nagawa toh kay Andrei kasi maaga siyang nawala.

Alam kong mahal ako ni Vincent! Ramdam ko yun! At sigurado akong hindi niya ako iiwan!

"Vincent!" sigaw ko. Nagsimula na akong maglakad-lakad. At sinigaw ang pangalan nya. Nakarating ako sa may dulo ng gubat, na isa na palang bangin. Banging malalim. At-atras na sana ako ng biglang may narinig akong nagclick.

*click.

Humarap ako sa pinang-galingan ng tunog.

O_O

s-si...

s-si...

"v-vincent?!" nanginginig kong sabi.

k-kasi...

may hawak siyang baril. At nakatutok yun sa akin.

"gising ka na pala, LOVE!"

"V-vincent...a-anong g-ginagawa mo?"  tanong ko. Tumingin ako sa kanya at sa mga mata niya, nakita ko ang isang galit na Vincent.

Anong ibig sabihin nito?

"wala naman... gusto ko lang maghiganti!" matigas niyang sabi. Saka kinalabit yung trigger ng baril na nakatutok pa rin sa akin.

"a-ano?" tanong ko.

Bakit naman siya maghihiganti?

"dahil ang tatay mo... ang pumatay sa ama't kakambal ko!" matigas pa rin niyang sabi.

"a-ang d-daddy ko?"  tanong ko. Hindi ko siya mintindihan!

 Bakit gagawin yun ni Daddy ko?

"ang buong pangalan ko... ay Vincent Rivera! Ang ama ko, ay si Rhommel Rivera, ang nanay ko ay si Allyza Rivera.. at ang kakambal ko.. ay si Andrei Rivera!" mariin pa rin niyang sabi.

A-Andrei?

A-Andrei Rivera?

May kakambal si Andrei?

"may kakambal si Andrei?" tanong ko. Tinitigan ko siyang mabuti... hindi naman sila magkamukha! Totoo ba?

"oo! Jeremae. ako yun! Alam mo bang noong gabing magtatanan sana kayo ni Andrei, nauna siya ng mahigit 30 mins. Ipinadukot siya ng papa mo saka pinabugbog hanggang mamatay siya! Alam mo rin bang, siya ang pumatay sa papa ko? Alam mo kung paano? Pinutol ang mga parte ng katawan niya at itinago sa kung saan-saan! Napaka-gago ng ama mo! Naghanap kami ng hustisya, pero ano! Binayaran niya ang mga judge nahumawak sa kaso ng tatay at ng kakambal ko! NAPAKA-WALANGHIYA NG TATAY MO!"  sigaw niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita.

Paano nagawa ng daddy ko yun?

Anong dahilan?

They Kidnapped The Ice Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon