...
'Matanong ko lang? Bakit ba tayo nag mamahal? Nag mamahal ba tayo kasi gusto nating masaktan? O nag mamahal tayo kasi dun tayo masaya?'
...
'Bakit ba natin minamahal ang isang tao? Dahil ba gwapo sya? Mayaman? Mabait? Matalino? O baka daks? Kaya mahal natin. Hahaha'
...
'Hoy!!? Ikaw? Nag mahal kana ba? Ano ba feeling nun? Nasaktan kana din ba? Anong ginawa mo para mawala yung sakit? Naka move on kana ba?'
...
'Teka nga, bakit parang ang broken ko. Enough nato. Madami pa akong gustong gawin at gustong ma rating saka nayang love love nayan' Nag lakad na ako palabas ng bahay habang bitbit ang aking bag na puros gamit ko ang laman. 'Dahil luluwas ako ng maynila kasi tinawagan ako ng nanay sa kadahilanang kulang daw ng tao ang bahay na kanyang pinag tra trabahuhan'
"Teka lang naman paeng. Sigurado kana ba dyan?" Biglang saad saakin ng aking kaibigan habang naka harang sa aking dinaraanan.
Tumingin ako sakaniya at tumango. "Alam mo deng, kung pwede lang tumanggi tatanggi ako. Kaso deng hindi eh, kailangan ko tumulong sa nanay para may panggastos dito sa bahay"
"Pwede naman tayong mangisda ah? Tapos ibenta sa palengke gaya ng ginagawa natin" Suhestyon nito saakin ngunit umiling ako dahil hindi ito sapat para saamin.
Lumapit ako sakanya at inakbayan sya. "Alam mo deng unang una ah? Mabigat tong dinadala ko, pangalawa kung malaki lang nabebenta natin sa pangingisda eh. Bakit hindi diba? Eh wala eh nabebenta natin be bente pesos ano mararating nun?" Saad ko sakanya at saka ako nag lakad kasama sya dahil akbay akbay ko sya.
Tumingin ito saakin. "Eh papano nayan? Mag isa nalang ako dito eng?" Tanong nya sakin na syang kina hinto nya sa pag lalakad, na syang kina hinto ko din.
"Sira! Babalik din ako. Hindi naman ako mag tatagal dun, nag aaral kaya ako dito. Habang summer at bakasyon kaya ako dun sa maynila. Pero pag may pasok na babalik din naman ako" Nakangiti kong saad sakanya habang naka akbay padin. "Alam mo deng nangangawit na ako sa bitbit ko" Hinaing ko sakanya, habang naka tingin sa dala dala kong bag.
Nabuhayan ito sa sinabi ko na babalik din ako. Kayat nag lakas na sya. " Yan ah eng. Babalik ka ah? Wala akong kalaro dito eh" Saad nya at nag lakad na ng tuloy tuloy. Habang ako ay tumango lamang bilang pag sang ayon sa kanyang sinabi.
...
Continuation
...
'Hilooo!!! Sainyo!. Long time no story no? Wala na na busy ako eh. Saka na mental block din tapos tinamad din kaya eto nawalan ako ng panahon sa pag gawa ng kwento. Masaya ako na nakabalik ako ngayon dito sa wattpad at sinisimulan ang bago kong story. Sana nag improve na yung pag susulat ko para mas madami akong ma inspired na tao specially LGBT community. Basta i will do my best para maging matagumpay lang itong story nato, No to copyright ah. Also yung Picture ng story na ito ay kuha sa Pinterest and inedit ko sa PicsArt so credit to them'
...
BINABASA MO ANG
SUMMER RAIN (BXB)
RomanceAng kwentong ito ay ilalahad kung papaano magmahal ang isang tao, mapa babae man ito o lalaki. Kung papaano nya tiisin ang sakit, para lang maging matatag sa kanyang minamahal. Sakit kung saan gusto na nyang bumitaw ngunit nag babaka sakali syang ma...